PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Geoff Eigenmann surprises Carla Abellana on her birthday

Geoff hires a string quartet to serenade Carla.
by Rose Garcia
Published Jun 17, 2010
Geoff Eigenmann kept his promise to surprise rumored girlfriend Carla Abellana on her birthday. The young actor hired a string quartet to serenade the young actress on the first hour of her birthday.

Last June 12, Independence Day, ang actual 24th birthday ni Carla Abellana. Naging memorable ito para sa Kapuso actress dahil hindi pinalampas ng kanyang ka-love team at rumored boyfriend na si Geoff Eigenmann ang special day niya.

Kung matatandaan, during Geoff's birthday last March, napaiyak siya ni Carla dahil sa inihandang surprise dinner ng dalaga para sa kanya at sa pamilya niya sa isang bonggang resort sa Bohol.

Sa press conference noon ng afternoon soap nilang Basahang Ginto, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Geoff kung may inihahanda rin ba siyang pang-surprise naman on Carla's birthday. Nakangiti itong sumagot na may naiisip na raw siya, pero siyempre hindi niya puwedeng i-reveal kung anuman yun para hindi nga naman masira ang kanyang sorpresa.

Mula sa isang malapit kay Geoff, napag-alaman ng PEP na ang young actor ang naging punong-abala sa pag-asalto kay Carla noong nakaraang birthday nito. Nagkataon na may taping sila ng Basahang Ginto noong June 11 sa Alabang. Hindi na dapat kasama si Carla sa next location nila sa Makati City Hall, pero napilit daw nila ang dalaga na sumama sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Muntik na raw mabulilyaso ang surprise na inihanda ni Geoff dahil biglang nawala si Carla before 12 midnight. Antok na antok na raw kasi ang dalaga at gusto nang umuwi. Pero nagawa raw pabalikin ni Geoff si Carla sa set kaya natuloy ang inihandang surprise ng binata.

Pagdating ni Carla sa Makati City Hall, nagulat siya dahil dinala siya ni Geoff sa may balcony kung saan nandoon ang string quartet na hinire nito, sabay abot ng binata ng isang bonggang bouquet of flowers.

Hinarana raw ng string quartet si Carla ng "Happy Birthday" kasunod ng mga kantang "Tattooed On My Mind" ng D'Sound at "Close To You" ng Carpenters. Tuwang-tuwa raw si Carla sa gesture na ito ni Geoff at sobra siyang na-touch.

Kuwento pa ng aming source, super sweet sina Carla at Geoff habang nakikinig sa naghaharanang quartet.

Bukod sa inihandang asalto ni Geoff, may birthday gift pa raw ito for Carla. Hindi lang sigurado ang source namin kung ano ito at kung naibigay na ba ito ni Geoff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Walang malaki o bonggang birthday celebration si Carla sa mismong araw ng birthday niya. Nagkaroon lang daw siya ng dinner with her family. Siyempre pa, kasama rin si Geoff sa intimate dinner na ito.

Read Next
Read More Stories About
Geoff Eigenmann, Carla Abellana
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Geoff Eigenmann kept his promise to surprise rumored girlfriend Carla Abellana on her birthday. The young actor hired a string quartet to serenade the young actress on the first hour of her birthday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results