Baron Geisler says controversial issues do not affect his acting

"I just don't let it bother me...because I know and I believe na nasa tama ako. Gaya ng parating sinasabi ko nung mangyari ito, hindi siguro ako ibe-bless ni Lord kung masamang tao ako o kung may nilamangan akong tao. So, itong mga nangyayari, hindi ko alam. Siguro gano'n lang talaga ang showbiz. May mga taong...who's there to put you down. But, ah, mahal na mahal ko ang trabaho ko, kaya ko pinagbubutihan. At kaya siguro kinukuha 'ko," expresses Baron Geisler about the con


Sa grand press conference para sa Noah na ginanap sa Dolphy Theater ng ABS-CBN noong Martes ng gabi, July 6, hindi naiwasang ungkatin ang nakaraan nina Jodi Sta. Maria at Baron Geisler, na parehong nasa cast ng upcoming primetime series na ito.

Jodi plays Ruth, asawa ni Gabriel na ginagampanan naman ng isa sa dalawang bida sa Noah na si Piolo Pascual (Zaijian Jaranilla is the other lead star), habang ang taong-unggoy naman na si Caleb ng tribong Ungtas ang role na ginagampanan ni Baron.

Sa mga hindi pa nakakaalam, naging "item" noon sina Jodi at Baron noong Tabing-Ilog days pa nila. Ngayong may pamilya na si Jodi at may girlfriend naman si Baron, muling magkakasama ang dalawa sa Noah. Aminado si Baron na maingat na siya sa muling pakikipagtrabaho sa dating kasintahan.

"Ang maganda kay Jodi, kung kailangang may i-improve ka sa sarili mo, sasabihin niya sa 'yo," sabi ni Baron sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga miyembro ng press. Noong nagkatrabaho raw kasi sila dati sa Maalaala Mo Kaya tatlong taon na ang nakararaan, marami siyang maling ginagawa sa mga eksena nila. Kaya sinabihan daw siya ni Jodi at pagkatapos noon ay hindi na raw siya kinausap ng kalahating taon.

"Kaya ayoko nang mangyari ulit yun. Baka hindi na naman ako kausapin niyan for another six months!" natatawa pang kuwento ni Baron.

BARON CONTROVERSIES. Sa kabila ng mga kontrobersiyang nangyayari sa kanyang buhay, hinahangaan pa rin si Baron sa paglalabas ng mga nakakabilib na pagganap sa mga proyektong nasasamahan niya. Wala ngang pagdududa sa mga kritiko na isa si Baron sa mga mahuhusay nating aktor sa ngayon.

Kaya nang makausap siya ng PEP pagkatapos ng presscon proper ng Noah, tinanong namin siya kung ano ang sikreto niya't nagagawa niyang makapaglabas pa rin ng magagandang performances sa kabila ng mga personal na problema niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I just don't let it bother me...because I know and I believe na nasa tama ako. Gaya ng parating sinasabi ko nung mangyari ito, hindi siguro ako ibe-bless ni Lord kung masamang tao ako o kung may nilamangan akong tao. So, itong mga nangyayari, hindi ko alam. Siguro gano'n lang talaga ang showbiz. May mga taong...who's there to put you down. But mahal na mahal ko ang trabaho ko, kaya ko pinagbubutihan. At kaya siguro kinukuha 'ko," sagot ni Baron.

Matatandaang noong 2008 ay sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness si Baron ni Patricia Martinez, anak ng showbiz couple na sina Yayo Aguila at William Martinez (CLICK HERE for related story). Noong nakaraang taon naman ay ang aktres na si Yasmien Kurdi ang nagsampa ng parehong kaso at Unjust Vexation case laban kay Baron (CLICK HERE for related story). Ngayong 2010, sa actress-TV host namang si Julia Clarete nagkaroon ng isyu si Baron nang mapabalitang hinipuan diumano niya ito sa isang party (CLICK HERE for related story). Walang kasong isinampa si Julia laban kay Baron, ngunit base sa mga pahayag ng Eat Bulaga! host, hindi na maibabalik ang dating closeness nila na nagsimula noong pareho pa silang talent ng ABS-CBN bilang magkasama sa Star Circle Batch 5 of 1995.

WORKING IN A SET FULL OF LOVE. Sa ngayon, focused sa pagtatrabaho si Baron sa pangangalaga na rin ng bago niyang manager na si Arnold Vegafria. Buong pagmamalaki nga niyang ikinuwento na masarap, so far, ang naging experience niya sa pagtatrabaho sa set ng Noah.

"Sa set po namin, puno ng pag-ibig, puno ng pagmamahal. Mula sa director hanggang sa crew. So, pag nandun kami sa set, kahit na mahirap yung mga eksenang ginagawa namin, kahit na mabibigat, mahal na mahal namin yung ginagawa namin. Parang naglalaro lang kami. We love our job. So we just play. Kaya ayun, ang sarap lang magtrabaho," paglalahad pa ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kuwento nga ng isa sa cast member na si Noni Buencamino (who plays Giddeon, ang leader ng mga Ungtas), hindi biro at talagang hindi kumportable sa katawan ang mga costume at prosthetics na ginamit nila bilang Ungtas. Wala pa nga raw hubaran at halos 24/7 silang naka-makeup at body stockings na hindi lang isang layer. Pag nagkataong mainit pa ang panahon, sobrang pawis daw at hirap silang kumilos dahil sa costume.

Tinanong ng PEP si Baron kung nag-extra effort ba siya sa kanyang mga paggalaw at pag-arte dahil sa prosthetics sa mukha niya.

"Hindi naman. Medyo...first time akong mas may 'beat.' Wherein, taas mo itong kilay na 'to with this line, or mas technical po ang acting ko dito. May puso rin, pero mas technical siya, especially depende sa mga lines na ginagawa mo o lumalabas sa bibig mo. And yung technicality rin sa paggalaw ng katawan, may konting movement sa leeg, naka-slouch parati, minsan nakayuko... So, it's very technical. Ang sarap paglaruan."

Malaking tulong din daw ang pag-workshop sa kanila ni Noni pagdating sa pagiging Ungtas.

"Ang laking tulong ni Tito Noni sa aming lahat na mga Ungtas. Kung hindi dahil sa kanya, hindi kami unified as a community. So dahil sa kanya, iisa lang ang galaw, nag-decide kami for one call ng mga Ungtas, yung 'Ha-haah' [tunog-unggoy na sigaw ang ginawa niya]. So kung masaya kami or in despair, iisa lang yung sigaw na yun na parang hello namin," pahayag ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN