Concert producer Jomari Yllana believes Usher is the next Michael Jackson

"Si Usher, ang gusto ko sa kanya, kumanta siya ng kahit anong kanta ni Michael Jackson, happy na ako doon. Kumanta siya dati ng 'Gone Too Soon.' Parang si Usher yung sumunod sa yapak ni MJ, pero nasa R&B ang genre niya. Pero idol niya talaga si Michael Jackson at ang galing nitong sumayaw talaga," says concert producer Jomari Yllana (main photo) about international singer Usher (inset).


Handang-handa na ang actor-concert producer na si Jomari Yllana, kasama ang business partner niyang si Ronald Singson at ang kanilang grupo sa Fearless Productions, upang dalhin ang R&B King ng international music scene na si Usher, at i-produce ang very first concert nito sa Pilipinas.

Ngayong Biyernes, July 9, 2010, 8 p.m., magaganap ang pinakaaabangang Philippine concert ni Usher titled Usher Live in Manila sa SM Mall of Asia Concert Grounds.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan kay Jomari sa Belissimo restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, inamin niyang itong Usher Live In Manila ang pinakamahal na nai-produce nilang concert, mula nang simulan ng Fearless Productions ang pagdadala ng foreign artists sa bansa upang mag-concert. Kabilang sa foreign artists na nadala na nila rito sa Pilipinas ay ang American Idol stars na sina David Cook, David Archuleta, at Kris Allen.

Hindi ba't parang biglaan ang announcement na kumpirmado na ang Usher concert dito sa atin sa July 9, kahit na nabalita ito noon at nag-circulate sa radio scene, pati na sa local music blogs?

"July 9 lang yung only time na available siya, e," sabi ni Jomari. "Kakatapos lang ng UK concert tour niya. Ngayon lang siya talaga nagkaroon ng window for him to do it. Pero last year pa namin gustong mag-Usher. Ang latest niyang tour ay yung European tour. So, UK yung tour niya. After nun, saka sila pupunta dito. Hindi ko lang nasundan yung ibang stops nila. Hindi nila dini-disclose ang iba pa nilang kasama."

Sa pagkakaalam ni Jomari, ang Pilipinas ang first Asian country na mapupuntahan ni Usher.

"Yeah, walang iba, e," aniya. "Wala akong ibang naririnig, e. After Europe, dito na... Di ko alam kung nakapag-Singapore na siya. I'm not sure lang."

Gaano kahirap kunin ang isang Usher para sa isang Manila concert for the first time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I think he prepared for the album. Na mai-launch ang album before he can go around... Magaling siya, magaling siya! Paborito ni Andrei [anak ni Jom kay Aiko Melendez] 'yan, e. First time niya sa Pilipinas kaya exciting. May hit song siya ngayon, 'OMG!'" banggit ni Jomari.

Para kay Jom, si Usher na ang makabagong Michael Jackson o sumusunod sa mga yapak ng namayapang music icon.

"Si Usher, ang gusto ko sa kanya, kumanta siya ng kahit anong kanta ni Michael Jackson, happy na ako doon. Kumanta siya dati ng 'Gone Too Soon.' Parang si Usher yung sumunod sa yapak ni MJ, pero nasa R&B ang genre niya. Pero idol niya talaga si Michael Jackson at ang galing nitong sumayaw talaga," opinyon ni Jomari.

MOST EXPENSIVE ARTIST. Hindi ba mahirap kausap si Usher, o ang kanyang agent, pagdating sa negosasyon ng talent fee?

"Hindi namin siya nakakausap mismo... Ang kausap namin diyan ay yung agent," banggit ni Jom. "Si Ronald ang kumausap, e. Nasa wake ako noon, namatay ang kapatid ko [Robbie Yllana], kaya si Ronald ang nagta-transact nung time na 'yon. Hindi na niya binanggit sa akin, nilalakad na pala nina Ronald. Pero last year pa nga nasimulan. Isinara niya ang deal, nalaman ko after naming naglibing. Nagte-taping ako nang malaman ko, hands-on naman si Ronald."

Dagdag niya, "Mahal siya dahil sikat siya at respetadong rapper sa U.S."

Si Usher ba ang pinakamahal sa lahat ng nai-produce nilang foreign artists dito, kabilang na ang dalawang David na kapwa galing ng American Idol?

"Yes, siya ang pinakamahal," pag-amin ni Jom. "Ito ang pinakamahal na nagawa namin and, so far, pinakamalaking artist na madadala namin dito, dahil may following ito, e. First time."

Since pinakamahal nilang concert itong kay Usher, sa palagay kaya niya ay makakabawi sila sa ticket sales?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman," kampanteng sagot ni Jomari. "Sa company kasi namin, kung sino ang magde-decide tungkol sa artist, we talk about everything, e. If we want a certain artist, kung hindi naman available, we have to look for someone else.

"So far, sa entourage niya [Usher], mag-isa siya sa artists, ha. Tapos siyempre, may kasamang banda yun. Maliit lang ang band, it's not so big. Pupunta sila rito, siguro nasa range ng 20 to 25 persons. It's not too big.

"Wala namang demands, wala namang hinihingi. After ng concert niya, lilipad siya ng Saturday or Sunday... Hindi na siya makakapag-Party Pilipinas dahil malayo ang araw, e. Friday ang concert."

Sa July 8 ang dating ni Usher para sa concert niya rito sa Pilipinas. Magiging front act sa concert niya si Nina at ang South Border.

USHER VS. TIMBERLAKE. Sabi-sabi, si Usher daw ang naka-discover sa teen sensation ngayon sa na si Justin Bieber. May kuwento si Jomari tungkol kina Usher at Justin.

"Si Usher, he is yung album producer [ni Justine]... At may controversy 'yan. Kasi, may konting friction si Justine Timberlake at si Usher. Kasi, si Timberlake, nahuli ng isang araw lang na tawag for Justin Bieber. Tapos, nagkaroon ng konting conflict. Parang ang sinasabi, kung bakit nag-aaway itong sina Usher at Timberlake as producers kasi naunahan ni Usher si Justin Bieber na makuha from Timberlake. Kaya ang tour, ang magkasama ay si Usher at Bieber."

Dagdag niya, "Isa lang ang hit niya sa album niyang bago, hindi ko gaanong type, e... Marami siyang hit songs, sobrang daming hit songs from the past."

NEXT TO USHER. After Usher, tila mahihirapang sundan ito ng kasing-level ng kasikatan nito. So, who's next? Si Madonna na kaya?

"Parang ano... Sana," sabi ni Jomari. "Sana... Kung si Madonna, lahat kasi ng equipment, galing sa kanila.

"Alam mo ba kung sino ang gusto ko? Si Celine Dion. Gusto ko siya, bago tuluyang tumanda. Hindi malaki, pero gusto ko siya. Tapos, ang mga nasa front row ay sina Imee [Marcos], Imelda [Marcos], sina GMA [Gloria Macapagal Arroyo]!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Yung last concert nilang Music Fest, kumusta?

"Masaya, pero it didn't make money," pag-amin ni Jomari. "Pero gano'n yun, e. It's not Christmas every day. Bawi lang, di naman lugi."

Tungkol sa tickets ng Usher Live In Manila, hindi declared kung magkano ang VIP tickets, pero ang Gold tickets ay P6,236; ang Silver tickets ay P4,157; ang Bronze tickets ay P2,079; at ang General Admission tickets ay P624.

For further inquiries, maaaring tumawag sa Ticketworld, Tel. 891-9999.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN