Yayo Aguila admits separation from husband William Martinez

"Di ba, lahat ng paghihiwalay malungkot at masalimuot? Yung sa amin kasi, magkahiwalay kami pero masaya. Hindi yung may away, hindi mabigat. Walang gano'n kasi mutual siya," says Yayo Aguila about her separation from husband William Martinez.


Tinapos na ni Yayo Aguila ang matagal nang usap-usapan tungkol sa hiwalayan nila umano ng asawang si William Martinez. Inamin na ng aktres na isang taon na silang hiwalay ng asawa.

Ginawa ni Yayo ang pag-amin sa "Presscon Express" ng showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi, na pinalabas kahapon, July 11.

Nakangiti si Yayo sa una niyang paglilinaw na hindi naging mabigat ang paghihiwalay nila ni William.

"Actually, parang ang funny lang kasi kung sasabihin ko na feeling ko, walang maniniwala. Di ba, lahat ng paghihiwalay malungkot at masalimuot? Yung sa amin kasi, magkahiwalay kami pero masaya. Hindi yung may away, hindi mabigat. Walang gano'n kasi mutual siya," bungad na paliwanag ni Yayo.

Araw-araw pa rin ba silang nagkikita ni William?

"Araw-araw... Wala namang naiba kundi magkaiba lang kami ng tirahan," sabi ni Yayo.

GROWING APART. Ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan?

"Kasi it came to a point na 25 years na kaming magkasama ni William. Siguro lang... Yun nga yung dini-discuss namin ng mga anak ko. Kasi, di ba, dapat pag mag-asawa kayo naggu-grow kayo together? Tapos naggu-grow rin kayo as individual? Siguro sa amin lang, nagkataon na mas nauna kaming nag-grow together. Pero minsan sa buhay ng tao, kailangan mo ring mag-grow as a person, e. So, yung space, yun ang kailangan. Saka feeling namin, ang dami na naming na-accomplish together. So, time na rin na mag-move on ka kung ano ang gusto mong gawin sa buhay mo at ako rin," paliwanag niya.

Na-fell out of love ba si Yayo?

"You know, I don' want to be a hypocrite and say I did not," sabi niya. "Sa relationship, lalo na sa mahaba, kahit sa maikli, may mga time na naiinis na ayaw mo na, ayaw mo na! Pero–"

Naputol ang susunod na sasabihin ni Yayo dahil sa follow-up question ni Mo Twister—mga ilang taon na nang mag-fall out of love siya kay William?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Many years ago, many times. Pero bumabalik yun," sagot niya.

"Civil" ang description ni Yayo sa samahan nila ngayon ni William.

Paliwanag niya, "Kasi hindi ko maitatago na si William, kahit hindi na kami magkasama, siya ang best friend ko, e. Wala naman kasi akong kaibigan o barkada. Siya lang talaga from the start, barkada kaming mag-asawa. Siya lang yung meron ako."

THE ARRANGEMENTS. Maging ang invited press sa studio ng Paparazzi ay kasama sa tanungan. Nausisa kay Yayo ang paninirahan nito sa isang condo unit at kung paano ang set-up nila sa hiraman sa kanilang mga anak at ang hatian nila ng financial obligation sa kanilang mga anak.

"Ano po, hindi ko na maide-deny yun kasi sa mga interviews naman kay William, sinabi naman niyang magkaiba kami ng tirahan. Kasi meron kaming town house, meron din kaming condo. Pero magkapitbahay kami. Sa isang dahilan na ayaw pa rin naming mawala sa mga bata, ang set-up namin, parang walang naiba. Magkapitbahay lang kami, walking distance. Kung gusto niyang pumunta dito o doon.

"Wala kaming hatian. Ayaw namin kasing magkaroon ng yung bang nag-i-impose sa mga bata. Kasi yung paghihiwalay namin, yung relasyon namin, okey pa rin, buo pa rin. Ang naiba lang, physically hindi na kami magkasama, pero everything remains the same. Yung ginagawa namin araw-araw," mahabang paliwanag niya.

NO NEW LOVE. Wala pa raw sa isip ni Yayo ang magkaroon kaagad ng bagong mangingibig bagamat hiwalay na sila ni William.

"Hindi ko po iniisip yun. Malayo pa yun," sabi niya. "Ayokong isipin na kaya kami maghihiwalay dahil puwede na siyang magka-girlfriend at ako naman magka-boyfriend. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay. Sobrang dami pa."

Ikinagulat ni Yayo ang sumunod na tanong mula sa isang movie scribe. May balita raw kasing nakikipag-date na ito sa ibang lalake.

"Hello! Wala pong gano'n," mariin niyang tanggi. "Yun nga po yung...ayoko nga ng gano'n. Kumbaga, hindi naman... Kaming mga babae, hindi naman porke nakikipaghiwalay ka sa asawa mo, ibig sabihin gusto mo nang magka-boyfriend. Hindi naman gano'n. Hindi ninyo naiintindihan yung pinagdadaanan namin, may proseso yun. Saka, marami akong gustong magawa pa, hindi lang para sa sarili ko, siyempre para rin sa mga anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa rin daw sa isip ni Yayo ang ipa-annul ang kanilang kasal ni William.

Nagbiro naman si Dolly Ann Carvajal na wala raw siyang planong balikan si William. Matatandaang naging karelasyon din noon ni Dolly si William.

"Kung meron mang gugustuhin ko, ikaw na yun!" bulalas na sagot ni Yayo kay Dolly. "At least, kaibigan kita. Hahaha!"

Pero dugtong niya, "Iki-clear ko, hindi yung gano'n at saka may nagtanong sa akin na si William din daw gano'n. Nakikita kasi siyang nakikipag-date. Okey lang yun sa akin kung gano'n kasi gusto kong maging maligaya siya. Pero I don't think he's ready for that."

WILLIAM'S HABITS. Base sa pagkakaalam ni Yayo, wala raw ibang babae si William. Tinanong kasi ni Cristy Fermin kung paano niya nati-take ang asawa niya gayong may iba itong mga babae.

"Ay, hindi naman nangyari noon, e. Eto na lang," mabilis niyang sabi.

Pero sigurado ba siya rito?

"Oo naman! Oo naman!" punung-puno ng kumpiyansang sambit ni Yayo.

Muli ring naungkat ang matagal nang isyu tungkol sa pagkakaroon ng financial problem nina Yayo at William nang magtanong ang isa pang invited movie scribe. Kasabay nito ang pagkakahuli umano ni Yayo sa pambababae ng mister nang ilang beses.

"Hindi po. Sa isang marriage, hindi naman nawawala yung problema, may emotional, may financial, normal yun. Pero hindi yun ang dahilan, hindi rin babae. Hindi sa ipinagtatanggol ko si William, pero mabait siya talaga. Walang babae, hindi 'yan babaero. Na-branded lang siyang gano'n," sabi ni Yayo.

Ang pagiging alcoholic umano ni William ang tanong ni Ruffa Gutierrez kay Yayo. Isa ba ito sa rason ng hiwalayan nila ng aktor? Madalas raw kasi itong tumatambay sa Guilly's at walang gabi na hindi ito nakababad sa nasabing disco-bar.

"Alam mo yung paglabas-labas ni William, hindi naman namin itinatanggi. Sa akin, okey lang yun. Okey lang yun ever since. May buhay rin naman siya. Kahit no'ng kami pa, lumalabas pa rin naman siya. Kasi nga, gusto ko siyang mag-grow. Siguro napapansin lang ng tao na parang nao-over kasi nga, gabi-gabi nandoon siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kahit umuwi siya nang lasing?

"Okey lang. Okey lang naman sa akin," sagot ni Yayo. "Kasi nga, matatanda na tayo. Basta ang importante, gumising ka sa umaga at gawin mo pa rin yung responsibilidad para sa buong araw regardless kung puyat ka. Pero gumigising naman siya, e."

Nabanggit bigla ni Dolly Ann ang yumaong dating child star na si Strawberry, na naging karelasyon umano ni William. Hindi naman ito itinanggi ni Yayo, pero matagal na raw 'yon.

Binanggit naman ni Cristy ang pangalan ni Ara Mina na ikinagulat ni Yayo kasunod ng dialogue nitong: "Tita Cristy, ang dami mo namang alam!"

Ayon kay Cristy, nakitang nasa loob ng isang sasakyan sina Ara at William. Wala raw sekswal na ginagawa ang dalawa, pero sigurado si Cristy na may ginagawa raw ang mga ito.

"Matagal na 'yan, Tita Cristy!" bulalas ni Yayo.


THE CHILDREN. Naging prayoridad daw ni Yayo ang kanyang mga anak na sabihan at kausapin tungkol sa kanyang desisyon na makipaghiwalay bago niya kinausap si William.

"Honestly po, bago ko kinonsulta si William, ang una ko munang kinonsulta ay ang tatlo kong mga anak na babae. Ang katuwiran ko naman, kami ni William, magkakaintindihan kami regardless kung ano ang pag-uusapan namin. Gano'n na talaga, e, gano'n na talaga. Kami ang mas nakakaintindi, dapat mature mo nang titingnan ang lahat ng bagay. Ang importante sa akin, kung ano ang sasabihin ng mga bata. So, sila talaga yung kinausap ko muna. Kasi siyempre, alam kong sila yung unang maa-affect di ba?

"So, nagpapasalamat lang talaga ako na kung meron man kaming isang na-accomplish sa buhay naming mag-asawa, nakapagpalaki kami ng mabait, maintindihin, at matitinong bata. Na kahit anong pinagdaanan namin ni William 'etong taon na ito at yung mga nakaraang mga taon, talagang tinanggap nila nang maluwag sa puso. It's because habang tumatanda kami ni William at araw-araw ng buhay namin, kasali at kadamay talaga namin yung mga bata. So, hindi naman ninyong puwedeng itatago yung mga problema, e," pahayag ni Yayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN