Bagets na bagets ang escort ni Sunshine Cruz nang dumalo siya sa Box-Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarships Foundation, Inc. sa RCBC Plaza sa Makati noong Martes ng gabi, June 22.
Hindi naman maitatanggi na anak ng asawa niyang si Cesar Montano ang escort ni Sunshine dahil para itong younger version ng aktor. Ito ay walang iba kung hindi si Diego, ang anak ni Cesar sa dating aktres na si Teresa Loyzaga na lumaki sa Australia.
"Yes, isang bagets na bagets, 15 years old na look-alike ng aking asawa ang aking ka-date ngayon," nakangiting paglalarawan ni Sunshine sa kanyang escort. "Buboy couldn't make it today. Merong meeting, so sabi ko nga, 'Tutal hindi ka pupuwede, escort ko na lang yung someone na kamukha mo, pero younger version mo.' And for him [Diego] to experience rin."
Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine kung hindi ba siya nahirapang i-convince si Diego na maging escort niya that night, instead na sumagot ay tinanong niya ang stepson kung hindi na ito ninerbiyos nang tanungin siya ng kanyang ama.
"I said yes right away. I have a different thing in mind. I'm a little bit nervous now, but I think I'll get over it," sagot naman ni Diego in his Aussie twang.
We then asked Diego directly if he will also join showbiz since Box-Office Entertainment Awards was his first official TV appearance when he became a co-presenter with Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 ex-housemate Tricia Santos.
Maybe in the future. But for the moment, I'll focus with my studies first," he replied.
At present, Diego is a third year high school student at OB Montessori Greenhills.
STAYING FOR GOOD. Nalaman din ng PEP mula kay Sunshine na dito na sa Pilipinas titira si Diego at sa kanilang bahay ito uuwi.
"Yes, dito na siya. Kapi-fifteen lang niya but he's 5'11" na," may pagmamalaki pang sabi ni Sunshine.
Kapansin-pansin ang pagiging close nina Sunshine at Diego. Maging sa Facebook at Twitter accounts ni Sunshine ay madalas siyang mag-post ng family pictures nila na kasama nila si Diego.
"Oo nga, e," nakangiting sabi ni Sunshine. "He's a very sweet guy. Napakabait na bata talaga at hindi ka maiilang sa kanya. Nakakatuwa naman. Masarap ang feeling kasi kahit paano, he's a blessing to us.
"Alam naman natin na nawalan kami ng isang anak and forever naman kaming malulungkot doon at hindi namin makakalimutan. Pero it's a blessing na kahit paano, biglang nagkaroon kami ng isang Diego. Na kahit papaano, nag-aaliw lalo na kay Buboy."
Ang tinutukoy ni Sunshine ay si Angelo, na anak naman ni Cesar sa unang asawa nito. Nagpakamatay si Angelo noong March 26, 2010 sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili. (CLICK HERE to read related story.)
Pero nilinaw ni Sunshine na si Diego is not a replacement of Angelo.
"Of course, hindi puwedeng palitan ang isang Angelo at hindi rin naman puwedeng palitan ang isang Diego. No comparison," sabi niya.
AFTER THE STORM. Pagkatapos ng biglaang pagpanaw ng anak ni Cesar na si Angelo ay natalo rin ang aktor sa kandidatura nito bilang gobernador ng Bohol. Kinumusta ng PEP kay Sunshine silang mag-asawa pagkatapos ng mga kaganapang ito sa kanilang buhay.
"We're okay naman," sagot ni Sunshine. "Alam naman namin that everything happens for a reason at alam namin na whatever na mangyari is for the best. Alam naman natin na ang Diyos talaga, alam naman Niya kung ano ang mas mabuti. At ginagawa ng Diyos yun [for us] to be stronger and alam namin na merong mas maganda [na mangyayari]."
How is Cesar coping?
"He's okay, he's okay," paniniguro ni Sunshine. "Although siyempre, yung sa pagkawala ni Angelo, forever ang process ng healing diyan. Pero nakikita ko naman siya, talagang ginagawa niya ang lahat to be strong. Of course, meron pa siyang mga ibang anak na kailangan din ng strength niya kasi kapag nakitang nanghihina siya, manghihina rin kami."
Sa lahat ng nangyari kay Cesar, nakikita at nararamdaman ang suporta niya bilang asawa. Ayon kay Sunshine, nandoon naman daw ang appreciation ng asawa niya.
"Of course naman. I'm sure kung sa akin din mangyayari yun, bilang asawa rin, susuportahan din ako ng hindi lang 100 percent kung hindi ng 110 percent pa ng aking asawa."
Isa sina Sunshine at Cesar sa showbiz couple na napakarami na ring pinagdaanan. Dumating na rin sila sa puntong naghiwalay, pero muling nagkabalikan. Masasabi ba ni Sunshine na kahit ano pang pagsubok ang dumating sa kanila ay makakaya nila?
"Naku, mahirap magsalita ng patapos," ngiti niya. "Sa ngayon talaga, nagpapasalamat kami that we are okay. Our relationship is okay. Malapit na kaming mag-11 years sa February. Nakakatuwa lang na parang kailan lang, struggling, nandiyan ang mga pagsubok. Pero nakakatuwa na kahit papaano, nalalampasan namin. Ganoon lang, dapat positive lang talaga and just try to be happy when you're together. Palagi lang positive para enjoy n'yo lang ang pagsasama."
CESAR AS WOWOWEE HOST. Kinuha na rin ng PEP ang pagkakataon na maitanong kay Sunshine kung ano nga ba talaga ang namagitan between Cesar and Wowowee, ang noontime show ng ABS-CBN. May lumabas kasing report na nang i-offer daw kay Cesar na maging temporary host ito ng show ay tumanggi siya dahil ang gusto raw ng aktor ay maging permanent host na ng programa, kapalit ni Willie Revillame.
Ano ba ang totoo rito?
Ayon kay Sunshine, "Si Buboy was offered two weeks guesting. But that was, I think, three weeks ago. But he had to say no. Kasi, papunta kaming Shanghai, we were invited for a World Expo. Kaya siya nag-no and not because of any other reasons. Kaya nga parang nagulat kami na ang daming naunang...parang iba-iba.
"It's not true na gusto niya, siya na [ang maging permanent host]. Sabi nga ni Buboy sa taga-Dos, 'Kung gusto n'yo, one week mag-host ako, then pagdating ko sa Shanghai, itutuloy ko.' Pero yung lumalabas na kesyo magho-host na raw, napaka-unfair naman yun. Hindi totoo, e. Kaya nagugulat kami dahil masyadong advance ang mga balita."
HOT MAMA. On Sunshine's part, very evident na kahit mother of three girls na siya, napapanatili pa rin niya ang magandang pangangatawanan. Seksing-seksi pa rin siya. Pero mabilis ang pag-iling niya nang nakangiti when we asked her kung wala ba siyang planong magbalik sa pag-arte.
"Ako, wala...ganito pa rin ako. Ganito pa rin ang aking prayoridad, lalo na ang aking mga anak ay pasukan na. Ako ang tumutulong sa mga anak ko na gumawa ng assignments. Kaya nga minsan sa Twitter, nagtatanong pa ako kung ano ang questions. Like nagtatanong ako tungkol sa kalabaw. Ang daming natatawa sa akin," kuwento ni Sunshine, na huling napanood sa ABS-CBN teleserye na Palos.
Pero ayon kay Sunshine, meron pa rin daw dumarating na offers sa kanya.
"Merong offer before sa akin, but I had to say no because it will take a lot of my time. Mga ganito, nakakatuwa lang. Yung mga ganito sa awards night, I always say yes kasi parang ang sarap lang ng feeling na magdi-dress up ka. Nae-excite pa rin ako sa pagdi-dress up. Makita ang ibang artista na baguhan ngayon. Pero yung regular na magte-taping, sa ngayon talaga, hindi pa muna," nakangiti niyang sabi.