Nico Antonio picks Leni Robredo as his VP bet

May 8, 2016
<p>Nico Antonio shows his solid support for Camarines Sur Rep. Leni Robredo as his vice presidential bet for the coming elections, but he confesses he still hasn't made up his mind regarding his choice for president: "I'm still choosing between the four,

Kung pagbabasehan ang ipinost ni Nico Antonio sa kanyang Instagram account, solido na ang boto niya sa vice president.

Ito ay ang Liberal Party candidate na si Congresswoman Leni Robredo.

Pero may post siyang hindi man niya pinangalanan ay tila tumutukoy sa isang presidential candidate na dahil sa isang pangyayari, napaurong siya sa desisyon niyang iboto ito.

Sabi pa ni Nico sa caption: “Kung sadyang nagpapakatotoo lamang siya, karimarimarim kung ganoon.”

Masasabing timing naman sa panahon ng eleksyon ang pelikula nila sa ilalim ng Quantum Films, ang My Candidate, na mapapanood na sa May 11.

Pero bawal ba silang magsabi kung sino talaga ang iboboto nilang kandidato?

Ayon kay Nico, “Wala naman pong nagsasabing bawal, pero as much as possible, iniiwasan para hindi maka-impluwensiya since malapit na ang eleksyon.

Parang personal choice na lang po namin, sa amin na lang po.”

Dagdag niya, “Nasa IG ko naman. Yung VP ko, nasa IG na.”

Continue reading below ↓

Rody Duterte ba siya sa pagka-presidente?

Saad niya, “Hindi, hindi na si Duterte. Undecided ako sa Presidente.

I’m still choosing between the four, kasi yung isa may sakit, so hindi ko pa alam.”

POLITICAL FILM. Ang pelikula nilang My Candidate ay mapapanood sa May 11, dalawang araw makalipas ang eleksiyon at nakaboto na ang mga mamamayan.

Magiging eye-opener pa rin ba ang pelikula nila?

Ayon kay Nico, “Ang ano ko lang, maliban sa eye-opener, it’s a relief.

Relief for Filipino since after election.

Sa Twitter natin, Facebook natin, sobrang purgang-purga na tayo sa awayan, sa mga batikusan.

Perfect timing ang My Candidate para makapag-unwind sila after voting.”

Rom-com naman daw kasi ang My Candidate.

At ang pagpapatawa ang isa sa mga forte niya ngayon sa pag-arte. Ibang-iba nga lang daw siya rito kumpara sa napanood sa kanya sa huling teleserye niya na On The Wings of Love (OTWOL).

Ayon kay Nico, “My character here is gay pero hindi talo ang character namin ni Derek Ramsay dahil very much close colleague kami at work.”

Continue reading below ↓

NOT PURSUING LAW STUDIES. Noong ginanap ang presscon ng My Candidate sa 55 Events Place, yun din ang araw na lumabas ang resulta ng bar exam.

Si Nico ay graduate ng Law pero hindi pa siya kumukuha ng bar exam.

Wala na ba siyang plano?

Tugon niya, “Hindi ko alam pero mukhang wala siya sa immediate plan ko.

Kasi, nag-e-enjoy ako sa show business, nag-e-enjoy ako sa acting.

Ang ganda ng oportunidad na nagbukas sa akin, maliban sa My Candidate, meron akong The Promise of Forever.”

Wala naman din daw siyang nararamdamang pressure galing sa pamilya niya na karamihan ay mga abogudo.

Una na nga rito ang ina niyang si Atty. Joji Alonso na siyang producer rin ng My Candidate.

Ayon kay Nico, “Walang pressure kasi siguro first time din na magkaroon ng artista sa pamilya.”hem.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Nico Antonio shows his solid support for Camarines Sur Rep. Leni Robredo as his vice presidential bet for the coming elections, but he confesses he still hasn't made up his mind regarding his choice for president: "I'm still choosing between the four,
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results