PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Irma Adlawan talks about theater, politics and channeling Mother Lily

The outspoken, politicized actress stars in the Cinemalaya 2010 entry called Vox Populi.
by William R. Reyes
Published Jun 27, 2010
In 2000, the multi-awarded stage, TV and movie thespian made Tuhog, produced by a sister outfit of Regal Films. The film's director Jeffrey Jeturian related to Irma, "Alam mo, sabi ni Mother Lily, nung pinanood niya yung rushes, ang haba daw pala ng role mo. Sana, sa artista na lang daw ibinigay..."

As ever, puno ang schedule ni Irma Adlawan hanggang katapusan ng taon, dahil sa kanyang iba't ibang kinaaabalahan sa showbiz. Mayroon siyang regular TV appearances, at Cinemalaya 2010 entry this July, ang Vox Populi, na dinirek ng kanyang actor-husband na si Dennis Marasigan.

"We're doing something with Precious Hearts Romance, at magge-guest ako sa Magkaribal," pag-inform ni Ms. Irma kamakailan sa isang esklusibong interview with PEP (Philippine Entertainment Portal).

Palagi siyang nasa drama series ng Kapamilya network, although hindi naman daw siya exclusive sa ABS-CBN. Obviously, she's one of the network's assets.

"E, kasi, sila naman ang laging nag-o-offer. Trabaho lang naman," simpleng rason ng aktres.

ACTING WITH DAUGHTER MARA. Sa pelikulang mainstream, naging memorable sa movie fans ang pagganap ni Irma Adlawan bilang mommy ni Sarah Geronimo sa A Very Special Love (2008) at ang sequel nitong You Changed My Life (2009). Naging highest-grossing Filipino film of all time ang You Changed My Life, at binansagang Box Office King and Queen for two years running sina Sarah at ang leading man niyang si John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaabangan na ng fans ang ikatlong bahagi ng romance-drama, at kasali uli rito si Irma. Siya bale ang "biyenang hilaw," o mother-in-law-to-be ng character ni John Lloyd. "Pero wala pa daw, e," sinabi sa amin ni Irma.

Ang sigurado ay makakatrabaho niya ang kanyang real-life daughter na si Mara Adlawan Marasigan sa isang importanteng theater production.

"Mara is graduating from UP [University of the Philippines], Theater Arts. So ang kanyang thesis would be directing. Ako yung [magiging] actress niya. Good luck sa anak ko!" sabi ni Irma.

BEING MOTHER LILY. Sometime ago, gumanap si Irma sa papel ng kilalang movie producer na si Lily Monteverde, o Mother Lily. Ang dula, pinamagatang Ang Buhay Ay Pelikula, ay itinanghal sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

"My God, ang tagal na no'n!" natawa si Irma nang mabanggit namin. "Sabi ko nga, hanggang ngayon, hindi pa ako nai-introduce personally kay Mother Lily!"

May nakakatuwang anecdote si Irma tungkol sa legendary producer. Kuwento ito sa kanya ng direktor na si Jeffrey Jeturian noong 2000, nang ginagawa nila ang Tuhog (produced by Good Harvest Productions, sister outfit ng Regal Films, at kabilang sa mga producer ng "pitu-pito" movies, so-called dahil nakakagawa sila ng pelikula in seven days).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ni Jeffrey, 'Alam mo, sabi ni Mother Lily, nung pinanood niya yung rushes, ang haba daw pala ng role mo. Sana, sa artista na lang daw ibinigay...'

"Itinawa ko na lang," napapahalakhak pa rin si Irma sa alaala. "Okey lang 'yon... Mabuti na lang, hindi nagbabasa si Mother Lily ng script. Kung nalaman niyang ganun kahaba yung role ko, [baka] hindi niya ibibigay sa akin yun."

Sa pelikulang iyon ay ginampanan ni Irma ang papel ni Perla, ang nanay ni Floring (Ina Raymundo) na ginahasa ng kanyang lolo, ang ama ni Perla. Isinapelikula ang incest rape pero nabago ang kuwento, na ikina-disappoint ng mag-ina. Pakiramdam nila'y napagsamantalahan sila sa ikalawang pagkakataon, sa pamamagitan ng pelikula.

In a way, ang naging "sagot" ni Irma kay Mother Lily ay ang pagganap sa katauhan nito sa dula ng CCP na maituturing na isang tribute o homage sa producer.

Pero "inisnab" pala ni Mother Lily ang play.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ayaw niyang panoorin yun. Ilang beses naming in-invite siya. Natatakot [manood], actually," pagtukoy ni Irma. "Nung second run namin, in-invite [namin] uli siya, through her daughter [Sherida 'Meme' Monteverde]..."

At muling hindi nanood si Mother Lily. Hindi niya tuloy nakita ang pagsasalarawan na mga ikinatutuwaang gawi niya, tulad ng pakikipag-usap niya sa telepono, noong panahong wala pang cell phone.

"Si Frank Rivera ang direktor namin nun. Sabi ko, 'Totoo ba ito? Tatlo yung telepono, tapos, may kausap pa?'" hindi raw makapaniwala si Irma. Na pinatunayan sa kanya ng mga kasama.

"Sabi [nila] sa akin, 'Totoo 'yan! Ganyan talaga siya, sabay-sabay!"

ON VOTING FOR NOYNOY. Kaugnay sa nakaraang May 10 elections ang tema ng pinagbibidahang indie film ni Irma na Vox Populi.

Dating may title na Siya Ang Mayor Ko! (Vox Populi), papel ni Connie de Gracia, ang mayoralty candidate, ang ginampanan niya rito.

Ani Irma, umakma sa naging resulta o conduct ng katatapos na eleksiyon ang tinatalakay sa pelikula, tulad ng mga kaso ng electoral fraud.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Jibe na jibe!" wika ng aktres.

Umaasa pa rin si Irma ng mga pagbabago sa sistemang pampulitika ng ating bansa. At nabanggit niya ito kaugnay ng kanyang mga pansariling pananaw.

"Well, I openly say I voted for Noynoy [Aquino, for president]. And I voted for [Jejomar] Binay [for vice president]," sabi niya.

"Kami ng kapatid ko magkaaway, kasi ayaw niya kay Noynoy, kasi wala daw nagawa si Noynoy," pagri-reveal ni Ms. Irma.

"Sabi ko naman, 'I think the country has already experienced all sorts of leaders. From somebody who's a genius [Marcos], somebody who is... "makamasa" [Erap], somebody who has a woman's perspective [Cory]'... Sabi ko, 'Why not choose somebody na "clear" ang konsensiya, na walang ginawang "pagnanakaw," na walang anumang notion of making [himself] earn from becoming the leader of the land? And I think that is Noynoy.'"

Nakatakda na ang inauguration ni President-elect Noynoy Aquino sa Wednesday, June 30. Ito na ang simula ng kanyang administrasyon hanggang sa susunod na anim na taon, ayon sa naitakda ng ating konstitusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Well, we will see. Tingnan natin," sabi ni Ms. Irma. Tulad ng maraming bumoto kay Aquino, buo ang pag-asa niya na magiging matagumpay ang bagong administrasyon.

"Kasi when Cory [Aquino, Noynoy's late mom] was President, walang masyadong nagawa, pero hindi naman siya nagnakaw. Yun nga lang, ang kulang lang naman kanya is the knowledge.

"Kasi, talaga namang... coming from [being] the housewife, bigla siyang ipinasok [sa pagkapangulo, simula noong 1986, matapos ang EDSA People Power Revolution]. It was really going to be difficult then. Siya na lang kasi ang puwedeng tumalo [kay Marcos]," pagtukoy ni Irma sa isang mahalagang yugto ng ating kasaysayan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In 2000, the multi-awarded stage, TV and movie thespian made Tuhog, produced by a sister outfit of Regal Films. The film's director Jeffrey Jeturian related to Irma, "Alam mo, sabi ni Mother Lily, nung pinanood niya yung rushes, ang haba daw pala ng role mo. Sana, sa artista na lang daw ibinigay..."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results