PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

John Lapus on the success of Vice Ganda: "It's his time now to shine."

Sweet defends friend against rumors that success has already gone to Vice's head.
by Rommel R. Llanes
Published Jun 2, 2010
"Si Vice is like a little sister to me. Ang tawag ko sa kanya, shobe, bilang Chinese for little sister. Tapos ang tawag naman niya sa akin, achi, Chinese for older sister, ate. Wala lang, nakasanayan lang namin," says John "Sweet" Lapus (main photo) about Vice Ganda (inset).

Bagamat matalik na magkaibigan sina John "Sweet" Lapus at Vice Ganda ay pilit pa rin silang pinagsasabong at pinagkukumpara ng mga tao, lalo na ngayong bongga ang career ni Vice.

Sa presscon ng Pilyang Kerubin last Monday night, May 31, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sweet kung ano ang masasabi niya tungkol sa success ngayon ng kanyang kaibigan na si Vice.

"Si Vice is like a little sister to me," sabi ni Sweet. "Ang tawag ko sa kanya, shobe, bilang Chinese for little sister. Tapos ang tawag naman niya sa akin, achi, Chinese for older sister, ate. Wala lang, nakasanayan lang namin.

"Saan kami nagkakilala? Sa The Library [comedy bar]. Bilang nung mga panahon na baguhan si Vice, siyempre isa na ako sa matrona dun, isa na ako sa mga senior sa The Library. So, nakita ko naman yung simula ni Vice hanggang sa kung paano siya nag-struggle, hanggang sa naging matagumpay na stand-up comedian na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maligaya raw si Sweet sa tagumpay ni Vice. In fact, nanood pa siya ng concert ni Vice sa Araneta Coliseum last May.

"Sobrang happy! Sobrang happy. Sa Araneta? Yes, 'andun ako. Ako nga yung nagbigay sa kanya ng bonggang-bonggang yung pang-kabayong bulaklak na bilog, sinusuot sa kabayo! Naloka siya!" tawa ni Sweet.

"IT'S HIS TIME NOW." Masarap daw ang feeling ni Sweet na nakikita niya ang pag-alagwa ng career ng kanyang "little sister."

"Precisely, di ba? At saka 'yon nga ang sinasabi ko sa mga taong nagtatanong sa akin about Vice at nang-iintriga sa amin, since si Vice ay napaka-talented na tao at mabait, napakabait at deserve na deserve niya ang whatever na success na tinatamasa niya ngayon, kaya huwag naman sana kaming intrigahin at pag-awayin dahil magkaibigan talaga kami.

"And modesty aside, parang lahat naman 'ata ng tinatamasa ni Vice ngayon, e, parang na-experience ko na naman noong araw. It's his time now, it's his time now to shine. 'Kakaloka! E, kung may Facebook lang nung panahon ko, malamang naka-one million fans din ako, di ba? Ganun lang yun. Nakapag-show naman ako sa Folk Arts Theater... Dapat Araneta yun, booked lang," sabi pa ni Sweet, na gumaganap bilang demonyitang si Aroo sa Pilyang Kerubin na mapapanood na simula June 7 sa GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala si Sweet na importante rin ang itatagal, o longevity, ng career ng isang artista.

"Siguro iyon yun, and ako naman, iyon ang ipinagdadasal ko kay Vice bilang ate nga niya ako, na sana magtagal siya sa industriyang ito. Ako, lagi kong sinasabi sa kanya 'yan na... Hindi ko nga siya sinasabihan ng ano, e, hindi ko siya sinasabihan na huwag lalaki ang ulo kasi alam kong never mangyayari yun. Kilala ko 'yang batang 'yan. Ang sinasabi ko lang, e, sana magtagal siya. Iyon yun, kasi dun magkakalabanan, e, dun magkakaalaman," saad niya.

Pero may intrigang lumaki na daw ang ulo ni Vice. Ano ang masasabi ni Sweet dito?

"Nababasa ko 'yan at naririnig ko paminsan-minsan," sabi niya. "Pero ako, to be honest, hindi ko pa na-experience. Siguro I will be the first person na babarahin siya or pagagalitan si Vice in case na makakita ako ng senyales ng kayabangan sa kanya. Pero so far, hindi talaga."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Vice is like a little sister to me. Ang tawag ko sa kanya, shobe, bilang Chinese for little sister. Tapos ang tawag naman niya sa akin, achi, Chinese for older sister, ate. Wala lang, nakasanayan lang namin," says John "Sweet" Lapus (main photo) about Vice Ganda (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results