Last Tuesday morning, June 8, nang makabalik ng bansa sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez, from their month-long concert tour sa ilang key cities in Canada and U.S.
Sinabi ni Dingdong sa PEP (Philippine Entertainment Portal), sa buong buhay niya, that was the only time na tumagal siya ng ganoon katagal sa ibang bansa. Usually raw ay matagal na ang two weeks at balik-Pilipinas at trabaho na siyang muli.
Base sa ipinadalang text message ni Dingdong sa PEP nang kumustahin namin siya at ang Heart 2 Heart concert nila, halatang masaya ang aktor at lubos ang pasasalamat sa mga nanood sa kanila.
"All six concerts were very successful. Each place has a distinct characteristic that made our trip more interesting. Pero all had a common denominator. Game na game ang audience and very responsive sila, made us performers energized more when on stage. It's my first time to be in a huge tour like this," saad ni Dingdong sa kanyang text message.
Ayon pa sa aktor, malaking bahagi rin sa magandang experience niya sa concert tour ang mga nakasama niya.
"Of course, aside from the fact that I am with people I look up to—Ogie and Regine—in places that are equally romantic and fun, ay kasama ko pa ang mahal ko that makes this total experience unforgettable," aniya, na ang tinutukoy ay ang girlfriend niyang si Marian Rivera.
During that tour din daw sila nagkaroon ng pagkakataon ni Marian na makilala at makasalamuha ang iba't ibang hukbo ng supporters nila, gaya ng Dongyanatics at Marian Knights, from different places in U.S. and Canada.
"Siyempre, masaya din kami na nakilala namin ang iba't ibang clubs who support us in all our shows and movies. Kaya grateful kami for the opportunity given," banggit ni Dingdong.
Tila na-miss naman ni Dingdong ang working atmosphere sa Pilipinas. Mukha ring well-rested na sila ni Marian at ready nang sumabak muli sa taping ng kanilang bagong primetime series sa GMA-7 na Endless Love. Sa June 28 ang target airing ng pilot episode nito.
Isa rin si Dingdong sa mga celebrity na dumalo sa proclamation nina Senator Noynoy Aquino at Mayor Jejomar Binay bilang bagong President at Vice President ng Pilipinas, respectively, kahapon, June 9, sa Batasan Pambansa. Naging aktibo si Dingdong sa pagkampanya para kay Noynoy Aquino noong nakaraang eleksyon.
