Albert Martinez directs his first feature film, Rosario

"Ang dream ko kasi, as much as possible, i-lift namin yung bar [ng filmmaking] to a higher level. Na as far as technical is concerned, ma-achieve namin yun locally," says Albert Martinez, who will direct his first feature film Rosario, an entry in the 2010 Metro Manila Film Festival. (Inset: Rosario stars Dennis Trillo and Jennylyn Mercado)


Hindi matatawaran ang dedikasyon ng premyadong aktor na si Albert Martinez upang makapagbigay-kontribusyon sa sarili niyang pamamaraan ng mga makabuluhang pelikula para sa ikaaangat ng Pelikulang Pilipino.

Bukod sa pagiging isang award-winning actor, nakapagdirek na si Albert ng mga drama sa telebisyon, partikular na ng ilang episodes ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN.

In recent years, pinasok na rin ni Albert ang pagpo-produce ng pelikula. Siya ay naging executive director ng PLDT-Smart Foundation.

Halos kasabay nito, kasama ang ilang business partners niya, isinilang sa daigdig ng pelikulang local sariling film company ni Albert bilang producer—ang Cinemabuhay International, Inc.

Sa pagsasanib ng PLDT-Smart Foundation at Cinemabuhay International, Inc., nakaroon ng mini-competition among relatively new pero magagaling na screenwriters-filmmakers. Pinipili ang best script, at ito ang nabibigyan ng kaukulang "grant" o malaking halaga ng pera upang idirek ng filmmaker ang nanalong scripts.

Taong 2006, unang prinodyus ng Cinemabuhay International, Inc. ang Numbalikdiwa na pinagbidahan Maricel Soriano, directed by Bobby Bonifacio. Dito nagwagi si Maricel bilang Best Actress sa Cinemalaya noong taong 'yon.

Ikalawa ay noong 2008, ang Cul de Sac na pinagbidahan naman nina Sam Milby, Jodi Sta. Maria at Chin Chin Gutierrez. Directorial debut ito ni Juan Miguel Sevilla.

Ikatlong movie produced ng film company ni Albert ay ang Slowfade nina Diether Ocampo at Precious Lara Quigaman, directed by Rommel Sales. Kasalukuyan itong nasa post-production. Uunahin munang mag-premiere showing ito abroad bago sa Pilipinas.

Sa kanyang previous interviews, pahayag ni Albert, "Every film na gawin namin, we have very high expectations. I want to push the filmmakers sa maximum, para mailabas talaga nila yung obra nila."

ROSARIO. Kamakailan naman, ipinahayag na ang official entries para Metro Manila Film Festival-Philippines (MFFP) 2010, na nagsisimula tuwing Araw ng Pasko, December 25.

At isa rito ang ikaapat na pelikula ng Cinemabuhay International, Inc., ang Rosario. Ito ay co-produced or in partnership ng Studio 5, ang film outfit ng TV5 ng business mogul na si Manny V. Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa itong drama-filmbio o true story ni Rosario, isang carnival queen noong 1920s at ang pakikipagsapalaran nito sa kanyang buhay at sa kanyang pag-ibig. Kuwento rin ito ng infidelity o pangangaliwa.

Sa Rosario, hindi lamang co-producer si Albert. Isa na rin siyang ganap na filmmaker.

Pagkalipas nga ng maraming taon sa industriya bilang isa sa pinakamagagaling at respetadong aktor sa kanyang henerasyon, film director na ang isang Albert Martinez.

Ang cast ay binubuo nina Jennylyn Mercado bilang Rosario, Dennis Trillo bilang Ricardo, Phillip Salvador bilang Don Enrique, Yul Servo bilang Vicente, Isabel Oli bilang Carmen, Sid Lucero bilang Carding, Ricky Davao bilang Miguel, Eula Valdes bilang Dona Adela, Empress Schuck bilang Soledad, at ang Comedy King na si Dolphy bilang Jesus.

Nagkasama sa pelikula sina Jennylyn at Dennis sa Blue Moon, isang Regal romance-drama na ipinalabas sa MMFFP a few years ago. Ganun din sateleserye ng GMA-7 na Gumapang Ka sa Lusak, kung saan sinasabing nagka-debelopan ang dalawa at balitang mag-on na.

RAISING THE BAR. Pagmamalaki ng grupo ni Albert, bukod sa masusing preparasyon at bonggang production values na iginugol nila sa Rosario sa loob ng mahabang limang taon, naisip na rin nilang gamitin ang isang state-of-the-art camera lens na ginagamit sa ibang bansa.

Ayon kay Albert, "Actually, it was considered. Two years ago, napag-usapan namin 'yan. But unfortunately, hindi pa rin available yun dito sa Pilipinas right now, and kung rerentahan natin siya outside the Philippines, magiging sobrang mahal na ng pelikula talaga.

"Although, kami, ang importante sa amin, as we have discussed the other day, ang gusto namin, yung end product, ano yung hitsura ng pelikula. So, nag-deliberate kami, and we have decided that we get the best end product result para dito sa Rosario.

"Live sound ito, all throughout. We'll use a multi-track thing para ma-isolate namin lahat ng sources ng sound."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Albert sa story conference ng Rosario sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ayon sa first-time movie director, pangarap niyang makatulong sa industriya sa pag-angat ng filmmaking sa bansa.

"Ang dream ko kasi, as much as possible, i-lift namin yung bar [ng filmmaking] to a higher level," sabi ni Albert. "Na as far as technical is concerned, ma-achieve namin yun locally.

"Nag-tie up kami with a production outfit in doing foreign films para ma-achieve namin ang requirements na gusto ko, at yung discipline within the production itself.

"So, yung sinusunod naming discipline dito is yung discipline on how you produce foreign films. Kasi, ang importante sa amin, ma-achieve yung aming goal na how many sequences per day."

Kung period movie ang Rosario, gaano kahirap o katindi ang ginagawa nilang preparasyon upang mag-capture ang tunay na Pinoy look, culture, attitude at character ng 1920s era?

"We want to be as realistic as possible," ani Albert. "Even the execution of the film, we want it to be as real as possible, para maramdaman natin, makita natin, kung ano yung feeling noong 1920s... Yung music, yung food, yung dance, yung romance, yung passion... Yun ang gusto naming ipakita sa film na ito."

How many awards ang target nila sa awards night ng Metro Manila Film Festival?

"Sabi ng co-producer ko, 'How many are there?' Just kidding. We're very optimistic. We believe in the project, I believe in my team. I believe in my actors and in the story, so we will deliver a quality film. That's our intention," pagmamalaki ni Albert.

INFIDELITY. During the presscon proper, sabi ng film ciritc at columnist na si Mario Bautista, ang apprehension niya ay ang mismong materyal o kuwento ng pelikula, tungkol sa infidelity o pangangaliwa.

Tanong nito: "Rosario is about a woman who went astray. Paano ngayon makaka-relate ang mga babae sa present generation sa babaeng ito, gayong sa panahon nating ito, e, very common na ang mga babaeng nangangaliwa? Parang hindi na nabibigyan yun masyado ng importansiya, kasi usung-uso ngayon ang kaliwaan, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Albert, "Actually, the best way to answer that... It's a filmbio, to begin with. Infidelity is a common thing nowadays. Ang maganda sa pelikulang ito, you will learn something from it. From every action you make, there's a reaction.

"Dito sa pelikula, ipapakita sa atin ni Rosario on the things o mga desisyon na ginawa niya, ano yung repercussion nito. And how to resolve a problem or a situation and convert it into something positive.

"We try to be faithful to the script, and the only thing that we can twist here is to accommodate the creativity and entertainment part of the film. Kasi, kung hindi, it's gonna be very hard to swallow.

Baka lang kasi hindi maka-relate ang present generation sa materyal, palagay pa rin ni Mario Bautista.

"Kasi, ordinary na sa kanila yun?" balik-tanong ni Albert. "Ang kagandahan nga nito, makaka-identify or sympathize sila with the character. Parang, 'Oooops, teka, parang Rosario is talking to me... Maybe, I should do something else!'"

Pagdidiin pa ni Mario sa kanyang opinyon, importanteng gawing contemporary ang materyal para maka-relate daw ang audience.

Sabi ni Albert, "The best part about it, that's why I went through a series of revisions, kasi gusto ko ngang gawing as such. Ayokong masyadong... Ang period natin is yung backdrop, which is the 1920s, but not necessarily yung attack sa narrative.

"As much as possible, we'll work, kami ni Elmer, to make the situation as contemporary as possible. And something na pag tinanggal mo ang 1920s, it's today. Yun ang ginawa namin dito. I'm very careful with that.

"Sabi ko kasi, 'Ang danger natin dito, baka ma-stuck tayo sa period, which is very dangerous. So, I make it a point to make it contemporary, yung narrative...the actors, and the attack. And I'm also very careful na hindi siya maging soap opera. Kasi, kapag ganitong klase ang narrative mo, ang tendency mo is maging soap opera ka, e. Nag-iingat kami doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST CASTING CHOICE. Ang cast bang ito ay ang first choice(s)?

"No," pag-amin ni Albert. "It's the best choice, but not our first choice. We've gone through a lot. We've been working on this project for five years. We've talked to a lot of people. Nag-audition na kami ng maraming beses. It's just that, God willing talaga and with God's blessing, we landed with the best cast, and ito na nga yun, finally."

Nasulat din noon na nai-consider rin sa lead actress sina Bea Alonzo at Rhian Ramos. Hindi na-mention noon ang pangalan ni Jennylyn?

"No. Nag-evolve kasi ang casting, e," mabilis niyang sagot.

Bakit si Jennylyn ang napili as lead actress?

"Marami kamiing in-audition, marami kaming kinausap, marami kaming binigyan ng pagkakataon. Pero sila yung, kumbaga, shoo-in na characters. So we decided na itutuloy na namin ito coz ito na yung nakuha naming cast."

Ang character ba ni Jennlyn bilang Rosario ay maihahalintulad sa character ni Evita Peron, ang dating first lady ng Argentina?

"Hindi," sagot ni Albert. "Iba si Evita Peron, she's power-hungry. Totally different. Si Rosario, out of bugso ng damdamin ang mga nangyari sa buhay niya. Hindi niya plinano lahat ng nangyari sa buhay niya, as they come."

Sa laki ng cast—kasama na ang veteran actors tulad nina Dolphy at Phillip Salvador—hindi kaya magkaka-conflict sa schedule ng shooting?

"Lahat sila ay committed to do this film. All of them gave us a very good schedule. Pero naayos namin ang schedule nang matino," bangit ng actor-director.

Kakanta rin ba ang characters dito, tulad ng tipikal na nakikita sa old Pinoy films?

"Merong light moments ito, pero it's still based on reality. Hindi siya yung song and dance na bigla na lang sasayaw sa ilalim ng puno. It's still based on reality. Ayaw ng LVN niyan o ng Sampaguita [Pictures] noong araw!" tawa ni Albert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TECHNICAL DETAILS. Yung sinasabi nilang "raising the bar" of film quality, karamihan ng nagsasabi nang ganoon, ang ending ay box-office disaster o flop sa takilya. Ano ang ng masasabi dito ni Albert?

"We're raising the bar sa technical aspect," aniya. "Lilinisin namin yung sound. Lilinisin namin yung end product. Lilinisin namin yung lighting. Yun yung sinasabi namin. Kasi, kami, we will not compromise doon sa area na yun.

"Hindi ko naman sasabihing hindi kami nagtitipid," saad ni Albert. "Of course, gumawa pa rin kami ng matrix... But then again, ang end goal ko is makapag-deliver ako ng film na maayos, makapag-deliver ako ng film na all of us will be proud of, 'Kaya pala nating gumawa ng mga ganitong klaseng pelikula, e!'

"Like for example, ang ambition ko for the CGI is kung papaano ko ike-create ang street ng Binondo? Gusto ko ito kasi, hindi mo mararamdaman na CGI siya. Gusto ko, kapag pinanood n'yo, mararamdaman mo talaga na nasa kalye talaga kayo ng Binondo during that period, which is 1920s.

"Yun ang vision ng pelikulang ito. And blessing pa rin because a lot of people believe in this project. Even the animators are so passionate about it, to the point na...Hindi naman sa dinonate nila yung time nila, pero kung babayaran mo sila in real money, e, hindi ko maa-afford. Pero because they believe in the project, they are also investing on the project. So, gano'n yung samahan ng pelikulang ito," sabi ng actor-director.

Anong preparation niya as filmmaker sa ganitong period film?

"The preparation is really hard, kaya nga it took us five years. You have to understand the period. You have to understand your market. You have to understand the technology... And then, you have to understand also, more or less, ano 'yung performance na ibibigay ng cast mo. 'Yun ang preparation."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang laban ng Rosario sa mga established nang film companies na kasabay nilang itatanghal sa MMFF?

"Sa akin, yung narrative nung story, ang cast, and how it will be made."

Make or break para sa kanya as a film director, ano ang inaasahan niya na mangyayari sa December?

"Ako, ang gusto ko lang, ang pinaka-objective ko ay mai-share ko ito sa sambayanang Pilipino. Makita nila ang isang pelikulang talagang pinaghirapan ng maraming tao," sabi ni Albert.

Ngayong magdidirek na si Albert, paano na ang paglabas niya sa teleserye? Kasama si Albert sa cast ng ABS-CBN primetime series na Kung Tayo'y Magkakalayo, na magwawakas na ngayong linggo.

"For now, I took up a two months break sa paggawa ng teleseryes. And for the months of July and August, I'll be directing this film, and after that, I'll go back to acting," saad niya.

Nakatakdang magsimula ang shooting ng Rosario ngayong July 8. May cameo roles rin sa pelikula ang mga kaibigan ni Albert na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN