Jake Cuenca on his first indie film: "I did this for my craft."

"Kung talagang destiny ko ang magka-award, maraming salamat. Isa sa mga pangarap ko yun. Pero hindi ako umaarte para sa award kundi para sa puso ko," says Jake Cuenca.


Kung dati ay puro mainstream movies ang ginagawa ni Jake Cuenca, ngayon ay sumabak na rin siya sa paggawa ng indie films through HIV (si Heidi, si Ivy at si Vi). Isa itong pelikula na tumatalakay sa hirap at bagsik na dulot ng sakit na AIDS. Ito rin ang kauna-unahang indie film na gagawin ni Jake sa labas ng Star Cinema.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jake sa shooting ng HIV last Friday, July 9, tinanong namin siya kung bakit niya tinanggap ang nasabing pelikula gayong bukod sa mababa ang talent fee sa indie films ay hindi pa rin ito gaanong sinusuporatahan ng publiko.

"In fairness sa producers ng HIV, sila Ms. Isabel Lopez, kay Tita Donna, kay Direk Buboy Tan, lahat sila very professional," simula ni Jake. "Itong shoot na ito, as much as possible, ginawa nilang kumportbale para sa lahat, hindi lang sa akin. Itong proyektong ito, hindi ko tinanggap dahil sa pera, hindi ko ito tinanggap for financial reason. Tinanggap ko ito dahil nasa puso ko ang script. Matagal ko nang gustong makatrabaho si Direk Buboy Tan at napakaganda ng material na ibinigay nila sa akin.

"Dun sa sinasabi nilang hindi masyadong pinapanood ang indie films," patuloy niya, "I did this for my craft. Ang proyketong ito ay tinanggap ko dahil sa artistry ko. Nasa puso ko ang script. Aktor ako. Kung kaunti man ang manood nito, kahit paano na-satisfy ko ang sarili ko artistically. Nagawa ko ang dapat kong gawin sa trabaho ko at talagang nasa puso ko ang trabahong ito."

Karamihan sa mga artistang nananalo ng acting awards nitong mga nakaraan ay halos indie films ang nilabasang pelikula. Hindi kaya ito ang nag-udyok kay Jake para gawin ang HIV?

"Hindi ako umaasa para sa award," sagot ng young actor. "Ang sa akin lang, kung magustuhan ang performance ko, e, di maganda, di ba? Basta ang sa akin lang, sa lahat ng manonood nito, siyempre gusto ko lang maging entertaining, gusto ko mag-enjoy sila habang pinapanood nila ito. Kung talagang destiny ko ang magka-award, maraming salamat. Isa sa mga pangarap ko yun. Pero hindi ako umaarte para sa award kundi para sa puso ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIV. Ibinahagi naman ni Jake sa PEP kung ano ang nararamdaman niya sa paggawa ng HIV.

"Sa istorya pa lang nito, apektado na ako sa script," sabi niya. "Malaman mo pa lang na may HIV ka, sobrang masakit na. Alam mo na may taning ang buhay mo at alam mong mahihirapan kang talaga. Kaya nga ako, sobrang nirerespeto at tinitingala ko ang mga taong may HIV na talagang namumuhay nang normal.

"Ang hirap tumawa sa set na ito. Masaya ka dahil mababait ang mga tao. First indie film ko ito. Pag nababasa ko ang script, ang bigat, ang hirap tumawa kasi nararamdaman mo yung feeling nung character."

Ayon kay Jake, kung saka-sakaling magkaroon daw siya ng ganitong klaseng sakit sa tunay na buhay ay hindi niya ito itatago sa publiko.

"Siyempre, responsiblidad ko yun. Reaksiyon ko siguro mababasag ang pagkatao ko, pero hindi pa rin dahilan yun para hindi mabuhay. Ako, aaminin ko sa mga taong mahal ko, sa mga nakasama ko, kasi that's the responsible way to deal with it," saad niya.

BENCH FINALE. Si Jake ang naging finale sa nakaraang denim and underwear fashion show ng Bench, ang Uncut. Marami ang natuwa at sumang-ayon, pero marami rin ang nagtaas ng kilay at kumuwestiyon kung bakit sa dinami-dami raw ng endorsers ng Bench ay si Jake ang napili.

Ano ang reaksiyon dito ni Jake?

"Desisyon 'yan ng Bench," sabi niya. "Ilang taon kong ginawa yung show, ilang taon kong nakikita ang finale. Maybe for this year, naging deserving ako to do the finale kasi nagkaroon ako ng controversial billboards, marami akong nagawang underwear ads. Feeling ko, baka yun ang dahilan kung bakit ako ang napili to do the finale. Choice ng Bench yun. Ang sa akin lang, ibinigay sa akin yung finale, alangan namang tanggihan ko yun? Gusto ko lang naman gawin ang best ko, yun ang nasa isip ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagpapakita niya ng kanyang puwet sa Uncut, inamin naman ni Jake na gimik niya ito para maging kakaiba ang ginawa niya sa mga nauna niyang pagrampa sa Bench fashion shows.

"Wala, wala akong ginawa, pinikit ko na lang ang mata ko!" natatawa niyang sabi. "Sabi ko sa sarili ko, 'Gagawin ko na lang ito.' Siyempre may makeup 'yon, kasi lahat naman mine-makeup-an. But more more or less, wala siyang pagkakaiba.

MELISSA RICKS. Nabalita noon na nag-break na sina Jake at Melissa Ricks, pero nagkabalikan daw silang muli pagkatapos "bastedin" ng young actress si Jolo Revilla. "Back in each other's arms" nga raw ang drama ngayon ng relasyon nina Jake at Melissa.

Ano ang masasabi niya rito?

"Ang sa akin lang, hindi pa namin inaamin na kami," pagpapaalala ni Jake. "Basta kami ni Melissa, magkaibigan kami. Maayos kami, masaya kami. Yung sa kanila ni Jolo, ayokong mag-comment. Kung ano ang mayroon sila, sa kanila yun. Ang sa akin naman, masaya ako para sa kanila coz ginagawa nila ang Noah. So, congrats sa kanilang dalawa. Sana maging maayos ang trabaho nila.

Pero dagdag niya, "Inaamin ko naman na pagdating kay Jolo, hindi ako magsisinungaling. May kurot. Lahat naman ng tao nagseselos paminsan-minsan. Pero gaya nga ng sinasabi ko paulit-ulit, wala akong karapatang magselos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN