Isang isyung patuloy na ipinupukol kay Enchong Dee ay tungkol sa kanyang seksualidad. Kamakailan ay may lumantad na lalaki sa Internet na nagsasabing karelasyon niya raw ang aktor. (CLICK HERE for related story.)
Lumabas din ang balitang may sariling makeup kit si Enchong na ginagamit sa mga taping at shooting, kaya mas lalo tuloy tumindi ang espekulasyon tungkol sa pagkatao niya.
DOING HIS OWN MAKEUP. Isa ito sa isyung tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa aktor noong makapanayam namin siya last Wednesday, June 2, sa set ng Magkaribal.
"Regarding the makeup kit issue, sasabihin ko agad sa iyo, mayroon akong sariling makeup kit dahil di ako gagastos ng ilang libo para lang magbayad ng makeup artist. Mas tipid 'saka baka kasi ma-irritate ang balat ko, hygiene din, di ba? Natawa na lang ako sa issue na 'yan kasi masyado nilang pinapalaki, masyado nilang sini-sensationalize na parang kung anu-anong bagay na ang mga lumalabas. Mayroon lang akong powder na importante at kailangan ng artista. Pag pinagmamasdan ko nga ang mga kasama ko sa ASAP, di lang naman ako, minsan lahat naman kami, bakit parang ako lang ang nai-issue?
"Kung may ibang tao na nakakakita at iba ang iniisip nila, wala na akong magagawa dun. Kumbaga, sarili nilang persepsyon ako."
"HINAHAMON KO SIYA." Tungkol naman sa lalaking nagpakilalang boyfriend daw niya, may hamon ang aktor dito.
"Oo, hinahamon ko siya. Sabihin niya, kasi di ko alam kung saan siya nanggaling, kung sino siya, kung anong klaseng pagpapalaki ng magulang niya at kaya niyang gumawa ng mga ganung kuwento.
"To be honest, natatawa na lang ako dahil nakikita ko ang mga posts... dahil may mga taong naniniwala... Sabi ko nga sa sarili ko, 'Ganun na ba kakitid ang pag-iisip ng ibang tao?' Sabi nila may video din daw, hindi ko pa rin naman nakikita. Pag kini-click ko sa Internet yung 'together,' puro salita, ano ba ito? Kahit ako tuloy, ako ba talaga ang tinutukoy nila dito? At least nakakasagot ako na wala talaga."
Nagbigay din ng mensahe si Enchong sa mga taong patuloy na gumagawa ng ganitong issue sa kanya.
"There are a lot of people who are very supportive of me kahit na ang dami-daming tao na humihila sa akin pababa. Ang sagot ko lang sa inyo: Patuloy ninyo akong hilahing pababa dahil patuloy pa rin akong magtatrabaho nang maayos. Patuloy na sama-sama naming iaangat ang mga sarili namin pataas."
SPECIAL FEELINGS. Very open naman siya sa special feelings na nararamdaman niya para kay si Erich Gonzales. Gaano katotoo ang balitang nag-react daw siya nang umamin si Angelo Patrimonio na eight months silang mag-MU ni Erich?
"Okey naman kami, nakakatulong yung minsan na maghiwalay ka ng project, parang mas nakikita namin kung gaano kaimportante ang isa't isa," ang sabi ni Enchong tungkol sa madalas na kapareha.
"Hindi pa rin kami. Sabi ko nga ayokong ipilit ang isang bagay, kasi nga baka pumapasok kami sa isang relasyon dahil napipilitan lang kami dahil sabi ng ibang tao. Di naman maganda ang isang relasyon na dumedepende lang sa kagustuhan ng iba. Kung feeling, oo naman. Every time na lang na may napag-usapan kami... mas nagiging understanding siya, mas naiintindihan niya ako.
"About Angelo, I asked Erich about it, di nga raw totoo. Matagal na rin kaming di nagkikita ni Angelo, pero if ever man na totoo, wala akong problems dun kasi kilala ko kung anong klaseng tao si Angelo. Mabait yun sobra, at alam ko na di siya manloloko ng tao."
Di ba siya nasaktan o nagselos man lang?
"Di naman nasaktan, di rin naman nagselos. Parang napatanong lang ako, di ko kasi alam, parang caught off-guard lang ako. That happened two, three years ago... kilala pa lang namin ni Erich ang isa't isa... by names pero di kami chummy-chummy tulad ngayon."
Dapat ay may isang buwang pahinga sila ni Erich sa pagtatapos ng Tanging Yaman pero tuluy-tuloy pa rin ang pagtatrabaho nila.
"May one month kaming break pero di rin naman siya masusunod kasi naghahabol kami for Magkaribal tapos mag-i-start kami ng movie [Sa 'Yo Lamang] with Ms. Lorna [Tolentino], Coco [Martin]. Walang pahinga pero siyempre masaya kami kasi dirediretso ang trabaho."
