Angel Locsin had a pole installed in her home for pole dancing

"Pagod at walang tigil ang pawis every time nagpa-practice for this dance. Kaya nga para makapag-practice ako even without my dance instructor, I still do kasi nagpa-install na ako ng pole sa bahay ko para ma-practice ko mabuti ang pole dancing," relates Angel Locsin about her pole-dancing practice for her movie Huling Sayaw with Aga Muhlach.


A movie with Aga Muhlach, a TV show with John Lloyd Cruz, and recently hailed as the Philippines' sexiest woman by no less than the most-read men's magazine in the country, FHM, sobra-sobra na nga ang mga suwerteng tinatamasa ngayon ni Angel Locsin.

At sa patuloy na pagdating ng mga suwerte sa kanya, heto't meron na namang bagong ineendorso ang Huling Sayaw at Imortal female lead star—si Angel ang napiling endorser ng SoleMare Parksuites, ang 18-storey residential condominium located at the ASEANA Business Park in Bay City, Parañaque, ilang bloke lang ang layo mula sa SM Mall of Asia at sa bagong lokasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Kailan lang ay nag-shoot ng kanyang TV commercial at print ad photos si Angel para sa Anchor Land Holdings, Inc. (ALHI), ang creator ng SoleMare Parksuites Condominium. Kahit maghapon at inabot na ng sumunod na araw ang pagsu-shoot ng ABS-CBN talent, naisingit pa rin niya ang pagsagot sa ilang mga tanong sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang comment mo na number one ka pa rin sa FHM 100 sexiest with two days na lang na deadline ng voting?

(At that time, nasa proseso pa rin ng botohan ang FHM para sa kanilang Philippines' 100 Sexiest Women list. Para sa sagot ni Angel sa pagkakahirang sa kanya bilang Philippines' sexiest, CLICK HERE.)

"Naturally, I am elated. But as you said, may two days pa before the announcement of the grand winner. Kaya anything can still happen."

Kumusta na ang taping ng Imortal?

"So far so good, pero madugo."

Anong mga ginawa mo upang paghandaan ang Imortal?

"Marami, kaya mahirap i-enumerate. But just the idea that I have both two good directors for this projects, Direk Chito Roño and Direk Jerry Lopez Sineneng, one can imagine the challenge that I have to face and expect."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta na ang pole dancing mo?


"Pagod at walang tigil ang pawis every time nagpa-practice for this dance. Kaya nga para makapag-practice ako even without my dance instructor, I still do kasi nagpa-install na ako ng pole sa bahay ko para ma-practice ko mabuti ang pole dancing."

Kumusta na ang movie mo with Aga Muhlach?

"We started shooting already. Pagod but exciting, looking forward ako to every shoot, and madami ding kukunan na eksena sa Japan."

Anong feeling na isa ka pa rin sa top endorsers at sa bago mong endorsement na ito?


"God is good, kaya I always say thank you sa Kanya, thank you for all the blessings."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN