Klaudia Koronel is not yet giving up on her marriage

"Gusto kong magkaanak agad. Pero busy siya sa work. Hindi naman puwedeng puro pera lang sa buhay. Kaya ka nga nag-asawa para magkaroon ka ng pamilya. Para magkaroon ka ng anak. Pero kung palagi namang magkalayo kayo sa ibang bansa, paano kayo magkakaanak?" says Klaudia Koronel about her desire to have a baby. (Inset photo shows Klaudia with husband Andy Zhang at their wedding last year.)


Last year ay nasaksihan ng mga tao ang magarbong kasal ng dating sexy star na si Klaudia Koronel sa longtime boyfriend nitong Chinese-American businessman na si Andy Zhang. Nasusubaybayan din sa Facebook account ni Klaudia ang buhay niya pagkatapos niyang ikasal sa pamamagitan ng pagpu-post niya ng pictures ng bahay nila sa U.S. at maging trips nila abroad.

Pero recently ay bumalik ng Pilipinas si Klaudia. Kasabay nito ang pagkalat ng balitang hiwalay na raw ito sa asawa o may problema sa kanilang pagsasama. Ito ay sa kabila ng mga karangyaan na tinatamasa niya sa U.S.

Sa taped interview ng Showbiz Central kay Klaudia last Sunday, July 11, ay isiniwalat nito ang kanyang tunay na damdamin tungkol sa pamumuhay niya sa U.S.

"May mga bagay na hindi mo talaga maintindihan dahil nga magkaiba yung culture ng Filipina at tapos, iba sa U.S., tapos Chinese pa siya [Andy]. Siguro hindi lang kami ready... Siguro nasanay siya na single before. Parang gusto niya puro sarili lang ang iniintindi.

"Katulad ng gusto kong magkaanak agad. Pero busy siya sa work. Hindi naman puwedeng puro pera lang sa buhay. Kaya ka nga nag-asawa para magkaroon ka ng pamilya. Para magkaroon ka ng anak. Pero kung palagi namang magkalayo kayo sa ibang bansa, paano kayo magkakaanak?" saad ni Klaudia.

Napakalaki ng bahay na binili ng asawa ni Klaudia para sa kanya bukod pa sa mga mamahaling sasakyan. Pero ayon kay Klaudia, "Aanhin mo ang magarang bahay, magarang kotse kung wala ka namang katabi, di ba? Sabi ko, mas mabuti na sa Pilipinas, may pamilya ako rito. Minsan nabigla rin ako na ganito pala sa Amerika. Simple lang ang mga pananaw ko sa buhay.

"Pero iba pala sa Amerika, e. Tapos, wala kang kakampi ro'n, wala kang pamilya, di ba? Kaya sabi ko, pahinga muna," medyo naiiyak nang sabi nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT SEPARATED. Sa kabila nito, nilinaw ni Klaudia na hindi totoong kaya siya nandito sa Pilipinas ngayon ay para ayusin ang hiwalayan nilang mag-asawa.

"Hindi totoo. Kasi, hiwalay...ibang bansa. Pero noon pa naman, bago kami ikasal, usapan na namin yun. Kailangan ko talagang umuwi dahil nandito ang parents ko," paliwanag niya.

Pero ayon kay Klaudia, "Meron akong time na nag-regret ako ng konti. Na parang sayang naman yung singleness na ibinigay. Na-realize ko na ito na, pinasok ko 'to, panindigan ko, di ba?

"At saka, mahal ko naman ang tao, unawain ko ang pagkukulang niya. Hindi ko naman sinasabi na perfect ang marriage namin, pero kapag love n'yo naman ang isa't isa, maayos naman."

Dagdag pa niya, dahil malayo siya sa pamilya at mga kaibigan, nahihirapan siya kapag kailangan niya ng matatakbuhan.

"Kung kunwari, hihingi ako ng advice, siyempre sasabihin sa akin, 'Unawain mo, kasi asawa mo 'yan.' Yun lang, tapos tina-try ko na lang na lahat ng bagay ay masosolusyunan."

Definitely, nakahanda raw siyang ipaglaban ang marriage nila.

"Hindi porke't nandito ako, naggi-give up na ako sa marriage ko," paglilinaw ni Klaudia. "Hindi...nagpahinga lang ako ng konti. Sabi niya, 'Pagbalik mo, sige, gagawin natin yung...magka-baby na nga.'

"Kailangan mo pa rin magpasakop. Kailangan mo pa rin tanggapin. Siguro unti-unti, yun nga, sabi nga nila, maaga pa para mag-give up. Maliit na bagay lang yun. At dahil nga siguro sa mga konting problema, nagiging strong yung relationship namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN