Good news para sa pamilya ni Patrick Garcia ang taped interview ng Startalk kahapon, June 26, kay Jennylyn Mercado. Open na raw ang actress na maipakita ang kanyang anak na si Alex Jazz or AJ sa ama nitong si Patrick at sa pamilya Garcia.
Aniya, "Puwede siyang dumalaw sa bahay. Oo, puwede siya. Mapag-uusapan naman namin, e. Ayoko na nang gumagamit ng media or kahit na ano. Basta, sa amin na lang yun.
"Basta ang gusto ko ngayon, kung tungkol sa amin, kung tungkol sa anak ko, ayoko na ng lumalabas sa kung saan-saan."
Last May ay nag-celebrate ng kanyang first birthday si AJ, pero simula nang ipanganak ito ay hindi pa nakikita ng ama.
Klinaro rin ni Jennylyn na okey silang dalawa ni Cheska Garcia-Kramer, ang kapatid ni Patrick.
"Wala namang problema. At saka, matagal na yun," sabi ni Jennylyn. "Halos tatlong taon na rin yung nangyari na problema na yun. Ngayon, ayokong magtanim ng galit. Past is past. Ayoko nang halungkatin yun at saka... siguro, nasa tamang edad na rin para maintindihan lahat ng nangyari.
"At saka, hindi na kami bumabata para mag-away pa."
"CUTEST TANDEM EVER." Nang makausap naman ng Startalk si Cheska, tila nagulat pa ito sa bagong development na willing na nga si Jennylyn na ipakita sa kanila ang anak ng kapatid.
Ani Cheska, "Talaga? Hindi ko narinig yun, pero, kung ganoon nga, e, di okey, di ba? E, di masaya. I'm sure Patrick will be very happy to know that."
Wala ngayon si Patrick sa bansa, kaya baka di pa nito alam ang pagpayag ni Jennylyn tungkol sa anak nila, sabi ni Cheska.
"But I'll let him know. I'll let him know about it. That's nice. That's nice to know. I'm sure, matutuwa yun. Tatalon yun sa tuwa."
PATRICK FINALLY MEETS AJ. Sa pinakahuling ulat, nagkita na sina Patrick at AJ. Naganap ang pagkikita ng mag-ama sa kauna-unahang pagkakataon sa birthday party ng anak ni Cheska na si Kendra last June 26.
Ipinost ni Cheska ang picture nina Patrick at AJ sa kanyang Twitter account.
