Gabi ng nakakaintrigang rebelasyon para sa entertainment press ang masayang premiere night ng pelikulang Pendong noong Linggo ng gabi, June 20, sa SM Mall of Asia (MOA) Cinema 5. Ang Pendong ay isang road movie na idinirek ni Sean Lim, mula sa Oxin Entertainment Productions.
Nakadagdag sa kasiyahan sa panonood ng indie comedy ang pagdalo ng ilang artistang madalas na napapag-usapan kaugnay ng mga aktor na kasali sa main cast at ng iba pang bisitang artista.
May mga romantic linkings na hindi naku-confirm, pero sa naturang premiere screening at sumunod na cast at staff party ay naging malamang kaysa hindi ang "kumpirmasyon."
Among the main cast, maagang dumating ang tatlong bida ng Pendong, sina Alwyn Uytingco, Felix Roco, at Will Devaughn.
Agad din namataan ng PEP (Philippine Entertainment Portal), an hour before screening (past 8 p.m.) ang twin brother ni Felix Roco na si Dominic Roco. Una'y mag-isang umakyat si Dominic, papunta sa upper part ng balcony section ng Cinema 5, dahil, ayon din kay Felix nang bumati sa mga nadatnang press people, ay nandoon daw ang mommy nila ni Dominic na si Ms. Coco Artadi. Pero hindi sa upuan katabi ng mommy nila at kasama nito nag-stay ang magkapatid. Agad silang bumaba at nagpunta muna sa may lobby ng sinehan. Nandoon ang iba pang cast at staff ng pelikula.
Pagbalik ni Dominic, kasama na niya ang young actress na si Maxene Magalona na nali-link sa kanya. Sa second row, sa bandang gitnang upuan inihatid ni Dominic si Maxene at doon na rin siya naupo throughout the screening.
Hindi namataan ng PEP sa premiere night ang amang aktor nina Dominic at Felix na si Bembol Roco. May mahalagang papel sa Pendong ang award-winning actor, bilang tunay na ama ng character na ginampanan ni Alwyn Uytingco.
Speaking of Alwyn, dumalo rin sa premiere ang young actress na nababalitang girlfriend niya, si Jennica Garcia.
Sa mga artistang gumanap in cameo roles ay kabilang si Rafael Rossell, na ka-date nang gabing 'yon si Wendy Valdez. Malakas din ang bulung-bulungan tungkol sa umano'y totohanang relasyon ng dalawa.
Nasa premiere night din ang baguhang young actress na si Xaviera Iglesias, na pinsan ni Empress Schuck ng Rosalka, at sina Lorraine Schuck, Lara Morena, Rebecca Padilla, JM de Guzman, Paolo Ballesteros, Gary Lim, at ang indie director ding si Cesar Buendia, among many others from the cast, staff, and other guests.
ALWYN AND JENNICA. Nagpapatuloy ang usap-usapan tungkol sa umano'y relasyon nina Alwyn at Jennica, pero hanggang sa sandaling 'yon na nakausap ng PEP si Alwyn, pagkatapos ng premiere screening ng Pendong, ay nananatiling nasa panliligaw o "courtship stage" pa rin ang young actor.
Nakakaintriga din ang statement ni Alwyn, na hindi sila talaga magkasama ni Jennica para sa premiere night.
"Ang alam ko po, nandiyan po yata [si Jennica]. Pumunta po siya, um-attend po siya. Hindi ko pa po siya nakikita, e.," sabi ng binatang aktor.
Sa unang linggo ng showing ng Pendong, na unang nagbida sa pelikula si Alwyn, ay walang kumpirmasyon na sila na nga ng Kapuso star. Bilang isang Kapamilya (Star Magic talent si Alwyn), ikinatutuwa ng marami ang ugnayang Alwyn at Jennica kung matutuloy sa seryosong relasyon at commitment.
"E, ako naman po, seryoso naman po ako palagi, di ba?" sabi ni Alwyn. "Aminado naman po ako diyan, hindi ko po dinidenay, na nanliligaw ako."
Hiling pa ni Alwyn, sana raw sagutin na siya ni Jennica, ang unica hija ng aktres na si Jean Garcia sa nakarelasyong dating aktor na si Jigo Garcia.
"Sana nga po. Sana nga po, maging...malatag na lahat," makahulugang sabi ni Alwyn.
Bukod sa Pendong, may mahalagang papel din si Alwyn sa The Leaving at Rekrut, mga entry sa gaganaping Cinemalaya 2010 sa Hulyo.
Sa telebisyon, kabilang naman si Alwyn sa cast ng teleseryeng Imortal ng ABS-CBN bilang isang taong-lobo, kasama sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.
FELIX ROCO. Sandali ring nakapanayam ng PEP si Felix matapos ang screening. Ginagampanan ni Felix sa Pendong ang papel ni Jay Salvacion, isang college dropout na medyo bingi; hindi alam ang kanyang prayoridad sa buhay, kaya naapektuhan ang kanyang pag-aaral over his lovelife. The trip is a time to re-evaluate.
Although medyo may kaseryosohan ang parte niya, maraming eksena sa pelikula na kinailangang magpatawa si Felix, na nagawa naman niya nang mahusay. Ang karaniwang impresyon nga'y natural actor ang anak na ito ni Bembol Roco.
"Hindi ako nahirapan, kasi kalog talaga ako sa totoong buhay," nakangiting pag-amin niya.
Masaya rin daw ang naging karanasan ni Felix sa paggawa ng Pendong. "Sobrang saya! In-enjoy nga naming lahat ito, e. Kalog din si Direk [Sean Lim], e. Sobrang okey."
Sa ngayon, wala pang nakatakdang gagawing bagong pelikula si Felix. Ang kanyang twin brother na si Dominic ang kabilang sa cast ng Rekrut (sa direksiyon ni Danny Añonuevo) para sa Cinemalaya 2010.
Last year, nagbida naman si Felix sa Engkwentro, ang pelikula ni Pepe Diokno na umani ng parangal sa Venice International Film Festival 2009 at nabigyan din ng Special Mention award sa Cinemalaya 2009. Sa pelikulang ito rin nagtamo ng mga acting nominations (lead performance) si Felix sa mga local award-giving bodies ngayong taon.
WILL DEVAUGHN. Sobrang nag-enjoy din daw si Will sa pagtatrabaho niya sa Pendong. Third time niya itong gumanap para sa pelikula, at unang appearance sa isang indie feature. Desperadas 1 and 2 ang unang ginawang movies ng Fil-Am actor.
"Dalawang Desperadas, tapos ito [Pendong] lang. Puro teleseryes lang. Tagal na ano?" sabi ni Will. "Sa Desperadas, yung role ko do'n, Born-again Christian [kapareha si Marian Rivera]."
Ano naman ang masasabi niya sa ginawa niyang pagku-comedy sa Pendong? Bilang si Calvin, an action star, nasuong si Will sa maraming kapalpakan sa sinamahang road trip; kabilang dito ang mga sitwasyong sangkot ang kanyang gay stalker/fan, played by Ate Gay.
"I like the role because I was able to, parang...let go of my inhibitions. Whatever I think is funny, I saw to it to just clown na lang. And director Sean trusted me, so I trusted him also."
"He's also good, 'no?" tanong ni Will, about Sean Lim. "And...since he's not a senior director, you can ask him, 'Direk, puwede naman ito, puwede ba ito, puwede ganyan...?'"
Meaning, hindi siya naiilang kay Direk Sean Lim.
"'Yon!" pagsang-ayon ni Will. "So it's really a pleasure working with him. Parang there's no limit working with direk Sean Lim."
Nabanggit din ni Will na madalas ay "take one" ang mga eksena nila nina Alwyn at Felix. Mas relaxed na rin siyang umarte sa harap ng camera, kumpara sa una niyang naipakita.
"Walang [acting] workshop," pagri-reveal pa niya. Which is quite surprising, pero sabi rin ni Will, "sana nga, gusto kong mag-workshop, more sa comedy roles. And, di ba, sinabi ko, sana may part two 'yan."
Pero ang nakatakdang gawing pelikula ni Will Devaughn ay isang drama vehicle.
"It's coming up. I'm doing a movie with Miriam Quiambao also. Basta, abangan n'yo na lang. Indie rin. Drama," pag-inform ni Will, na kasali rin sa TV series na Your Song Presents Gimik 2010 ng ABS-CBN.
DIREK SEAN LIM. Sandali ring nakausap ng PEP ang direktor ng Pendong, na credited din bilang story writer ng kanyang obra, si Sean Lim. Magaganda ang natamong feedback ni Direk Sean matapos ang premiere screening. Matagumpay ang pelikula niya sa pagiging katatawanan; a fun commercial movie, na may touch of seriousness sa paglalahad ng kuwento tungkol sa tatlong magkakaibigan sa isang hindi pang-karaniwang road adventure.
"It's a movie that you will learn something from, by not feeling sad or in a positive way," lahad ni direk Sean Lim. "There's always an alternative in solving problems; there's always the negative way. But, I believe, as a person, there's always a positive side of things. This movie is about the positive way of thinking."
Masayahin si Sean Lim at nasasalamin ang personal na katangian niyang ito sa Pendong.
"For the most part, it's really intentional, kasi you need to break away also from the serious things [in life], once in a while," sabi rin niya. "Lahat naman, kailangan natin 'yan sa buhay, para lalo tayong maka-move on, with ourselves."
Mahuhusay ang mga nagsiganap na aktor at aktres sa pelikula niya. Lalo ang mga bidang aktor, na epektibong napaarte sa comedy, na hindi nila madalas nagagawa. Kredito nga ito kay Sean Lim bilang direktor.
"Yeah, ang galing nila!" pagsang-ayon ni Sean. "Siguro with them, hindi ako nahirapan, kasi magkaka-edad kami halos, at parehas kami ng hilig. All these times, we're like playing at the same time. We play with the characters at the same time. It's really very light movie. Sa buong shooting namin, wala kaming naging problema. Very, very light."
Ano ang susunod na gagawin ng Oxin Entertainment Productions?
"We're planning on The Adventures of Pendong, pero hindi pa siya official," pag-inform din ni Direk Sean. "Maybe a horror film. It's a merge between indie and mainstream."
What about an "experimental" movie?
"I think I did that, with Xenoa [1 and 2]," aniya. "Medyo nag-experiment ako do'n ng konti."
How about social realism in a future Sean Lim film?
"Kung sa UP [University of the Philippines] siguro ako nag-graduate," biro niya. "Pero CSB [De La Salle-College of Saint Benilde] ako, more on sa 'happy-go-lucky' lang ako."