Sarah Geronimo admits painful experience but refuses to elaborate

"Dumating po sa pagkakataon na nasaktan, pero wala...okey na. Lahat naman po tayo nasasaktan. Ngayon lang po ako umamin na nasaktan ako. Kumbaga, yung kay ate Juday, natutunan ko na rin po na sabihin ang nasa loob ng puso ko. Hindi puro opo, opo," says Sarah Geronimo.


Hindi maiiwasan na kapag gumawa ng isang pelikula ang mga artista, lalo pa nga't ang tema nito ay katulad ng sa Hating Magkapatid na tungkol sa magkapatid, ay maging simula ito ng pagiging malapit ng mga artista. At ito nga ang nangyari sa mga bida ng pelikula na sina Sarah Geronimo at Judy Ann Santos.

Sabi nga ni Sarah, "Napakasaya ko po na nakasama ko si Ate Juday. Kahit bago pa po mag-umpisa ang pelikula, dahil nga po nakakasama ko na rin si Ate Juday sa ilang okasyon, talagang makikita n'yo na po ang pagkakaiba ni Ate Juday sa ibang artista.

"Makikita mo na yung siya yung isa sa pinakamababait at sincere na artistang nakilala ko. And every shooting day talaga, nilu-look forward ko dahil yun ang time na nakakapag-bond kami, nakakausap ko, nahihingan ko ng advice. So very blessed ako na dumating ang project na ito with Ate Juday."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sina Sarah at Juday sa grand presscon ng Hating Magkapatid kahapon, July 15, sa Citybest restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

ON LOVE & RELATIONSHIP. Hindi naman itinanggi, kahit ni Juday, na ilan sa mga napag-uusapan nila ay tungkol sa pag-ibig. Nabibigyan din daw niya ng advice si Sarah pagdating sa bagay na ito. Isa nga sa advice ni Juday kay Sarah sa mga heartbreak na nararanasan o mararanasan nito ay "pagkakitaan" na lang niya dahil marami pang darating sa kanyang ganoong sitwasyon. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi naman ni Sarah, "Nai-ease talaga ang pain mo every time na merong isang tao na mararamdaman mo talaga ang sincerity kapag nagbibigay ng advice. Napakaimportante lang yun sa nakakausap na tao dahil, yun nga, nahihingan ng advice. Hopefully, ma-apply ko yun sa sarili ko habang tumatanda ako sa business na ito. Para hindi naman nasasayang ang mga pag-a-advice sa akin ni Ate Juday. Isang ano si Ate, role model."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Sarah na rin mismo nanggaling na si Juday ang nakakapag-ease ng pain niya Is she in pain right now at ano-ano ang mga pain na yun na kay Juday niya nasasabi?

"Dumating po sa pagkakataon na nasaktan, pero wala...okey na," pag-amin naman ni Sarah. "Lahat naman po tayo nasasaktan. Ngayon lang po ako umamin na nasaktan ako. Kumbaga, yung kay Ate Juday, natutunan ko na rin po na sabihin ang nasa loob ng puso ko. Hindi puro opo, opo. Yun po."

Itinanggi naman ni Sarah ang tungkol sa balitang the last time na nag-guest siya sa Sharon ay nakita raw siyang umiiyak habang kausap ang Megastar na si Sharon Cuneta.

"Wala...wala po. Ang saya-saya po namin noong nag-taping kami. Nandoon lang kami sa stage, tinapos namin yung taping. Walang time na makapag-usap po kami ni Ms. Sharon. Wala, walang iyak-iyak!" natatawa niyang sabi.

Nakuha pa nitong magbiro when asked kung wala ba siyang iniyakang "boylet." Hirit ni Sarah, "Piglet meron!"

Aminado naman si Sarah sa ugali niyang kapag may dinaramdam siya, sinasarili lang niya yun most of the time. So, we asked her kung kailan niya nasi-share sa iba ang problema niya?

"Kay Ate Juday po," sagot niya. "Kasi, ngayon lang din naman po ako nakakita ng katrabaho na, alam mo yun, hindi lang katrabaho, kaibigan din po."

Diniretso na namin si Sarah sa pain na sinasabi niya, may hinala kami na lovelife ang tinutukoy niya at ito ay may kinalaman sa young actor na si Rayver Cruz. Tama ba?

"Kailangan ko po bang sagutin 'yan?" nakangiting sabi naman ni Sarah. Pero dagdag niya, "Sa amin na lang po yun ni Ate Juday."

First pain ba niya itong naramdaman?

"Sabi ko nga po, bago pa ako mag-artista, nasaktan na ako. Lahat naman ng tao nasasaktan. Pero noong nakilala ko si Ate Juday, pina-realize niya sa akin na wala namang masama na mag-share. Ako, kinikimkim ko rin yun. Wala rin naman akong masyadong taong nakakausap kasi bahay-trabaho, bahay-trabaho, ganyan lang din naman ako. Hindi ko naman nakakasama rin ang mga kaibigan ko noon. Ang mga kapatid ko, busy rin sa schools, di ba? Ang hirap din, e. So, yun...yun lang. Tama na yun," iwas na ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-move on na ba siya from the pain o nasa process of healing pa rin siya?

"Kasi kapag naaalala mo rin ang isang bagay, siyempre palaging babalik din ang pain. Pero tapos na yun, wala na yun," ulit niya.

FIGHTER. Marami naman ang napapalakpak nang sabihin niyang she's "a fighter" now, unlike before na opo lang siya nang opo.

"Opo, mahirap din po yun. Hindi mo nasasabi kung ano ang nasa loob mo talaga," sabi ni Sarah. "Siyempre, hindi rin naman po lahat sasabihin ko sa inyo... Ano po kasi, kapag po kasi sobrang bait ng isang tao, may limitasyon kasi lahat po. Hindi ko rin naman akalain na darating ako sa punto na masasabi ko sa inyo ang nararamdaman ko. Nagulat din naman ako. Pero hanggang... Pagpasensiyahan n'yo rin po kung naging vocal man ako. Alam ko na nag-create yun ng isyu."

Alam sa showbiz na may pagka-protective talaga ang mga magulang ni Sarah. Yung na-open niya kay Juday, nasabi rin ba niya ang mga ito sa parents niya at ano naman ang naging reaction ng mga ito sa kanya?

"Alam n'yo kasi, sila Mama at sila Daddy, pagbaba ko pa lang galing ng kuwarto, makita lang nila ako, alam na nila, e. Alam nila," sabi ni Sarah.

Welcome pa rin ba siyang magpaligaw ngayon?

"Kapag ready na po ako. Kapag ready na ulit ang lahat," sagot ng Pop Princess. "Naiisip ko naman po, ang taong babae, kaya nagbo-boyfriend 'yan... Ewan ko, baka opinion ko lang. Kaya 'yan nagbo-boyfriend kasi ready nang mag-asawa. Hintayin natin ang point sa buhay ko na magpapaligaw ako or magbo-boyfriend ako kapag ready na ako."

So, wala muna?

"Wala namang nanliligaw," sabi niya.

May lalake ba na kahit paano ay pinanghinayangan niya dahil hindi nanligaw sa kanya?

"Wala... wala po. Wala naman," sagot ni Sarah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, yung lalake na pinanghinayangan niya dahil hindi na siya nahintay?

"Tama na...tama na," iwas ni Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN