Mrs. Bing Garcia on reconciliation of Patrick and Jennylyn: "Time heals all wounds."

"Happy siya. Tapos, the whole time, karga-karga niya or kaya hinahabol-habol niya. Mahilig si AJ na tumakbo, e. Takbo rito, takbo riyan. So, minsan hinahabol-habol niya. Sa table, magkatabi sila. Palagi niyang karga-karga," relates Mrs. Bing Garcia (main photo) about the first meeting of Patrick and son AJ (inset).


Nagbigay ng pahayag si Mrs. Bing Garcia sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central last Sunday, July 4, tungkol sa pagkikita ng kanyang anak na si Patrick Garcia at ng anak nitong si Alex Jazz o AJ sa kauna-unahang pagkakataon. Si AJ ay anak ni Patrick sa dati niyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Matatandaang dinala ni Jennylyn si AJ sa first birthday party ng anak ni Cheska Garcia, kapatid ni Patrick, na si Kendra noong June 27. Iyon ang unang pagkikita ng mag-ama at maging ng mag-lola. (CLICK HERE to read related story.)

"Happy naman ako na nakita ko na [si AJ]. Pero mas happy ako kapag nagtatabi sila ni Kendra. Sinasabi rin kahit sa anak ni Cheska, nakikita raw na kahawig ko. Kaya sabi ko nga, ang lakas naman ng dugo ko!" masayang kuwento ni Mrs. Garcia.

THE INVITATION. Naikuwento rin ng mommy ni Patrick kung paano ang naging simula o hudyat ng pagkikitang yun ng mag-ama.

"Actually, all accident," sabi niya. "Kasi, may pinapasukan si Kendra. Yun pala, doon din naglalaro at naka-enroll si AJ. So, nag-meet accidentally si Doug [Kramer, Cheska's husband] at saka si Jen. So, yun, yung dalawang bata, e, di pinagtabi nila. May picture nga yun na hinihila ni Kendra si AJ. Ganoon si Kendra kapag gusto niyang yakapin, gusto niyang halikan. E, takot si AJ.

"So, parang yung picture ni Patrick sa Facebook niya, si Kendra at saka si AJ. Tapos, pagkatapos noon, nagko-communicate na sila ni Cheska. Tapos yun, binigyan ni Cheska [si Jennylyn] ng invitation sa birthday party ni Kendra."

Ang totoo raw, walang nakakaalam kung ano ang magiging response ni Jennylyn sa invitation ni Cheska. Not until nga noong Linggong yun sa party na dumating si Jennylyn kasama ang Mommy Lydia nito at anak na si AJ.

"Ako rin, hindi ako masyadong nagho-hope," sabi ni Mrs. Garcia.
"Pero noong nakita nga namin, sinalubong ni Patrick si AJ. Tapos si Jen naman, pumunta sa akin, kumusta, nag-kiss siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman kaila sa marami na nagkaroon din ng isyu sina Mrs. Garcia at Jennylyn noong kasagsagan ng away ng aktres at ni Patrick. Pero ayon sa ina ni Patrick, "Never naman akong naging pessimistic. Pero alam mo naman na time heals all wounds, di ba? Somehow, alam naman namin na gano'n. Actually, dahil wala naman kasi kaming bad na sinabi or anything like that. Wala naman kaming mga grudges or something ng mga nangyayari."

THE ARRANGEMENT. Saksi rin daw si Mrs. Garcia sa kasiyahan ni Patrick noong mga oras na kapiling nito ang anak.

"Happy siya. Tapos, the whole time, karga-karga niya or kaya hinahabol-habol niya. Mahilig si AJ na tumakbo, e. Takbo rito, takbo riyan. So, minsan hinahabol-habol niya. Sa table, magkatabi sila. Palagi niyang karga-karga. I'm sure, nakikita niya yung pamangkin niya. Tuwang-tuwa siya si Cheska kay Kendra. So, siguro, iniisip niya, 'Naku, ganito rin sana kami ng baby ko,'" lahad pa ni Mrs. Garcia.

Ibinahagi rin ni Mrs. Garcia ang magiging set-up ni Patrick at ng anak nito ngayong pumayag na si Jennylyn na makita ng aktor si AJ.

"Parang may arrangement. Puwedeng sunduin si AJ, tapos puwedeng mag-spend ng time makasama si Kendra."

Kahit daw siya, looking forward na makasama ang apo.

"Sabi ni Cheska, kasi once a week, pupunta ako sa bahay ni Cheska, tinuturuan ko si Kendra ng mga ABC, libro, mga phonetics. Kaya sabi niya, 'Mommy, kapag nandito ka, mag-set-aside na tayo ng certain day na nandito ka at nandito si AJ para dalawa na ang tuturuan mo.' Okey naman sa akin yun. Gusto ko yung mga bata, bata pa lang, marunong na silang mag-ABC, marunong na silang magbasa."

Hiningan din ng Showbiz Central si Mrs. Garcia ng mensahe para sa kanyang apo.

"Ang message ko kay AJ, sana magkita kami every week. Kasi, na-schedule nga ni Cheska na magte-take sila sa akin ng lesson na mag-ABC at saka mga phonetics para sabay sila ni Kendra na matuto. Play and learn. And I hope na tuluy-tuloy na ito and we'll just think about the welfare of the children and they'll grow up happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN