Kris Aquino says goodbye to The Buzz

"Gusto ko lang pong sabihin sa inyong lahat na I'm gonna go happy. Kasi ang konti-konti ng nandito sa industriya namin na nabibigyan ng pagkakataon na magpaalam while their show is still on top. And they are still considered a prized possession of the network," says Kris Aquino about leaving The Buzz after 10 years.


Matapos ang sampung taon bilang regular host ng The Buzz ay tuluyan nang namaalam si Kris Aquino sa show na naging saksi sa pagyabong ng kanyang career gayundin sa mga pangyayari at problema sa kanyang personal na buhay. Kahapon, June 27, ang naging huling araw ni Kris sa Sunday showbiz talk show ng ABS-CBN.

June 13, 1999 nang magsimulang mag-guest co-host si Kris sa The Buzz. Nang sumunod na taon, 2000, opisyal nang naging bahagi ng show si Kris bilang host. Hanggang kahapon nga nang siya'y magpaalam na sa programa nila nina Boy Abunda at KC Concepcion.

Nauna nang sinabi ni Kris na nagdesisyon siyang iwan ang pagho-host sa kanyang dalawang showbiz talk shows—The Buzz at SNN (Showbiz News Ngayon)—upang makaiwas sa mga matitinding intriga at nang hindi makaladkad ang pangalan ng kanyang kuya na si President-elect Noynoy Aquino.

"I just don't want to be a burden," bungad ni Kris. "I didn't want na my stay here could have a negative effect on my brother. And I didn't feel na my personal life or my personal views should have an effect on him. On Wednesday [June 30] is the day na inaasahan nating lahat na may mga pagbabago, may mga magandang mangyayari, the day for the Philippines to hope again."

BIG SACRIFICE. Sa kanyang emosyonal na pamamaalam, inamin ni Kris na malaking sakripisyo para sa kanya na iwanan ang mga shows kung saan siya nakilala at sumikat.

"To my family...thank you, Ate [Ballsy], for acknowledging na it's really a sacrifice. Kasi ten years...ang tagal pala, ang dami palang nangyari talaga. But I was able to let go two things that I felt I was good at, na in-acknowledge din naman sa punto na itong genre na ito was ours. And readily, pinilit ko sa sarili ko na sabihin kong kaya with no assurances about what's next," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May pag-aalinalangan din daw si Kris, pero mas pinili nga niyang gawin ito para sa kanyang pamilya kasabay ang pag-asam na sana anuman ang susunod niyang gawin sa career niya ay ma-appreciate pa rin ng mga tao.

"In the same way na sinabi ko sa ate ko, nasa-sad ako kasi natatakot ako, kasi ito talaga yung alam kong gawin," sabi niya. "Ito yung alam ko na magaling ako sa ginagawa kong ito. And paano kung 'yong next project na ibibigay nila sa akin, paano kung hindi na ako kasing galing doon. But, in the same way na siguro nagtiwala ang Pilipinas kay Noy... Kasi nakita nila na he was sincere in his desire to make a better country and not have personal gains from this. Ganoon din siguro ang naging decision ko na binigay mo na ang lahat, e, alangan naman may part pa na, 'Hindi, ibigay ninyo sa akin ito.' So, binigay na lang lahat."

Marami raw siyang natutunan at maraming nagbago sa kanyang buhay sa sampung taon niyang pananatili sa The Buzz.

"You know it's really been a learning experience. Siguro kung nakita n'yo yung VTR na 'yan, from 29 to 39 [Kris's age], di ba? Parang malaki na rin siguro ang nabago sa buhay ko. Malaking nabago sa mga pananaw ko. And malaki ang nabago sa core kasi tumibay."

IN GRATITUDE. Pinasalamatan ni Kris ang taumbayan sa pagbibigay ng tiwala hindi lang sa kanya kundi pati kay President Noynoy at sa buong pamilya nila.

"Gusto ko lang hong pasalamatan kayong lahat kasi alalang-alala ko pa nung nasabi ko kay Noy na, 'What if you lose?' Sabi ko, 'What happens to all of us?' And then sinabi niya, 'Nobody goes to a battle thinking they are going to lose.' And biniyayaan nga siya ng napakalaking tiwala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako naman po, nabiyayaan n'yo ako... For any television personality, you gave me the greatest gift. You gave me your time, you gave me your trust. You let me be my self and accepted me for me," pahayag ni Kris.

Sumunod niyang pinasalamatan ang kanyang network.

"Sa management ng ABS-CBN, it will be 14 years, thank you for letting me grow. Thank you for believing in me.... I thank you for the opportunity. For letting me become Kris Aquino."

Hindi rin nakalimutang pasalamatan ni Kris ang buong staff and crew ng The Buzz pati na rin ang mga executives ng ABS-CBN.

"Sabi ni Ate, 'Wag kang iiyak. Kasi kung anu-ano na naman ang sasabihin ng mga tao.' Pero pagbigyan n'yo na po ako kasi mahirap naman talagang magpaalam. But it's been a really wonderful ten years," sabi niya.

Isang espesyal na pasasalamat naman ang handog niya sa kanyang co-host at best friend na si Boy Abunda na hindi na rin napigilang mapaiyak.

"Most of all, thank you Boy. Kasi ibinigay mo na sa akin ang lahat, ng buong pagkatao mo, ng buong tiwala mo. I found the love that I could ever gain. Thank you for always being ready to defend me and understand me. You became Boy, I became Kris during this journey. And the partnership we had, siguro wala namang makaka-question, we had one of the best marriages on TV," biro ni Kris kahit na umiiyak.

May mga bilin naman si Kris para sa bagong host ng The Buzz na si KC Concepcion.

"Kayce, I was your age when I started. So, look forward to so many good things because you are so blessed to be with the best. You're learning from the best, you're working with the best. It will only make you the best. Kaya maraming salamat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siyempre nag-thank you rin sa Kris sa kanilang studio audience at mga manonood sa patuloy na pagsuporta sa The Buzz at sa kanya.

LEAVING HAPPY. In-assure naman ni Kris sa lahat na masaya siya sa naging desisyon niya at privileged pa rin siya na nabigyan siya ng pagkakataon para magpaalam.

"Gusto ko lang pong sabihin sa inyong lahat na I'm gonna go happy. Kasi ang konti-konti ng nandito sa industriya namin na nabibigyan ng pagkakataon na magpaalam while their show is still on top. And they are still considered a prized possession of the network. It's a rare blessing that my Mom [the late President Cory Aquino] always prayed for me. Sabi ng Mom na, 'Kristina, sana hindi umabot sa panahon na malaos ka at nakapag-ipon ka na ng enough para kung anuman ang mangyari, okay kayo.' So, Mom, everything happens siguro as part of God's will and I accept that. I know, Mom, na this whole day, you were here and you know na kasi pag sad ako, ikaw yung may pinakaunang may alam. So, alam ko rin na bibigyan mo ako ng lakas."

Kahit emosyonal ang mga tao sa loob ng studio, hindi nila napigilang mapatawa sa sunod na tinuran ni Kris.

"Who knows, six years from now, with science, baka maganda pa naman ako. At hindi pa ako kulubot, baka puwede pa akong bumalik sa The Buzz. Or baka six years from now, ako na ang nagsu-swearing in!" biro ni Kris na umani ng malakas na palakpakan at sigawan mula sa studio audience.

Pero aniya, "Joke lang po yun. Lahat ng mga ano diyan baka magalit na naman po kayo sa akin. Thank you very, very much po sa inyong lahat."

Dagdag pa ni Kris, "Gusto ko lang pong sabihin sa inyong lahat na whatever the future holds, whether you'll see me again after Kung Tayo'y Magkakalayo, tanggap ko yun. Really, hindi naman mahirap tanggapin kung alam mo na maganda naman yung dahilan at hindi dahil pinaalis ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOST FULFILLING STOPOVER. Talaga namang pinahahalagahan ni Kris ang kasikatang tinamo niya.

"Gusto ko lang sabihin sa buong Pilipinas at sa lahat ng mga nanonood ng The Buzz, in life's journey, this is one of the most fulfilling and the most educational stopovers I made. And in the journey of life, I will always be grateful that in the ten years you allowed me to be a part of your Sundays. Thank you very much.

"And I thank you all, the entire Philippines kasi you let me be me. You let me become more of Ninoy and Cory's daughter. Now I'm Noynoy's sister. But at least you always allowed me to be Kris. To Ate [Ballsy], to Pinky, and to Viel, umiyak ako pero at least mature na talaga. Thank you to my family.

"Pinky said it best, sabi niya, 'Win or lose, kung anuman ang mangyari at the end of the day, ibato man tayo ng kahit ano, tayo pa rin ang nandiyan para sa isa't isa. And siguro yun ang totoong ibig sabihin ng magkapamilya, na when you're up, when you're down...when you're moving forward, and you're looking backwards, you know that the people around you loved you and accepted you for who you are. Kaya maraming salamat po sa inyong lahat."

NO KRIS STORY. May pakiusap naman si Kris sa The Buzz.

"Favor na lang, ha. Alam n'yo naman na mahirap yung pinagdadaanan ng buhay na personal ko. Huwag n'yo akong gawing story for the next season. Yun lang naman, moratorium lang tayo ng 13 weeks," sabi ni Kris, na ang tinutukoy ay ang pakikipaghiwalay niya sa asawang si James Yap. (CLICK HERE to read related story.)

Sa huli, sinabi ni Kris na manonood pa rin siya ng The Buzz.

"Make the most of your Sundays. And I'll continue, of course, to be tuning in."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN