PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katherine Luna to Coco Martin: "Wala kang anak, wala na rin sigurong tatay yung anak ko!"

Katherine denies using Coco for her comeback.
by Roldan Castro
Published Jun 9, 2010
"Hindi ko siya kailangang gamitin gaya ng ginawa niya sa akin before para sumikat lang. Hindi naman ako manggagamit na tao, e. Sumikat ako dahil may talent ako. Sumikat ako dahil pinagpaguran ko at pinagpawisan ko. Hindi ko siya kailangang gamitin dahil hindi ako bumabalik sa showbiz," says Katherine Luna (main photo) about Coco Martin (inset).

Nangako ang sexy star na si Katherine Luna na huling pagsasalita na niya tungkol sa aktor na si Coco Martin ang guesting niya sa Juicy ng TV5 noong Lunes, June 7. Napagod na kasi siya sa limang taong "pagpapabaya" raw ni Coco sa anak nilang babae. Ayaw na raw umasa ni Katherine na magiging responsableng ama pa ang aktor.

Noong June 3, Huwebes, hindi rin daw nakaalala si Coco sa birthday ng kanyang anak. "Waley, wala. Ni text, wala," sabi ni Katherine sa programa.


"HINDI KO SIYA KAILANGANG GAMITIN." Nananatili namang "manhid, bulag, pipi, at bingi" si Coco sa mga interbyu ni Katherine. Hindi kasi nagbibigay ng pahayag ang premyadong aktor tungkol sa mga paratang sa kanya ng aktres na nakarelasyon niya noon at kung siya nga ang ama ng anak ni Katherine. Pinaratangan pa ng kampo ni Coco si Katherine na baka ginagamit ng huli ang aktor sa pag-comeback niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yun po ang gusto kong i-clear," diin ni Katherine. "Maraming project ang dumaan sa akin na hindi ko tinanggap, kasi ayaw ko muna. Hindi ko siya kailangang gamitin gaya ng ginawa niya sa akin before para sumikat lang. Hindi naman ako manggagamit na tao, e. Sumikat ako dahil may talent ako. Sumikat ako dahil pinagpaguran ko at pinagpawisan ko. Hindi ko siya kailangang gamitin dahil hindi ako bumabalik sa showbiz."

Gusto raw muna ni Katherine asikasuhin ang mga anak niya, lalo't papasok na raw sa eskuwelahan ang anak nila ni Coco. Tatlo ang anak ni Katherine; panganay ang sinasabi niyang anak nila ni Coco, at dalawa naman sa dati niyang ka-live-in na si JM.

Ayon kay Katherine, hindi niya ipinagdadamot kay Coco ang kanilang anak.

"Nagbigay siya ng sustento sa akin nung pagkapanganak na pagkapanganak ko," banggit ng sexy actress. "Nakita pa niya yung bata. Sabi niya, nakikita niya yung pigura niya nung bata pa siya. Sandali lang niya nakapiling yung bata. After that, hindi na siya nagpakita."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dahil tila hindi inaamin ni Coco na siya ang ama ng anak ni Katherine, pabor daw ang huli kung nagdududa ang aktor na anak nga niya ang bata.

"Matagal ko nang sinabi sa kanya 'yan, pati sa publiko. Ako kasi, lumaki na walang tatay. Ayaw ko sanang mangyari yun sa anak ko. Gusto ko makilala ang tatay niya," saad niya.

"WALA KANG ANAK..." May mensahe rin si Katherine para kay Coco:

"Eto lang ang sasabihin ko ngayon sa kanya. Noon, naghahabol ako dahil kailangan ko ng sustento sa anak niya. Pero nakaahon na ako, ginagawa mo pa rin 'yan. Ilang taon na? Limang taon na. Limang taon nang ipinagkakait mo yung pagiging ama mo sa anak ko. Siguro ganito na lang ang gawin natin... Wala kang anak, wala na rin sigurong tatay yung anak ko!

"Hindi ko na pahahabain ito. Tama na ito. Hanggang dito na lang. Hindi ako nanghihingi ng sustento, kaya kong buhayin ang anak ko. Napatunayan ko naman 'yan sa limang taon. Bahala ka sa buhay mo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Katherine Luna, Coco Martin
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko siya kailangang gamitin gaya ng ginawa niya sa akin before para sumikat lang. Hindi naman ako manggagamit na tao, e. Sumikat ako dahil may talent ako. Sumikat ako dahil pinagpaguran ko at pinagpawisan ko. Hindi ko siya kailangang gamitin dahil hindi ako bumabalik sa showbiz," says Katherine Luna (main photo) about Coco Martin (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results