Overwhelmed ang young rapper na si Elmo Magalona nang maka-attend siya ng first press launch niya para sa kanyang very first TV series sa GMA-7, ang Pilyang Kerubin. Naganap ito last May 31 sa Studio 5 ng GMA Network Center.
Hindi raw inaasahan ni Elmo na aabot siya sa stage na pati ang pag-arte sa TV ay papasukin niya. Gusto lang daw kasi ni Elmo na mag-perform every Sunday sa Party Pilipinas dahil enjoy siya sa kanyang ginagawa doon.
Pero dumating na ang panahon na kailangang may iba na siyang pasukin para ma-explore pa niya ang iba pa niyang talents aside from singing and performing sa entablado.
"Nakaka-excite po because I'm not used to all of this. I mean, ang humarap sa maraming press," nakangiting sabi ni Elmo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "But I grew up with a few people from the press naman because of my dad [the late Francis Magalona] and my mom [Pia Arroyo-Magalona].
"I remember, maliit pa ako, we would have guests sa bahay and malalaman ko na they are reporters interviewing my dad and my mom. And may mga press people talaga na close sa kanila na during special occasions, kasama namin sila. Kaya sanay na rin ako in a way.
"But during the press launch," patuloy ng 16-year-old newcomer, "it made me nervous kasi nga ang daming tao and maraming nag-i-interview sa aming lahat. But it's cool and I'm getting used to it na. My mom said nga na masanay na ako because it will be a part of my world na."
Magsisimula nang mapanood ang Pilyang Kerubin sa Lunes, June 7, pagkatapos ng 24 Oras.
ACTING WORKSHOP. Nakapag-acting workshop na raw si Elmo para sa Pilyang Kerubin. Nagulat nga raw ang co-stars niyang sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio dahil hindi sila makapaniwala na first time lang na aarte si Elmo sa isang TV series. Sa kanilang workshop exercises kasi ay mabilis matuto si Elmo at nakakasabay na sa kanyang mga kasamahan.
"First of all, I'd like to thank Barbie and Joshua for the nice things they said about me during our workshop," sabi ni Elmo. "They really helped me a lot kaya it became easy for me to interact with them during the workshop.
"I guess it also helped that I was also acting sa mga stage plays noon sa school and I was doing commercials as well. Kaya I know kahit papa'no where I should place myself and memorize my lines.
"I'm still adjusting because I'm out of my comfort zone now. I'm into this new career and I want to be good at it as well. I always pray that I do well in what I'm into."
MAXENE & JC. Natanong din si Elmo tungkol sa nangyari sa relasyon ng kanyang ate na si Maxene Magalona at ni JC Tiuseco. Sinabi ni Elmo na hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na maging close kay JC kaya wala siyang alam kung totoo ngang nagkaroon ng relasyon ang kanyang ate at si JC.
Ayon kay Elmo, hindi nakarating sa bahay nila sa Antipolo si JC. Kaya hindi raw niya ito naka-bonding o nakasama sa mga lakaran nila.
"I met JC once in one event," banggit niya. "Si Ate Max ang nagpakilala sa amin and that was it. Noong time kasing may mga TV shows sina Ate Max and JC, I wasn't active in showbiz yet and I was busy with school. So there wasn't a chance for me to really get to know JC.
"Tapos, hindi naman nakarating si JC sa house namin in Antipolo. I never saw him doon sa bahay namin. Si Ate Max kasi, she lives in a condo near her school [Ateneo de Manila University] sa may Katipunan Road. So I guess mas doon nagpupunta si JC. Si Mom kasi, madalas din siya with Ate Max kaya mas magkakilala sila ni Mommy."
Ang pagkakaalam ni Elmo ay magkaibigan or barkada lang sina Maxene at JC.
Aniya, "I know lang is they are friends. Yun ang sabi ni Ate Max sa aming lahat. Now kasi, they say na naging sila ni JC. I really don't know anything about it, e. Ayoko namang tanungin si Ate Max. Unang-una, it's none of my business and it's a personal thing. Kaya kung ano na lang ang nalalaman ko, yun ang nasasagot ko sa mga nagtatanong sa akin."
"OUR MOM DESERVES TO BE HAPPY." Tungkol naman sa mommy niya, totoo ba ang balitang may bagong karelasyon na ito?
"As far as I know, wala naman. Wala pa naman akong nakikita!" sabay tawa ni Elmo. "I don't know din kasi I don't ask my mom. Pero wala naman siyang sinasabi din sa amin tungkol diyan. So I guess wala pa naman. Kung meron, she would tell us naman."
Okey lang ba sa kanilang magkakapatid na magkaroon na ng bagong pag-ibig ang mommy nila? Mahigit isang taon na rin kasi ang nakalipas mula nang pumanaw ang ama nilang si Francis M.
"It's our mom's choice to have one or not. We cannot decide for her because it's her life. Our mom deserves to be happy and if getting into a new relationship will make her happier, then it's okay. If mom feels that she wants to get into a new relationship, it's her decision. Kami naman, we're here to support and love her in whatever decision she makes," sabi ni Elmo.
