Jennylyn Mercado on Patrick Garcia's first meeting with son: "This is a good start."

"Kahit papaano, nakakapag-text. Nakakapag-communicate kami. Okey na 'ko. Kumpleto na rin. Kahit paano, wala na akong itinatago. Hindi ko na kailangang itago si Jazz," says Jennylyn, whose son Alex Jazz finally met his father Patrick last Sunday, June 27.


Pagkatapos ng successful afternoon series nilang Gumapang Ka Sa Lusak, muling magkakasama sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa pang-filmfest entry na Rosario.

Kinumusta ni Ricky Lo kay Jennylyn sa Startalk kahapon, July 3, ang lagay na ng rumored real-life sweethearts.

"Hanggang ngayon, meron pa rin kaming mga nadi-discover na hindi namin alam noon," sagot ni Jennylyn. "Hanggang ngayon, nasa getting-to-know-each-other stage pa rin kami."

Ano pa ba ang mga gustong alamin ni Jennylyn tungkol kay Dennis?

"Wala po akong maisip na puwedeng itanong ngayon. Hindi rin po ako nagtatanong. Nahihiya rin po ako. Importante yung present at saka yung future."

Natawa si Jennylyn nang tanungin ni Ricky kung faithful ba sa kanya si Dennis.

"Itanong n'yo na lang po sa kanya. Hindi po sa akin ang question na 'yan."

Ilang relasyon na rin ang pinagdaanan ni Jennylyn. Ilan sa mga ito ay naging very much publicized, tulad ng sa dating ka-loveteam na si Mark Herras at sa naging ama ng kanyang anak na si Patrick Garcia.

Ngayon naman ay sila ni Dennis Trillo. Masasabi ba niya na si Dennis na ang huling lalaki sa buhay niya?

"Sa ngayon po, hindi ko pa alam. Bata pa rin po ako. Hindi pa natin masasabi kung ano ang future. At saka, siguro, marami pa rin ang darating sa buhay ko. Marami pa rin pagbabago."

BIRTHDAY PARTY LEADS TO FATHER-SON UNION. Kamakailan ay lumabas dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pagdalo ni Jennylyn at ng kanyang anak na si Alex Jazz sa first birthday party ni Kendra Kramer, ang anak ng kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia-Kramer at ang asawa nitong si Doug Kramer.

Sa naturang party naganap ang unang pagkakataon na makasama ni Patrick ang anak. Malaki raw ang naging influence ni Dennis kay Jennylyn na hayaan nang makita ni Patrick si AJ .

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman ito ikinaila ni Jennylyn.

Aniya, "Yes, isa siya sa mga nag-convince. At isa siya sa nag-influence sa akin na, 'Bakit hindi, bakit hindi mo ipahiram?' At saka, maganda rin yung wala akong naipapakitang masama. Masaya lahat. Okey lahat. Masarap yung pakiramdam na okey lahat, walang samaan ng loob."

Marami nga ang nagulat sa pagdating ni Jennylyn at ni AJ sa birthday celebration ni Kendra na ginanap noong Linggo, June 27. Ayon kay Jennylyn, bago pa man ang pagkikita ng mag-ama, una raw nagkita sina AJ at Kendra sa isang hindi sinasadyang pagkakataon.

Cheska then invited them to her daughter's birthday party.

"Tinext ako. Tapos sabi niya, iniwan daw niya ang imbitasyon kunsaan nagkita si Jazz at si Kendra, noon pa. Aksidente lang na nagkita ang dalawa."

Ricky asked Jen kung paano naman daw nagsimula ang communication nila ni Patrick?

"Wala kaming communication ni Pat. Kami ni Cheska yung almost every day nagkakamustahan. Kinakamusta niya palagi si Jazz. Do'n nag-start yung communication."

PATRICK AND AJ FINALLY MEET. Ayon kay Jennylyn, almost three years rin daw silang hindi nagkita ni Patrick. Natawa ito nang tanungin ni Ricky kung kilala pa nila ang isa't isa. "Oo naman, pinakain ko naman po siya."

Kitang-kita sa mga larawan nina Patrick at AJ ang saya ng binatang ama na makapiling ang anak sa wakas. Hindi ba na-touch din si Jennylyn sa mga oras na iyon?

"Happy ako na finally, nagkita na ang dalawa. I'm sure, yun na rin yung pinakahihintay ng family nila. Kami rin, gusto naman namin na magkita yung mag-ama....

"Nandoon ako, pero, busy ako sa pakikipag-hi and hello. Si AJ kasi, medyo maselan talaga ang batang yun. Kahit sa akin minsan, kapag wala siya sa mood, hindi siya lalapit. Kay Lola lang siya, kay Yaya. Minsan sa akin, parang nagtatampo kapag iiwan ko sa bahay. Pero, ganoon talaga ang attitude niya, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang tawag ni AJ kay Patrick?

"Wala pa... hindi pa siya nagsasalita. Konting words pa lang. Dede, yaya, ate. Mama, minsan. By accident. Pero wala pa talaga siyang nasasabi."

Kay Dennis, "tito" raw ang tawag ng anak.

FUTURE TALKS. Nagkausap ba sila ni Patrick noong time na iyon?

"Hi and hello lang, how are you? Ganoon lang. Beso-beso naman po. Pero hindi po talaga kami nakapag-usap."

In the future, may plano ba silang mag-usap para magkaroon ng closure?

"Well, for now, this is a good start. Kahit papaano, nakakapag-text. Nakakapag-communicate kami. Okey na 'ko. Kumpleto na rin. Kahit paano, wala na akong itinatago. Hindi ko na kailangang itago si Jazz."

Mapag-uusapan din daw nila ni Patrick balang-araw ang mga bagay-bagay tungkol sa anak, tulad ng financial support, visiting rights, at iba pa.

"Siguro darating din 'yan."

Okay na rin daw ang relasyon ni Jennylyn sa iba pang miyembro ng pamilya ni Patrick, at puwede rin nilang bisitahin si AJ kahit sa mismong bahay niya.

"Puwede naman po. Wala naman pong problema."

Nagbigay ng pahayag si Patrick sa Startalk kunsaan sinabi niya na happy siya sa kung anuman ang meron kina Jennylyn and Dennis.

Sabi naman ni Jen, "Happy rin kasi, at least, tanggap niya kung ano ang nangyayari sa buhay ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN