Edgar Allan Guzman portrays his first daring role in Magdamag

"Siyempre, kumbaga, first at saka lead role. Tapos daring pa, may love scene. Lahat naman yun, kumbaga, nagtiwala naman kami kay Direk Joven. Noong sinu-shoot yun, nararamdaman mo na happy at proud para sa sarili ko. Kumbaga, nagawa ko yung movie na yun at yung role," says Edgar Allan Guzman about his daring role in Magdamag.


Kabadong-kabado si Edgar Allan Guzman nang mag-gala premiere ang kanyang first lead role sa isang indie film, ang Magdamag, sa CCP Little Theater kagabi, July 13. Entry sa NETPAC category ng isinasagawang Cinemalaya Independent Film Festival ang nasabing pelikula kung saan katambal ni Edgar ang aktres na si Rita Avila.

Ang Magdamag ay mula sa panulat ng Palanca winner na si Jerry Gracio at mula sa direksiyon ni Joven Tan. Ang kabuuan ng pelikula ay kinunan sa Boracay at nangyari ang kuwento sa isang buong magdamag.

FIRST DARING ROLE. Pagkatapos ng screening ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Edgar. Ayon sa kanya, first time niyang sumubok na gumawa ng isang daring role sa pelikula.

"Kinakabahan pa rin ng konti," nakangiti niyang sagot nang tanungin namin kung kinakabahan pa rin siya. "Siyempre, kumbaga, first at saka lead role. Tapos daring pa, may love scene. Lahat naman yun, kumbaga, nagtiwala naman kami kay Direk Joven. Noong sinu-shoot yun, nararamdaman mo na happy at proud para sa sarili ko. Kumbaga, nagawa ko yung movie na yun at yung role.

"At least, mula umpisa hanggang huli, nandoon pa rin. Hindi nawala. Kumbaga, nag-iba-iba siya. Proud ako sa sarili ko kasi, yun nga, mahirap... Kung ibang artista 'yan, mahihirapan din siguro."

Na-meet naman daw ang expectations niya nang mapanood niya ang kabuuan ng pelikula.

"Wala namang nabago, e," sabi ng young actor. "Pero yung emotion, hindi namin binitawan. Kahit na nagse-setup nang matagal, nandoon pa rin. Lalo na ang kasama ko, si Ms. Rita Avila, siyempre, na-challenge ako noong una na siya ang kasama ko. Kailangan magaling. Kailangan marunong kang umiyak. Kailangan ang emosyon mo, kung ang emosyon niya mataas, kailangan mas higitan mo pa. Hindi puwedeng magpapakain ka, e. So, yun."

When he first learned from his manager, Noel Ferrer, that he will be doing a new movie, ang buong-akala raw niya ay sequel ng Astig ang gagawin niya. Pero nang mabasa raw niya ang script, it's a totally different movie pala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento niya,"Akala ko parang drama, tungkol sa anak. So, noong nabasa ko, parang, 'Bakit ganito ang istorya?' Nagulat ako. Tawag ako kay Sir Noel, 'Boss, kaya ko ba 'to?' Siguro mga three days before the shoot ko nabasa ang script or two days lang. So, siyempre ako, napa-oo na ako, kailangan kong gawin. Napag-usapan din naman ang mga eksenang hindi ko kayang gawin. So, kung ano lang ang napanood n'yo, yun lang ang mga kaya ko as of now."

May mga eksena sa pelikula na naka-brief lang si Edgar. Pero nangingiti niyang sinabi na hanggang doon lang muna ang kaya niyang gawin sa ngayon.

"Pero yun nga po, palagi ko namang sinasabi na hanggang dito muna. Mapaghahandaan pa naman ang iba. Siguro as of now, mapaghahandaan naman ang iba. Balak ko, gusto ko sanang mangyari, next year sa Cinemalaya, mag-entry kami na ang role ko naman, bakla. Comedy-drama," saad niya.

Natsa-challenge siya sa ganoong role?

"Oo, e, gusto ko," sabi ni Edgar. "Wala pang nagbibigay sa akin. Wala pang nag-o-offer sa akin ng role na bakla. So, gusto ko lang ipakita kung anuman yung meron pa akong ibubuga."

Natawa naman kami sa sagot ni Edgar nang tanungin namin siya kung ano ang mga naging preparation niya for his role in Magdamag.

"Sobra! Hindi ako natulog!" bulalas niya. "Nag-meet kami ni Ms. Rita Avila before the shoot. Tapos, may call time kami kinabukasan, 3 a.m. Tapos nakauwi na ako ng meeting namin before 10, nag-ayos lang ako ng gamit, hindi na ako natulog. Inaral ko ang script, kinabisado ko kasi wala nang pumapasok sa utak ko na mga words."

Umaasa ba siya na makakakuha sila ng award sa closing ceremony ng Cinemalaya on Sunday night?

"Siyempre as an artist, hindi ka mag-e-expect. Kapag nag-expect ka, masakit, e. Sana, hopefully, manalo. Kahit anong category na award, manalo. Kahit isa or dalawa kami. Pero sa akin naman, kung magugustuhan nila at sa tingin nila, deserving ako, yun naman, matutuwa naman siguro ang tao. But as of now, hindi ako nag-e-expect. Mahirap, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVE SCENES WITH RITA. Kina Edgar at Rita lang umiikot ang kuwento ng Magdamag. Marami silang palitan ng dialogues na ang maganda, kahit sex-drama ang tema ng movie, nagagawang pasukan ito ng humor.

"Wala...walang adlib," sambit ng batang aktor. "Talagang yun na ang script. Kasi si Direk Joven, ayaw niya ng adlib. Gusto niya kung ano ang nasa istorya, kung ano ang nasa script, yun na ang sasabihin at gagawin namin."

Before the screening, nabanggit ni Rita na nakatulong daw sa character na ginampanan nila ni Edgar na hindi sila magkakila before the shoot.

Hindi ba siya nailang na si Rita ang kaeksena niya, especially sa mga love scenes nila?

"Nailang, pero sobrang bait," sagot niya. "Sobrang maalalay. Sobrang... Actually, siya pa nga lang ang nakasama kong artista na sinabihan ako ng, 'Uy, ang galing mo sa ganito. Maganda ang pagkakagawa mo ng ganito.' So, yung supporta nandoon siya. "

Tungkol naman sa kanyang direktor, ito ang pahayag ni Edgar: "Sabi niya, 'Magtiwala ka lang sa mga eksenang alam mong hindi mo kaya.' So, nagtiwala naman ako."

Kuwento ng one-night stand relationship ang Magdamag. Fifteen years ang age gap nila rito ni Rita. In real life ba ay nakaranas na siya ng ganung klaseng relasyon?

"Ay, wala, wala namang ganoon. Sa matanda, wala po," sagot ni Edgar.

Sa bata, meron?

"Ay, wala! Yung ganoong gimmick? Parang mahirap nga ang role. Parang hindi ko pa nae-experience. Hindi ko pa naano. Parang nakita ko, okey naman."

Nakikita ba niya na puwede rin siyang ma-in love sa isang babaeng malaki ang agwat ng edad sa kanya?

"Hindi natin masasabi, pero puwede...puwede siguro. Pero wala pa, wala pa po akong experience na ganoon!" natatawang sagot ng 20-year-old actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN