Patrick Garcia on Jennylyn Mercado: "Kung saan siya ma-in love, I'm always happy for her."

Patrick Garcia finally got to meet his son Alex Jazz last Sunday, June 27, and revels in his newfound access: "Okey kami ni Jen. So far so good. I've been granted to be able to visit my kid. So yun, okay na."


Sa pamamagitan ng telepono ay nakausap ng Startalk si Patrick Garcia kahapon, July 3, tungkol sa kauna-unahang pagkakataon na makita niya ang kanyang anak kay Jennylyn Mercado na si Alex Jazz.

Buntis pa lang noon si Jennylyn nang magkasira sila and since then, hindi na sila nagkita. Mas lumabo na magkasundo sila ulit dahil sa palitan ng pahayag ng magkabilang kampo.

Naipanganak at nakapagdiwang ng first birthday si AJ na hindi pa rin nasisilayan ng ama.

ACCESS TO SON. Pero last Sunday, June 27, sa birthday party ng pamangking si Kendra, anak ng kapatid ni Patrick na si Cheska Garcia-Kramer at asawa nitong si Doug Kramer, marami ang nagulat nang dumating ni Jennylyn na kasama ang anak na si AJ. At dito nga naganap ang unang pagkakataon na makita at mayakap ni Patrick ang anak after almost two years.

"Nakita ko na rin siya finally," ang pahiwatig ni Patrick sa Startalk, na bakas na bakas sa mga letratong kuha sa party ni Kendra ang malaking saya niya sa pagtatagpo nila ng anak.

Bukod dito, masaya rin daw siya for Jennylyn and Dennis Trillo.

"About Dennis and Jen, I'm happy for Jen. And I wish her all the best. Kung saan siya masaya. Kung saan siya ma-in love, I'm always happy for her."

At sa bago niyang access sa anak, "Okey kami ni Jen. So far so good. I've been granted to be able to visit my kid. So yun, okay na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN