Ryan Yllana talks about victory, defeat, and death in the family

by Ruel J. Mendoza
Jun 2, 2010
"Pero happy ako at kinuha pa rin ako ng GMA-7. Parang blessing nga kasi after all ng pagod at gastos ko noong campaign at eleksyon, heto at muli akong babalik sa TV. Tapos anghel pa ang role ko kaya ang saya-saya na hindi ako nakalimutan ng mga Kapuso," says Ryan Yllana about his latest project in GMA-7.

Pagkatapos ng nakakapagod na kampanya at eleksyon, muling nagbabalik sa kanyang pagiging komedyante ang isa sa mga hinalal na konsehal ng Parañaque City na si Ryan Yllana.

Na-miss daw ni Ryan ang paglabas sa TV kaya nagpapasalamat siya sa GMA-7 at mabilis siyang binigyan ng bagong TV show, ang primetime series na Pilyang Kerubin. Gumaganap siya bilang si Elijah, ang guardian angel at messenger ni San Pedro played by Janno Gibbs.

Hindi raw inaasahan ni Ryan na kaagad siyang mabibigyan ng project dahil katatapos lang ng eleksyon. Kaya naman natuwa siya na noong maproklama siya bilang konsehal ay biglang dumating ang role sa Pilyang Kerubin.

"Nakaka-miss ang mag-taping. Two to three months din ako nawala at ang pag-asikaso sa campaign ang hinarap ko. Biglaan nga 'yon, e, kaya may mga guesting ako na hindi na natanguan dahil sa pinasok kong ito.

"Pero happy ako at kinuha pa rin ako ng GMA-7. Parang blessing nga kasi after all ng pagod at gastos ko noong campaign at eleksyon, heto at muli akong babalik sa TV. Tapos anghel pa ang role ko kaya ang saya-saya na hindi ako nakalimutan ng mga Kapuso," nakangiting sabi ni Ryan nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Pilyang Kerubin last Monday, May 31.

Continue reading below ↓

NEW WORLD. Ayon kay Ryan, nag-a-adjust pa siya sa bagong mundo na pinasok ni Ryan—ang pagiging konsehal. Hindi raw kasi siya sanay na matawag na "Sir" ng maraming tao.

"Nagugulat nga ako minsan kasi sine-Sir ako," banggit ng actor turned politician. "Nasanay ako na tinawag ako sa pangalan ko. Kaya minsan, hindi ko napapansin na ako pala ang tinatawag na 'Sir.' Napapa-'Ay, ako ba ang sine-Sir mo?' Kaya natatawa ako kasi nga sinasanay ko pa ang sarili ko.

"Tapos, kailangan pormal ako parati kapag haharap ako sa mga tao. Alam n'yo naman sa trabaho natin, basta maganda ang t-shirt mo at malinis ang maong mo, puwede na 'yon sa mga fans. Ngayon, hindi na gano'n, e. Kasi ibang mga tao na ang mga kausap mo kaya kailangan presentable ka parati."

Ang una raw pagtutuunan ng pansin ni Ryan bilang konsehal sa lungsod ng Parañaque ay ang magkaroon ng free college para sa mga mag-aaral. Ang Parañaque City lang daw ang kaisa-isang city sa Metro Manila na walang city college.

Continue reading below ↓

"Yun nga ang napag-alaman ko na wala palang pamantasan sa Parañaque. Maraming public high schools, pero walang public college. Sayang naman dahil maraming makukuhang scholars sa public high schools. Marami tuloy ang hanggang high school na lang kasi wala silang pambayad sa universities at ibang colleges sa Metro Manila.

"Kaya 'yon ang gusto kong mabigyan ng pansin. Education para sa maraming bata. Sabi nga nila, ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya dapat sila ang tulungan natin para makakuha sila ng tamang edukasyon."

DEATH IN THE FAMILY. Kinumusta rin ng PEP kay Ryan ang kanyang kuya na si Anjo Yllana, na tumakbong vice mayor sa Parañaque pero natalo. Balita kasing hanggang ngayon ay depressed pa rin ito dahil bukod sa pagkatalo nito sa nagdaang eleksyon ay sobra itong nalungkot nang sumakabilang-buhay ang kapatid nilang si Robbie Yllana noong May 13.

"Si Kuya Anjo, he's feeling better now," sabi ni Ryan. "Medyo inaalalayan pa namin kasi nga nararamdaman namin na malungkot siya. Bigla na lang kasi 'yang tatahimik, e. Kaya lagi namin siyang kinukumusta. Kahit through text or tawag sa telepono, ginagawa namin.

Continue reading below ↓

"Pero nakabalik naman na siya sa pag-host ng Eat Bulaga!, which is good kasi nga kailangan niya ng diversion talaga. Nakita ko kasi kung gaano siya nalungkot noong hindi siya nahalal as vice mayor sa Parañaque tapos sumabay pa ang nangyari sa kapatid naming si Robbie. Si Kuya Anjo kasi ang pinaka-close kay Robbie sa aming magkakapatid. Kaya ramdam namin ang sobrang lungkot niya."

Life goes on sa Yllana family. Para hindi raw nila masyadong maramdaman ang lungkot ay parati silang nagsasama-sama at nagkakatuwaan.

"As much as possible, gusto naming magkasama kaming lahat, lalo na kung libre naman ang schedules naming lahat. Kapag nagsasama naman kami, tawa kami nang tawa. Yun ang gusto ni Mommy sa amin, e. Yung masaya kaming lahat. Dalawa na ngang family members namin ang nawala [Robbie and their father] kaya we want to have good memories from one another," saad ni Ryan.

Read Next
Read More Stories About
Ryan Yllana
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pero happy ako at kinuha pa rin ako ng GMA-7. Parang blessing nga kasi after all ng pagod at gastos ko noong campaign at eleksyon, heto at muli akong babalik sa TV. Tapos anghel pa ang role ko kaya ang saya-saya na hindi ako nakalimutan ng mga Kapuso," says Ryan Yllana about his latest project in GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results