Buddhists Tuesday Vargas and Coy Placido tie the knot "again" in a Christian wedding

"We wanted something elegant but will remain true and sincere. We also wanted a highly entertaining program so the guests who flew all the way to Boracay can get to have a good time. It started with a modest budget, pero in the end, nag-balloon ang expenses kaya medyo nagmahal. But it's sooo worth it," says Tuesday Vargas about her wedding to longtime partner Coy Placido.


After a year in the making, nairaos na rin ang kasal nina Tuesday Vargas at ng sessiOnroad guitarist na si Coy Placido. Kabanda rin ni Tuesday si Coy sa dance punk band na Top Junk.

Although parehong Buddhist sina Tuesday at Coy, isang Christian wedding ang idinaos para sa kanilang malalapit na kaibigan at mga kamag-anak.

Pagkukuwento ni Tuesday nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) through Facebook, Christian wedding daw ang ginawa nila sa Discovery Shores sa Boracay noong Sabado, June 19, para lahat daw ay maka-relate.

Pero "technically" raw ay married na sila.

"When we went to Bali in 2005, and we rode an elephant, the 'mahout' (the one who trains the elephant) blessed us and offered a prayer. Then one of the Indonesians in that place told us that's what they do when they get married. So, technically, we were married na noon pa," paliwanag ni Tuesday.

"A mahout is considered one of the most respected and holy man in Indonesia and in most Hindu and Buddhist countries po kasi, mahal nila ang elephants. Sa kanila po kasi, sacred po yun. Kaya po pag nakatira ka at nag-aalaga ng elephants ay espesyal kang tao. Kaya po when he blessed us, sabi po ng mga tao doon, rare daw po yun. He [mahout] saw something daw in us that day. May malakas na energy daw po ang pagsasama namin. Yun po ang sabi nila."

At ang ibig sabihin ni Tuesday sa "technically married" ay ang spiritual binding at hindi ang legal binding nila ni Coy.

"Sa Buddhism po kasi, ang union ng dalawang tao ay eternal. Na matagal na po itong nakatakda. Puwedeng sa past lives namin ay kami na po, or sa susunod na buhay. Sabi kasi ng mga monks, yung union ng souls na para sa isa't isa ay hindi po nasisira ng panahon at pagkakataon," patuloy pa ni Tuesday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Unang nagkakilala sina Tuesday at Coy noong 1998, nang magdesisyon ang banda ni Coy na manatili na sa Maynila mula Baguio. Nagkaroon ng record deal ang sessiOnroad sa Star Records ng ABS-CBN pero sa Alpha Records album nilang Suntok Sa Buwan sila nagkaroon ng hit song with the carrier single and album title "Suntok Sa Buwan."

"I was then the singer of the band Put3Ska [of "Manila Girl" fame]. I see him regularly sa bars while we are both doing the gig circuit pero di po kami close. Until 2003 in Boracay when we met again, and had the chance to get to know each other better. Yun na po yun," pag-reminisce pa ni Tuesday tungkol sa pagkakakilala nila ni Coy at simula ng kanilang love story.

Kaya naman inabot ng isang taon ang pagpaplano ng Christian wedding nila ay dahil gusto raw talaga nina Tuesday at Coy na maging espesyal ito.


"We wanted something elegant but will remain true and sincere. We also wanted a highly entertaining program so the guests who flew all the way to Boracay can get to have a good time. It started with a modest budget, pero in the end, nag-balloon ang expenses kaya medyo nagmahal. But it's sooo worth it."


Nauna na rin daw ang honeymoon nila. "We went to Paris [France] and Barcelona [Spain] last week," sabi pa ni Tuesday na Mrs. Marizel Sarangelo-Placido na ngayon.

Star-studded ang kasal nina Tuesday at Coy sa Boracay. Aside from Eugene Domingo and John "Sweet" Lapus na parehong matalik na kaibigan ni Tuesday, naroon din ang magkasintahang Regine Velasquez at Ogie Alcasid (na naghandog ng mga awitin sa reception), sexy actress Katya Santos, former teen star Ricky Rivero, comedian Ricci Chan, director and Kimmy Dora writer Chris Martinez, Jolina Magdangal at boyfriend nitong si Mark Escueta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Also Ms. Lani Mercado-Revilla was one of our ninangs. She came din po," dagdag pa ni Tuesday.

So, kasunod na ba ng kasal nilang ito ang pagkakaroon ng baby?

"Madami pong projects as of the moment kaya po concentrate muna sa work," sagot agad ni Tuesday. "Next year po kami magbe-baby para prepared po kami financially, physically and mentally. My son [Kaya from a previous relationship] is 8 na kasi, turning 9, kaya po dapat handa ulit akong mag-raise ng sanggol. Super excited na po kaming gumawa ng mga kids, pero career po muna as of now habang maraming offers."

Marami ngang raket ngayon si Tuesday. Katunayan habang nakikipag-usap siya sa PEP ay nagte-taping siya ng isa sa kanyang mga TV shows. Kabilang sa mga shows niya ang LokoMoko U, Talentadong Pinoy at P.O.5 sa TV5 at Diz Iz It sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN