Jillian Ward beams on playing Trudis Liit: "Ako po yun!"

Jillian Ward knows that the original Trudis Liit is "Vilma Santos," who won a FAMAS Best Child Actress award for playing the lovable character in 1963.


Nasaksihan namin mismo ang pagiging hyper at ang pagkakaroon ng pure energy ni Jillian Ward. Hindi malayong maging child sensation ang limang taong gulang na bata through afternoon series, ang Trudis Liit.

Noong kausapin si Jillian ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press con ng upcoming sinenobela ng GMA-7 kahapon, June 17, halos hindi ito mapirmi sa isang lugar at talaga namang feeling princess sa kanyang gown at tiara na suot-suot.

No wonder, nang tanungin namin siya tungkol sa pagiging bida nito at the age of five, ang kanyang sagot ay tungkol pa rin sa pagiging princess.

"Feeling ko po, princess ako. Na prinsesa ako..." nakangiti niyang sabi.

Unang nakitang umarte si Jillian sa The Last Prince bilang si Daldakina at isa rin siya sa regular kids na mainstay sa Wachamakulit, na napapanood tuwing Friday sa Kapuso network.

At sa mga nagtatanong, Jillian's mother is half-American and half-Filipino. Surname ng mommy niya ang kanyang ginagamit. She now lives with her mom and stepdad. Bata pa lang ito nang mamatay sa motor accident ang tunay na ama.

E, prinsesa ba si Trudis Liit?

"Ang role ko po, inaapi ako. Kapag good girl po, yun ang magiging princess. Kung hindi good girl, yun ang walang gown."

Type niya ba palaging nakasuot ng gown?

"Yeah! Kasi, gusto kong maging prinsesa!"

Paano ba niya nagagawang umarte na api-apihan? Ang sabi, magaling daw siyang umiyak?

"Ano po, inaaway po ako ng mommy ko kunwari para po makaiyak ako," at saka nito ini-arte pa kung paano ang facial expression ng mommy daw niya.

Pero may isang Hollywood movie na siyang pang-motivate pala ni Jillian.

"Iniisip ko po ang Titanic. Nakakaiyak, e. Si Rose kasi, na-miss si Jack. (Ang tinutukoy na Rose at Jack ni Jillian ay ang mga characters na ginampanan nina Kate Winslet at Leonardo Di Caprio sa naturang movie.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakaaliw rin si Jillian na nag-hum pa ng "My Heart Will Go On," ang theme song ng pelikulang Titanic.

Bago ito sumabak sa pagiging artista, marami-rami na rin siyang nagawang TV commercials tulad ng Promil Kid kunsaan kumanta siya ng "Mama said..."

At nang tanungin ito tungkol sa kanyang favorite actresses, aside from Kris Bernal, gusto rin daw niya si Rhian Ramos dahil "sobrang ganda!"

Sa mga singers naman, si Regine Velasquez daw ang idol niya.

When asked kung sino ang crush niya, sumagot ito ng, "Manager ko, Daddy ko..." Ang pilyang sagot ay sinundan niya agad ng, "Baby pa 'ko, bawal pa kong magka-crush!"

Pero may nagbuking na ang crush daw ni Jillian ay si Aljur Abrenica. Nang tuksuhin ito, hindi nakaimik at ngingiti-ngiti lang.

Tila naglalaro lang si Jillian. Pero aware ito na may pera na siyang kinikita tuwing magte-taping siya, at kung siya ang masusunod, "Bibigyan ko ang matatanda, yung mga lola...Kasi, kawawa...," aniya.

E, siya ba, wala siyang mga gustong bilhin?

"Barbie lang. Babae nga ako kaya nga Barbie, e," katwiran pa niya.

Ang acting coach ni Jillian sa Trudis Liit ay si Ms. Vangie Labalan. Sey niya, very good daw siya kaya hindi siya napapagalitan ng acting coach niya at ng director nila na si Don Michael Perez.

Nang i-request naman namin sa kanya na ipakilala niya sa amin kung sino si Trudis Liit, pagpo-promote ang kanyang ginawa.

Aniya, "Manood po kayo ng Trudis Liit, malapit na malapit na po. Ako po yun!"

E, ano ba ginagawa ni Trudis?

"Nagiging yaya! May kapatid po ako. Nag-aalaga ako."

Sino nang-aapi sa kanya?

"Si Pauleen Luna! Sinasabi niya po sa akin dapat very good ako."

Pero sa bandang huli, para itong director na siya na ang nag-cut ng interview. Bigla itong humirit ng, "Okay na po, okay na." Sabay laro sa cell phone habang naka-lollipop.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN