TV and movie actress Francine Prieto turns into a radio host

"Sobrang enjoy ako sa radio, tapos iba-iba ang topic namin every day. Yung ibang mga tao na do'n ako nakikita sa radio, parang nagugulat lang sila," says Francine Prieto about having a radio program.


Kung dati-rati ay palaging problemado si Francine Prieto sa iba't ibang pagsubok na dumating sa buhay niya—kasama na rito ang pagkakasakit ng cancer at pagkamatay ng kanyang ina na si Mrs. Amelia Falcon—ngayon ay halatang naka-move on na ang aktres sa lahat ng pinagdaanang problema.

Nakita at nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Francine sa opening ng bagong branch ng Posh Nails sa may Pacific Building in Binondo last week.

"Sabi ko nga, kahit ang dami kong pinagdaanang problema, pagkatapos ng ulan, parang nagkaroon ng rainbow. So, ito nang lahat," sabi ng sexy actress. "Parang sa tingin ko, darating din siguro tayo sa buhay na magkakaproblema tayo, so parang pagsubok lang lahat yun. Tapos, ang naging lesson din do'n, kahit na wala si Mommy ko, parang ang dami ko rin naman naging bagong kaibigan. Parang yun ang pumalit."

Dagdag ni Francine, "Unti-unti, naayos din naman lahat. Sa family, sa mommy ko, okey na siya. May nitso na siya, may damo na. So, okey naman."

Sa bahay na binili pa rin daw niya sila nakatira, pero plano niya itong ibenta at lumipat sa mas maliit na bahay.

FROM KAPUSO TO KAPAMILYA. After mailibing ng mommy niya, nagkaroon ng opportunity si Francine na magkaroon ng show sa radyo (dzMM), ang Ka-Date, kasama si Bobby Yan.

"Sobrang enjoy ako sa radio, tapos iba-iba ang topic namin every day. Yung ibang mga tao na do'n ako nakikita sa radio, parang nagugulat lang sila. Na parang, uy, iba..." lahad ni Francine.

Kasabay nito ay sa ABS-CBN na rin napapanood ngayon si Francine via Kung Tayo'y Magkakalayo. For the longest time ay sa GMA-7 napanood ang aktres. Ang huli niyang ginawa para sa Kapuso network ay ang Christmaserye na Sana Ngayong Pasko.

"Well, sabi ko nga, malaki ang utang na loob ko sa GMA. Ilang years din ako do'n. Ang dami ko rin naging projects. Pero siyempre, dumarating ang time na sa iba ka na dinadala ng tadhana. So, dito [ABS-CBN] ako dinala. Binigyan ako ng opportunity rito, bakit hindi ko tatanggapin, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman siya bilang Kapamilya ngayon?

"Okey naman. Wala namang problema," sagot ni Francine. "Ang sabi naman ng manager ko, si Ricky Gallardo, meron naman daw project na kasunod, ABS pa rin daw. Wala naman akong exclusive contract sa ABS, pero siyempre, kung ang ABS ang nagbibigay sa akin ng work, bakit hindi ko tatanggapin?"

Naging malaking factor ba ang naging isyu niya sa ilang staff ng dati niyang show sa GMA-7, ang Bubble Gang, kung kaya't hindi na siya nabigyan ng project ng network?

"Hindi, hindi siguro," tanggi niya. "Kasi after nun, meron pa akong naging project sa GMA. Pero sandali lang yun, pang-Christmas lang yun. Pero after that, wala na. Kasi nga, yun, nahirapan na raw silang bigyan ako ng project. Kasi nga, nirereklamo nilang ang laki ko na raw."

But in fairness to Francine, kapansin-pansin na malaki na rin ang ipinayat niya.

"Nagpapapayat pa ako kasi sa ABS, ang papayat ng mga artista. So, parang ikaw rin sa sarili mo, 'Ay, ang taba ko!'" natatawa niyang sabi.

"Pero noong hindi na ako nagda-diet," patuloy ni Francine, "siguro nawala na rin ang stress ko, nawala rin ang mga problema. So, yun."

Gusto na rin daw kasi niyang makabalik sa limelight. Bukod sa radio at telebisyon, baka may gawin din siyang indie film. Although, tinitingnan pa raw niya ang script kung kakayanin ba niya ang daring scenes nito.

"Sa akin kasi, wala namang problema. Pero ang tanong do'n, kung kakayanin ng audience!" tawa niya.

Paliwanag ni Francine, "Ako kasi, iba rin siguro ang pananaw ko sa pagiging artista, e. Sa akin kasi, ang pagiging artista, parang ano 'yan, dapat talaga mahal mo. Kailangan wala kang limitation. Kung kaya mo naman, bakit hindi? E, ang limitasyon ko lang naman, sa tubig. Hindi ko lang talaga kayang lumangoy. Huwag lang sa tubig talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


BOBBY YAN. When it comes to lovelife, wala pa rin daw siya nito. Biro nga namin, baka naman nililigawan na siya ni Bobby Yan?

"Hindi, mabait si Bobby," susog ni Francine. "Pero kapag walang-wala talaga 'kong kasama, like wala ang driver ko, buti nga pumupuwede siya. Biro ko nga sa kanya, 'Hala ka, hindi ka makakapag-chicks!' Magkaibigan lang kami. Naglolokohan sa radio, yun lang. Pero sa lovelife, sa tingin ko naman, darating din yun kapag tamang time na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN