Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Alan Peter Cayetano links PNoy, Mar Roxas, Grace Poe, ABS-CBN to black propaganda against Duterte

May 7, 2016
<p>VP candidate Sen. Alan Peter Cayetano has directly named President Bengino "Noynoy" Aquino, Mar Roxas, Sen. Grace Poe, Sen. Antonio Trillanes and ABS-CBN as responsible to the black propaganda against his running-mate Mayor Rodrigo Duterte during their

Nagsalita si Sen. Alan Peter Cayetano tungkol sa mga diumano’y black propaganda laban sa kanyang running mate na si Mayor Rodrigo ‘Rody’ Duterte.

Isinaad ito ni Cayetano sa unang bahagi ng kanyang talumpati sa miting de avance ng PDP-Laban party sa Quirino Grandstand, sa Luneta Park, Manila, ngayong Sabado, May 7.

Nauna niyang ipinagtanggol si Duterte laban sa diumano’y sinasabi nina President Benigno “PNoy” Aquino III, mga presidentiable na sina Mar Roxas at Sen. Grace Poe, vice presidentiable Sen. Antonio Trillanes, at ng TV network na ABS-CBN

Pahayag ni Cayetano, “Siya [Duterte] na po ata ang pinakamasamang tao sa balat ng mundo at sa kasaysayan kung paniniwalaan si Pres. Aquino, si Mar Roxas, si Grace Poe, si Sen. Trillanes, at ang mga may-ari ng ABS-CBN.

“Hindi ko po alam kung saan hinuhugot ni Mayor Duterte ang lakas para harapin ang lahat ng kritisismo, pero naalala ko po tuloy ang sinasabi ng Sabado Boys sa kanilang kanta.

Continue reading below ↓

“Mayor, kung pagod na ang iyong paa, tingnan mo na lang po ang lahat ng umaasa.

“Lahat po ng pagsubok ay akala ko po nadaanan na niya. Tatlumpu’t taon bilang mayor, lahat ng gulo na hinarap niya sa Davao bilang prosecutor.

“Akala ko po yung umpisa ng kampanya ay napakahirap. Bakit po?

“Isang oras, magsasalita si Mayor, maghihintay yung iba, ite-tape siya, kukuha ng isang minuto na controversial ang sasabihin.

“Tatanggalin sa konteksto at yun po ang ilalagay sa news.”

Subalit sinabi rin ni Cayetano na nagbago ang tingin ng media kay Duterte at nasimulan siyang gawan ng magagandang balita.

“Akala ko po yun na po ang pinakamabigat.

“Noong nasanay na po ang mga media na kasama namin araw-araw, kami po ay nagpapasalamat sa inyo.

“Noong nakikilala niyo po si Mayor, nire-report niyo na po ang puso ng isang Mayor Duterte.”

Subalit muli raw nabago uli ang news reports nang mag-number one sa mga survey si Duterte.

Continue reading below ↓

“Bigla naman pong dalawa, tatlong linggo, nasa news natin, 20 minutos na news ay tungkol sa krimen, droga, at korapsyon.

“Bigla na lang po ang news, si Duterte na lang po ang masama at pinakamasama sa ating bansa.”

Sabi pa ng vice-presidential candidate, “Dahil yung black propaganda po, walang nangyari, sinusian ang isang Senador Trillanes. Binigyan ng mga pekeng dokumento.”

Pero ayon kay Cayetano, “Hindi po ako galit kay Sen. Trillanes.

“Naaawa po ako sa kanya at sinira niya ang pangalan niya sa graft and corruption.

“Hindi po ako galit kay Sen. Poe at kay Mar Roxas sapagkat isinakripisyo nila ang kanilang prinsipyo dahil gusto nila maging pangulo ng republika.

“Hindi po ako galit sa ABS-CBN, napakagagaling po ng mga taong nandoon.

“Pero nahihiya ako sa mga reporter ng ABS-CBN, na ang kanilang may-ari at management ay mas importante kesa sa integrity na sila ang magdikta kung sino ang susunod na pangulo ng ating republika.

Continue reading below ↓

“You are all my friends, Pres. Aquino, Mar Roxas, Grace Poe, and the management and owners of ABS-CBN.”

Bago niya tapusin ang tungkol sa kanyang hinaing, nag-iwan si Cayetano ng katanungan sa mga taong kanyang nabanggit.

“Let me pose this question to you, let me address myself to you.

“For what will it profit you if you gain the world?

“Ano po ang mapapala niyo kung kayo ang magdidikta kung sino ang susunod na pangulo, kung ang inyo naman pong kaluluwa ay mawawala?

“Bakit niyo ibinebenta ang prinsipyo niyo? Ganoon ba kaimportante ang pera at kapangyarihan?”

Sinabi rin ni Cayetano ang kanyang natutunan mula sa running mate niya habang sila ay nangangampanya.

“Una ko pong natutunan kay Mayor Duterte, yung sinabi po niya sa akin, ‘Alan, huwag nating ibebenta kung sino tayo.

“’Huwag tayo magtatago. Matalo na tayo, pero hindi tayo hahawakan sa leeg ng iilang mayaman sa ating bansa.

Continue reading below ↓

“’Matalo na tayo, buksan nila ang ating puso, Diyos at bayan ang makikita, at hindi po kasakiman sa kapangyarihan.’”

ABS-CBN DID NOT BLOCK ALAN PETER’S AD. Sa naunang interview kay Cayetano, sinabi niyang blinock diumano ng ABS-CBN ang pag-eere ng kanyang political ad.

Kanina, May 7, ay nag-release ng official statement ang ABS-CBN at nilinaw ang alegasyon ni Cayetano.

Narito ang statement ng ABS-CBN Corporate Communications:

“ABS-CBN did not block the airing of Sen. Alan Peter Cayetano’s political advertisement.

“The ethics committee only requested that the footage showing our network executives in the 'Harapan ng Bise' debate be edited out from the ad.

“However, we did not receive the revised material.

“ABS-CBN also did not object to the use of the footage from the 'Harapan ng Bise' debate in the same ad for airing in other TV stations.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>VP candidate Sen. Alan Peter Cayetano has directly named President Bengino "Noynoy" Aquino, Mar Roxas, Sen. Grace Poe, Sen. Antonio Trillanes and ABS-CBN as responsible to the black propaganda against his running-mate Mayor Rodrigo Duterte during their
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results