Ngayong June 5 ang last concert ng Heart 2 Heart. Ito ang concert tour nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez with Marian Rivera and Dingdong Dantes na dinala sa iba't ibang lugar sa Canada at U.S.A.
After their shows sa Toronto at Edmonton sa Canada, at sa Atlantic City, San Diego at San Francisco sa U.S., huling concert na ng grupo sa Pasadena, Los Angeles. After that, sabay-sabay silang babalik sa bansa sa June 8.
STANDING OVATION. Masaya ang lahat na involved sa Heart 2 Heart dahil pawang successful and well-attended daw ang concert sa lahat ng lugar na pinagdausan ito. Mababasa ang pasasalamat ni Ogie sa mga walang-sawang nanood sa kanila sa kanyang Facebook at Twitter accounts.
Ang previous concert nila sa Nob Hill, San Francisco was one of the most successful daw dahil halos napuno ang venue. Feeling daw nila, parang galing pa sa iba't ibang cities ang mga nanood sa kanila. Standing ovation daw ang ibinigay ng audience kay Regine nang kantahin nito ang Heart medley.
Halos wala na raw speaking voice si Regine dahil sa paiba-ibang weather conditions sa mga pinuntahan nilang lugar, pero birit pa rin daw ito pagdating sa singing.
The group flew to Los Angeles from San Francisco noong June 2 at nang gabing iyon, nagkaroon sila ng press conference sa Celebrity Center Scientology in Hollywood para sa mga reporters ng Asian Journal, Weekend Balita, Tribune USA, Pinoy Weekly, Philippine Time, One Philippines, among others.
Humarap ang apat sa press with two of GMA Pinoy TV's correspondents hosting the press conference.
REPORTER REPRIMANDS STARS. Base sa impormasyon na nakuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga taong naka-witness sa presscon, may isang middle-aged na babaeng reporter daw na tila kumonkontra sa kanila.
Nang may nag-congratulate na reporter sa apat na pawang mga endorsers ni Senator Noynoy Aquino, ang nagli-lead sa presidential tally na isinasagawa pa rin hanggang ngayon, sumagot si Ogie nang, "Opo, may bago na po tayong presidente," bagay na kinuwestiyon ng naturang babaeng reporter.
Ayon sa source, ang reporter daw ay nagngangalang Cora Pastrana, at sinabi raw nito kay Ogie na di pa dapat ina-address ang senador as the new president dahil hindi pa naman daw tapos ang bilangan. Ang sumagot sa kanya ay ang host ng presscon na nagsabing, "Maybe Ogie meant 'apparent,'" at saka isinunod na sa ngayon, nasa eight million-plus votes na ang lamang ni Senator Noynoy sa pinakamalapit na karibal, so malabo na raw sigurong mahabol pa ito.
Ang sunod namang pinuna ni Pastrana ay si Dingdong Dantes na nakasuot ng bonnet. Tanong niya, was he having a bad hair day? Mukhang hindi nakikipagbiruan ang reporter dahil dagdag nitong sinabi na nasa press conference ang aktor and di dapat nagsusuot ng bonnet, kaya hiniling niyang tanggalin ni Dingdong ang suot-suot sa ulo.
Maayos naman daw siyang sinagot ni Dingdong. Ang sabi ng aktor, kapag tinanggal niya ang bonnet, baka mas lalo nilang hindi magustuhan ang hitsura niya. Nawala raw ng airline na nagdala sa kanila sa Los Angeles ang maleta niyang may mga gamit para sa buhok, bukod pa sa kanilang mga pinamili at mga damit niya. Oras-oras daw ang pagta-track nila ng maleta sa airline, pero hindi pa raw ito nalo-locate. Kaya naisipan na lang niyang magsuot ng bonnet.
Pagkatapos daw magsalita ni Dingdong ay pinalakpakan siya ng mga nasa presscon.
Ayon pa rin sa source, si Cora Pastrana daw ay 60 years old at reporter ng ilang newspapers sa U.S. Kinasal daw sila ng aktor na si Raymond Bagatsing noong November 21, 2008.
NOT A FLOP. Nasa San Francisco pa lang ang grupo ng Heart 2 Heart nang may makarating sa kanilang balita na kumakalat na flop daw ang series.
Pinabulaanan ito ng tour producer na si Anna Puno ng Star Media. Sa panayam niya sa PEP, sabi ni Anna, "Definitely, hindi nag-flop ang lahat ng series of concerts namin. Recession ngayon sa U.S. and Canada, pero, sa kabila ng recession, lahat ng shows ng Heart 2 Heart ay well-attended.
"Up to the last minute, successful ang show hanggang sa Los Angeles show namin kunsaan halos sold out na ang tickets. Siguro yung iba na nagsasabing flop, naninira.
"As the concert producer, I am very happy with the outcome. Kahit recession dito, we were able to pull it through. At dahil recession, ako, I advise na dapat walang sagasaan para hindi maapektuhan lahat ng magsu-show na Pinoy. Kasi, namimili na ang tao kung ano ang papanoorin nila.
"I am very happy and I could say, never akong nag-buy-one-take-one ng ticket."
