Jovit Baldivino hopes to make it big like his idol Arnel Pineda

There have been a few changes since Jovit became PGT grand winner. "Hindi na po kami makalabas ng bahay dahil bawal na po kaming gumala sa kalye. Ngayon, pinagkakaguluhan na ako ng mga tao. Pero okay lang po sa akin iyon, natutuwa nga po ako sa kanila," says Jovit, who's been snapped up by ABS-CBN's talent management arm Star Magic.


Gabi ng biritan sa weekly Celebrity Night ng National Press Club (NPC) sa Bulwagang Plaridel sa Intramuros, Manila last Friday, July 2, dahil special guests that night ang Pilipinas Got Talent grand winner na si Jovit Baldivino at si Mariel Corpuz na representative ulit ng bansa sa World Championship of Performing Arts (WCOPA) sa U.S. Lahat ng nanood, sa pangunguna ni NPC President Jerry Yap, mga opisyal ng club, mamamahayag at guests, ay labis na na-entertain sa talento ng dalawa.

Kabilang din sa mga guest performers na nagbigay kasiyahan sa NPC ay si Sofia Lee, ang star ng pelikulang East of Paradise ni Direk Deo Fajardo at Ilusyonada ni Direk Dante Mendoza, ang aktor na si Jograd dela Torre, at ang bandang The Rhythm of Three composed of Dada and Joey CaƱeja and Rene Tolentino.

GRATEFUL TO FANS. Pagkatapos kumanta ni Jovit ay kinapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) upang usisain ang mga pagbabago sa kanyang buhay mula nang manalo siya sa PGT.

"Parang ganoon pa rin naman po, kaya lang po, iba na kasi ang buhay namin ngayon. Hindi na po kasi kami makalabas ng bahay dahil bawal na po kaming gumala sa kalye.

"Kasi po, dati gumagala ako sa kalye, hindi man lang ako pinapansin ng mga tao. Ngayon, iba na po, pinagkakaguluhan na ako ng mga tao. So, hindi na rin ako puwedeng basta umalis, pero okay lang po sa akin iyon, natutuwa nga po ako sa kanila," nakangiting panimula ni Jovit na ngayon ay isa na sa talents ng Star Magic.

"Kailangan kong mahalin ang mga tao, ang fans, kasi, kung wala sila ay wala rin po ako rito. Kaya, masayang-masaya po ako sa mga nangyayari sa akin ngayon. Masaya ako sa ibinibigay na pagkilala sa akin ng marami," dagdag pa niya.

Two million ang premyong napanalunan niya. Mahirap bang maging milyonaryo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po. Napakasaya ko nga po dahil ako naman ang may gustong pumasok dito, e."

Sixteen ka pa lang, may girlfriend ka na ba?

"Ay, wala po, hindi pa po ako nagkaka-girlfriend," matipid niyang sagot.

Sino ang crush mo sa showbiz?

"Si Ate KC [Concepcion] po, alam naman po niya yun."

Bakit mo crush si KC?

"Kasi, napakabait po niya. Tanggap niya kahit ano ka, mahirap man o mayaman."

Nang ma-meet niya ang crush niya, "kinabahan po ako nang sobra," nakangiti niyang pag-amin.

SHARING THE STAGE WITH IDOL. Dalawang beses na niyang naka-duet si Arnel Pineda ng bandang Journey, sa ASAP at sa inauguration party ni President Noynoy Aquino sa Quezon Memorial Circle. Anong pakiramdam niya doon?

"Sa totoo lang, kahit sa panaginip ay hindi ko inisip na mangyayari iyon. Dati po kasi, pinapanood ko lang siya sa TV. Pangarap ko lang iyon na makita ko lang siya nang personal, doon lang ay magiging masaya na ako, e. E, ngayon, naka-duet ko pa siya," paglalahad ni Jovit.

"Magaling po siya, mabait talaga. Noong nakikita ko pa lang siya sa TV, parang nararamdaman ko na na mabait siya. At siya lang ang nakikita kong kumakanta ng mga slow rock."

Nang marinig niya raw ang mga papuri sa kanya ng singer na hinahangaan, "mas lumakas lalo iyong loob ko at nagkaroon ako lalo ng gana o inspirasyon sa pagkanta."

Iyon bang narating ni Arnel ay pinapangarap mo ring marating?

"Opo, opo," mabilis niyang sagot. "E... kakayanin ko po."

DREAM CONCERT. Anong masasabi niya tungkol kay Charice Pempengco?

"Naku po! Ang galing po talaga niya," umiiling na saad ni Jovit. "Bilib po talaga ako sa kanya, kasi kinikilala na si Charice sa buong mundo at hindi lang dito sa Pilipinas. Masaya po ako na sikat siya, isang Filipino..."

Gusto mo ba siyang maka-duet someday, tulad ni Arnel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, gusto ko rin po siyang maka-duet, sana po mangyari iyon."

This July ay ilalabas na ang kanyang unang solo album. Wala pang nakaplanong solo concert, pero sa dream concert niya raw, "siyempre po, gusto kong guest si Kuya Arnel [Pineda], si Miss Sarah Geronimo at iba pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN