PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pauleen Luna appreciates Maxene Magalona's initiative to end their rift

Pauleen says she never starts a fight.
by Rose Garcia
Published Jun 18, 2010
"Na-appreciate ko naman siya, in fairness. Of course, you want to start on the right foot, especially nga na gagawa kayo ng serye together, gusto mo yung wala kayong ilangan. Na-appreciate ko talaga," says Pauleen Luna (right) about Maxene Magalona's (left) move to settle their issue.

Ang tungkol pa rin sa namagitang gusot sa pagitan nina Pauleen Luna at Maxene Magalona ang madalas na itanong sa dalawa during the press conference of Trudis Liit yesterday, June 17, at the 17th floor of GMA Network Center.

Supposedly ay sa afternoon soap na Bakit Kay Tagal ng Sandali? magsasama sina Pauleen at Maxene, pero na-shelve muna ang project at ito ngang Trudis Liit ang ipinalit. Mabuti na lang at kasama pa rin ang dalawa sa cast ng ipinalit na programa.

"I think, yun nga, mas hit ngayon ang mga bagets," sabi ni Pauleen. "Ako naman, suwerte ako na nandito ako ngayon kahit na-shelve na yung Bakit Kay Tagal..."

MAXENE'S MOVE. Ayon kay Pauleen, na-appreciate niya ang pag-initiate ng movie ni Maxene na magkausap at magkaayos sila ng kanyang co-star. (CLICK HERE to read related story.)

"Na-appreciate ko naman siya, in fairness. Of course, you want to start on the right foot, especially nga na gagawa kayo ng serye together, gusto mo yung wala kayong ilangan. Na-appreciate ko talaga," nakangiting sabi ni Pauleen sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nararamdaman ba niyang okey na talaga sa pagitan nila ni Maxene?

"Okey na talaga kami," sagot niya. "Yeah, hindi na nga lang talaga the way it was before. Something na mahi-heal overnight, hindi yun totoo."

MISUNDERSTOOD? Sa mga kinasangkutang isyu ni Pauleen, kasama na nga itong sa kanila ni Maxene, may mga nagsasabi na siya naman daw ang nagsisimula ng away at siya talaga ang palaaway. Kapag may ganon siyang naririnig o nababasa, nasasaktan ba siya?

"Nahe-hurt ako kasi never akong nag-start ng away, for the record," sabi niya. "At yung mga press na kilala ko, masasabi na never akong nag-start ng away. At yung isyu na ito, ang tagal ko nang nananahimik. It's like last year or around November pa. Until it went overboard, 'saka lang ako nagsalita. Tapos, ako pa raw ang nagsimula, di ba? Yun yung hindi alam ng tao."

Ang tinutukoy ni Pauleen ay ang isyu niya sa Ampalaya Anonymous, kung saan kabilang si Maxene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung ganun pala ay puwede siyang "misunderstood"?

"Maybe because I'm very transparent," sagot ni Pauleen. "Na I don't put up a face to show you that we're okay if we're not really okay, di ba? Gano'n naman dapat, e. So, I guess, I'm just misunderstood."

Dagdag niya, "Dyusko, ang simple-simple ko, e! Hindi ako gumigimik. After trabaho, bahay. Eat Bulaga!, taping, bahay. Ganoon lang talaga. At saka sa akin, what you see is what you get."

Sa mga hindi siya kilala o nanghuhusga sa kanya agad, paano niya ipapakilala ang sarili niya sa mga ito?

"I'm very simple. I speak my mind. E, kasi, wala naman akong pretentions, e. Kaya ang hirap din for me, ang hirap din to be in showbiz kasi ang daming nagpi-pretend. Nahihirapan talaga ako. Hindi ko talaga kaya," saad ng young actress.

TRUDIS LIIT OVER LOKOMOKO HIGH? Magpa-pilot na ang Trudis Liit sa Lunes, June 21, sa GMA-7. May naglabasan na mas pinili raw ni Pauleen ang bagong show na ito ng Kapuso network kaya iniwan na niya ang gag show sa TV5 na Lokomoko High. Is this true?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Hindi ko alam ang usapan diyan. Hindi ko naman siya pinili. Basta sinabihan lang ako na magte-taping ako sa Trudis. Tapos, sumunod lang ako. Hindi na ako nagtanong," sabi niya.

Bagamat isa sa mga naipakilala na stars ng TV5, Pauleen told us na wala na rin siya sa Kapatid network. Pero wala raw siyang alam sa detalye ng pagkakaalis niya sa TV5.

"Hindi ko talaga alam kung ano ang naging usapan nila. Clueless talaga ako. Pinabayaan ko na lang talaga kala Nanay Lolit [Solis, her manager]. It's not my choice. Kung nasaan man ako ngayon, dahil yun sa sinabi ni Nanay Lolit."

Dagdag niya, "Of course, I love my GMA family. And noong kinuha ako, of course I said yes."

JILLIAN WARD. Hiningan din namin ng comment si Pauleen tungkol sa bida ng Trudis Liit na si Jillian Ward. Si Pauleen kasi ang gumaganap na kontrabida ni Jillian dito.

"Naku, grabe ang energy ng batang 'yan!" bulalas niya. "Hindi tatanda ang batang 'yan. Hindi natutulog sa taping 'yan. Kanta nang kanta. Sayaw nang sayaw. Pero ang galing, sobra! Ang daling kaeksena. Ang daling paiyakin. Sabihin mo lang, 'hindi ka iiyak?' iiyak na siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ba siya natatakot na baka kainisan naman siya ng mga tao na bata ang inaapi niya dito sa Trudis Liit?

"Hindi naman, kasi ano naman 'to, para siyang Disney. Yun ang peg namin. Pero yun ang fear ko actually when we got the role, na baka matakot sa akin ang mga bagets. But since medyo comedy siya, hindi naman," sabi ni Pauleen.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Na-appreciate ko naman siya, in fairness. Of course, you want to start on the right foot, especially nga na gagawa kayo ng serye together, gusto mo yung wala kayong ilangan. Na-appreciate ko talaga," says Pauleen Luna (right) about Maxene Magalona's (left) move to settle their issue.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results