Jhake Vargas gets his wishes on his 18th birthday

"Hindi ko po akalain na matutupad lahat ng mga gusto kong mangyari para sa career ko at sa pamilya ko. Lahat po ng mga nangyayari ngayon, ipinagdasal ko. Sa bawat trabaho na gawin ko, nagtatabi ako para sa mga gusto ko at meron din para sa pamilya ko. Kaya bago nga ako nag-birthday, isa-isang natupad lahat kaya ang saya-saya ko po," says Jhake Vargas who celebrated his 18th birthday last July 9.


Naging masaya ang Kapuso teen actor na si Jhake Vargas nang mag-celebrate siya ng kanyang 18th birthday noong July 9. Nataon pa kasi na story conference 'yon ng bagong GMA-7 telefantasya na Romana Santa na pinagbibidahan nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

Kasama si Jhake sa cast kaya magandang birthday present daw sa kanya 'yon. Bukod sa panibagong project ay nabili na rin ng teen actor ang pinapangarap niyang sasakyan at napagawa na rin niya ang kanilang bahay sa Olongapo City.

Kuwento ni Jhake sa PEP (Philippine Entertainment Portal), katas ng mga inipon niya mula sa show na First Time at iba pang trabaho niya ang ipinambili niya ng sasakyan at pagpapagawa ng bahay nila.

"Nagpapasalamat ako kay God sa mga blessings na dumating sa akin," sambit ng young actor. "Hindi ko po akalain na matutupad lahat ng mga gusto kong mangyari para sa career ko at sa pamilya ko. Lahat po ng mga nangyayari ngayon, ipinagdasal ko. Sa bawat trabaho na gawin ko, nagtatabi ako para sa mga gusto ko at meron din para sa pamilya ko. Kaya bago nga ako nag-birthday, isa-isang natupad lahat kaya ang saya-saya ko po."

HIS AILING MOTHER. Kasama sa mga dasal ni Jhake ay ang gumaling na ang kanyang ina na matagal nang nakikipaglaban sa sakit na colon cancer. Ngayon ay malakas na raw ang kanyang ina at natapos nito ang kinakailangan na chemotherapy. Pati ang mga gamot na kailangan ng kanyang ina ay kumpletong naiinom na nito.

"Kasama ang nanay ko sa mga dasal ko na gumaling na siya. Kaya nga po tayo nagtatrabaho hindi lang para sa akin kundi para sa nanay ko na matagal nang tinitiis ang sakit niya. Kaya minsan nga po, inuuna ko talaga siya. Mahal po ang mga gamot niya, lalo na ang chemotherapy. Nagpapasalamat ako at may mga taong tumulong sa akin para sa mga kailangan ng nanay ko. Nakagaan po sa akin 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon ay nakikita kong malakas na si Nanay. Naiiyak po ako kasi akala ko hindi na siya gagaling. Pero sa tulong ng Diyos at ng mga taong mababait, nandito pa ang nanay ko. Mahal na mahal ko po siya at lahat gagawin ko para lang gumaling siya," maluha-luhang saad ni Jake.

KUYA GERMS. Isa rin sa mga pinasasalamatan ni Jhake ay ang tumatayo niyang manager na si German "Kuya Germs" Moreno dahil ito ang nagbigay daan para mabigyan siya ng magandang career sa showbiz. Hindi lang daw manager ang turing niya kay Kuya Germs kundi isa na siyang importanteng miyembro ng kanilang pamilya.

"Alam naman po ni Tatay German ang malaking utang na loob ko sa kanya," sabi ni Jhake. "Kung hindi dahil sa paniniwala niya sa akin, hindi ako magkakaroon ng pag-asa. Mahirap pumasok sa showbiz, pero nagawa niyang tulungan ako sa higit na makakaya niya.

"Kaya lahat ng sabihin siya sa akin, lahat ng pangaral ay nakikinig ako. Itinuturing ko na siyang pangalawang ama. Ayoko siyang ma-disappoint sa akin kaya tuwing may mga bago akong projects, ipinapakita ko ang pagsisikap ko. Kahit doon lang ay maipadama ko ang pasasalamat ko sa mga nagawa na niya sa akin at sa pamilya ko."

BARBIE & JOSHUA. Nahiwalay si Jhake sa co-stars niya sa First Time na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio. Pero nananatili naman daw ang pagkakaibigan nila kahit na hindi na sila magkakasama.

Kuwento niya, "Nagkikita naman kami nila Barbie at Joshua sa Party Pilipinas at paminsan-minsan sa ibang shows ng GMA-7. Kelan lang nag-guest sila sa Walang Tulugan para mag-promote ng Pilyang Kerubin.

"Hindi naman mawawala ang friendship naming tatlo. Ilang shows na ang pinagsamahan namin tulad ng Stairway To Heaven, Dear Friend, tapos yung First Time. Hindi ko rin alam na mahihiwalay ako sa kanila.

"Sa Romana Santa kasi, si Bea Binene ang ka-love team ko. Binigyan na nila ako ng sarili kong partner at hindi na raw ako pang-love triangle. Okey naman kami ni Bea kasi naging close din kami during First Time. Pero alam ko naman na magkakasama-sama ulit kami nina Barbie at Joshua. Ngayon ay may kanya-kanya na kaming projects. Masaya naman kami para sa isa't isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO GIRLFRIEND YET. Nang tanungin naman namin si Jhake tungkol sa pagkakaroon ng girlfriend, wala pa raw ito sa isipan niya. Pinagsabihan daw siya ni Kuya Germs na mag-focus muna sa trabaho, pero hindi naman daw siya pinagbabawalan na magkaroon ng mga kaibigang babae.

"Hanggang friends lang daw muna," ngiti ni Jhake. "Trabaho muna tayo kasi marami pa tayong mga gustong matupad na pangarap. Makakapaghinatay naman daw ang magkaroon ng girlfriend, e. Kinabukasan ko raw muna ang unahin ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN