PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jericho Rosales ecstatic over his Most Promising Male Singer award

Echo's date at the Box-Office King and Queen Awards was rumored girlfriend Chesca Litton.
by Rose Garcia
Published Jun 23, 2010
"Oo nga, e, singer na. Hindi na actor!" says Jericho Rosales after receiving his Most Promising Male Singer award from the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) Box-Office Entertainment Awards.

Puwedeng sabihin, sanay na si Jericho Rosales sa pagtanggap ng mga tropeyo na kumikilala sa kanyang husay sa pag-arte—tatlong Best Actor trophies from Star Awards, dalawang Best Actor awards from Gawad Pasado, at iba pang tropeyo mula sa iba't ibang award-giving bodies.

Pero sa larangan ng pag-awit, masasabing espesyal sa kanya ang mabigyan ng parangal. Kaya nga masayang-masaya siya nang hirangin siyang Most Promising Male Singer sa katatapos lang na Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) Box-Office King & Queen Awards Night na ginanap sa RCBC Plaza sa Makati City, kagabi, June 22.

"Oo nga, e, singer na. Hindi na actor!" kitang-kita ang kasiyahan kay Jericho nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng awards ceremony.

"I'm really happy! Alam mo naman yun, marami akong pinagdaanan talaga sa music. Marami akong pinagdaanan na hirap pagdating sa music. It's my second award na. I'm touched. More than anything, I'm touched talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2009, nakuha ni Echo ang kanyang unang award sa music. Ang Most Popular Song by a Male Performer mula sa iFM Awards ng radio station na iFM, para sa kanta niyang "Beautiful in My Eyes."

Hindi kasi lahat ay tanggap si Echo as a singer nang magsimula siya sa music scene. Una noong miyembro pa siya ng all-guy group na The Hunks (with Piolo Pascual, Diether Ocampo, Bernard Palanca and Carlos Agassi) noong 2001, at noong 2006 nang i-launch niya ang kanyang badang Jeans, hanggang sa mag-solo na siya.

Pero hindi raw siya nagpapatalo lalo na pag nakakatanggap ng mga negatibong puna. Pinag-iigihan pa niya at ngayon ngang nakakakuha na siya ng award, mas nai-inspire siya sa kanyang music career.

"Oo, mas na-inspired ako. Dati, denied ako ng tag na singer. Parang, 'Ano?' Parang hindi sila naniniwala, di ba? Then, it was followed by a song na kinilala ng marami. Alam mo yun...."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang carrier single niyang "Paglisan" mula sa kanyang self-titled debut album from EMI Philippines ang kanyang tinutukoy. Naging isa sa most requested songs ang cover version niya ng Color It Red hit na ito noong 2008.

This time, napi-feel niya ba na kahit paano, napu-prove na niya ang sarili bilang singer?

"Oo. So, yun, I'm really happy," masaya pa niyang sabi.

OPEN WITH CHESCA. Nagmamadali nang umalis sa RCBC Plaza si Jericho matapos niyang matanggap ang kanyang trophy. Pero hindi nakalagpas, lalo na sa entertainment press, ang kanyang pagdating na kasama ang rumored girlfriend niyang si Chesca Litton.

Hindi bilang reporter ng Showbiz News Ngayon (SNN) kaya naroon si Chesca. Malinaw na siya ang ka-date ni Echo sa pagtanggap niya ng award.

So ibig sabihin ba nito'y open na siya talaga about Chesca?

"Everybody knows naman that I'm with her. Happy naman ako with what I do now," nasabi na lang ng aktor-singer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puwede kayang sabihin na isa si Cheska sa pinag-aalayan niya ng natanggap na award?

"No, I can't say that. This is for all my fans na sumuporta sa music ko."

Read Next
Read More Stories About
Jericho Rosales
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Oo nga, e, singer na. Hindi na actor!" says Jericho Rosales after receiving his Most Promising Male Singer award from the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) Box-Office Entertainment Awards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results