Future chef Zoren Legaspi gets to host his own cooking show

"Sa ngayon, wala kaming plano kasi super happy kami doon sa dalawa. At saka alam mo, ang hirap magpalaki ng bata, e. Aabangan mo siya hanggang mag-college. Mahirap nang magkamali. Siyempre kung mas marami kang anak, mas marami kang babantayan. Sa ngayon, okay na kami sa dalawa. Pinaliligaya naman kami nilang dalawa," says Zoren Legaspi about not planning for another child.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Zoren Legaspi noong Linggo, July 11, sa taping ng Kitchen Battles (aired over QTV 11 every Sunday at 7:45 p.m.), ipinahayag ng former matinee idol na kumukuha rin siya ng lessons sa Center for Culinary Arts (CCA).

Basic cooking lessons pa lang ang kinukuha ni Zoren for the meantime dahil he wants to take it step by step. Matagal na raw niyang gustong magluto. Three weeks na raw siyang nag-aaral sa CCA sa may Katipunan Avenue, Quezon City.

CHEF AT HEART. Nagkataon lang daw na inalok siya ng Q Channel 11 para maging host ng Kitchen Battles, pero binata pa raw siya hilig na niya ang magluto.

"Ang paniwala ko kasi, pag marunong magluto ang isang lalake, madali itong mapapalapit sa mga girls," banggit ni Zoren. "Puwede mong sabihin sa girl na, 'Punta ka sa bahay, ipagluluto kita.' Napapahanga mo ang mga girls. Pero ang nangyari, noong teenager ako, gumagawa ako ng mga movies kaya hindi ako nagkaroon ng time na mag-aral magluto talaga. At saka that time, hindi ko rin alam kung saan ako mag-aaral ng cooking."

Kahit noong nagkaasawa na siya at nagkaanak, hindi pa rin daw nalilimutan ni Zoren ang kagustuhan niya na matuto ng pagluluto. Sinubukan lang niyang magluto by doing simple dishes like paprito-prito lang. At saka gusto niya na very clean yung mga pagkain na ipinapaluto niya para sa mga anak niya.

"Alam mo naman ang mga yaya, pinapag-swimming sa oil ang mga ulam. Tapos yung oil, tatlong taon na yatang ginagamit, pero hindi pinapalitan. Bakit di pinapalitan, e, kung magkasakit kami? Then, dumating yung offer to do the show. Siguro ito na talaga ang eye-opener para pag-isipan ko seriously ang pagluluto.

"Saka mapapansin ninyo," patuloy ni Zoren, "with the people na kasama ko sa show like Chef Sau, ang style ng judging is that of a regular guy, regular na panlasa. Pero darating ka rin sa point na gusto mo na rin na may matutunan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw nagluluto ang kanyang partner na si Carmina Villarroel, pero mahilig daw itong pumunta sa palengke.

"Kaya magko-complement kami sa isa't isa kasi mahilig akong magluto tapos siya mahilig namang mamalengke," sabi ni Zoren. "Mahilig naman talaga ako magluto, e. Saka I am not very particular about the food. Whether Japanese 'yan, Italian, basta masarap, kinakain ko. Ang ayoko lang yung mga weird na food like palaka or paa ng manok. Ayoko no'n. Di ba, ikinalkal nila 'yon sa lupa tapos kakainin mo?"

Now that he's taking up Culinary Arts, pinapalitan na rin ni Zoren ang kitchen utensils nila sa bahay like baluktot na kawali o kaya deformed na sandok.

"Kunwari ang kawali mo medyo baluktot, hindi na pantay ang luto mo pag ganoon. May mga ganoong technique kung pag-aaralan mo ang tamang procedure sa cooking. Pero kung di ka maarte, puwede rin. Pero kung maarte ka... Gusto kong maging maarte kaya pinalitan ko lahat.

"Kaya maski pag nag-grocery ako, conscious na rin ako sa mga binibili ko. Kaya minsan nagtataka ako bakit ganoon ang binibili o laman ng cart ng isang shopper. Yun pala, ingredients ang kinukuha niya. E, kami puro cereals, gatas, toiletries, sabon, walang gulay. Kami pala ang hindi marunong. Malalaman mo pala kung sino ang marunong depende sa laman ng cart niya," wika pa niya.

ZOREN AS HOST. When the offer to host Kitchen Battles was presented to him, ano ang naging reaction niya?

"Medyo nagulat din ako kasi hindi naman ako known for hosting. Pero I was one of the first choices kasi ako ang gusto ng mga sponsors ng show. Natutuwa rin ako na ako ang napili nila. Nang mapili ako, siyempre gusto ko rin siya. I was kind of worried lang kasi ibang atake ng hosting ang dapat sa ganitong klaseng show. I don't want to do it like a regular guy would do. Gusto ko may karakter. Kaya nung first few days ng taping, nagulat sila with the way I'm doing my hosting job. Pero iyon ang sinusundan ko na peg, dapat matapang na host. Kasi ang theme ng show is kitchen battles, so giyera 'yan. So, may character talaga," sabi ni Zoren.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Anong pagkakaiba ng hosting sa isang showbiz talk show at cooking show? Naging guest co-host din kasi si Zoren ng showbiz talk show ng GMA-7 na Showbiz Central.

"Dito sa Kitchen Battles, kung napapansin ninyo, ang tawag namin sa kanila ay Chef Warriors kaya ang dating dito ay parang may pagka-military kasi nga warrior sila. Kaya nilagyan ko ng character yung host. Kumbaga, general siya [the host] tapos yung mga chefs ang warriors niya. Pero when it's judging time, it's Zoren the regular guy.

"Sa Showbiz Central naman, mahirap kasi lalake ako. Lagi akong tutulay doon sa tsismosong lalake o hindi. Kasi showbiz talk show 'yan, so may intriga. So, mahirap lagi na nagbibigay ng opinion ang isang lalake sa intriga, e. Ang lalabas, parang tsismoso ka rin, yun ang magiging dating mo sa mga tao. Kaya mahirap din maging host ng Showbiz Central kasi kailangan balanced ka."

Pagkatapos nito ay binanggit ni Zoren na magkakaroon sila ng bagong show ni Carmina.

"Kami naman ni Carmina, we are having a new show together. Abangan ninyo iyan. Malapit na 'yan. Magkita-kita na lang tayo sa presscon," paniniyak ni Zoren.

Ang tinutukoy na show ni Zoren ay ang upcoming morning show ng GMA-7 na Love ni Mister, Love ni Misis.

Saan siya mas enjoy, sa hosting o sa acting?

"Magkaiba naman sila. Sa hosting, kailangan well-informed ka. You should know what you are talking about kasi sometimes kailangan magbigay ka ng sarili mong opinion. Yun ang mahirap sa hosting.

"Sa acting naman, may susundan ka lang na script. Iyon lang ang gagawin mo. Ang mahirap naman sa pag-aartista, dapat consistent ka. Kahit three in the morning, pag pinaarte ka, kahit na pagod ka na, you have to deliver. Iyan naman ang mahirap sa acting.

"So, magkaiba naman sila ng challenge and I enjoy both fields of endeavor. Hindi naman ako mareklamong tao. Mareklamo lang naman ako pag pinagmumukha akong tanga. Like, huwag mo akong mamadaliin na sasabihin mo na kukunan na ako at ito ang sasabihin ko. Ipabasa mo muna sa akin. Kahit na magtrabaho tayo hanggang umaga, okay lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FOCUSING ON THE TWINS. Marami pa rin ang nag-aabang kung kailan sila magpapakasal ni Carmina. Kailan nga ba ito magaganap?

"Hindi na 'yan pinag-uusapan. Yun na yun, e," sagot niya.

Wala ba silang balak sundan ang kambal nila na sina Maverick at Cassandra?

"Sa ngayon, wala kaming plano kasi super happy kami doon sa dalawa. At saka alam mo, ang hirap magpalaki ng bata, e. Aabangan mo siya hanggang mag-college. Mahirap nang magkamali. Siyempre kung mas marami kang anak, mas marami kang babantayan. Sa ngayon, okay na kami sa dalawa. Pinaliligaya naman kami nilang dalawa," wika ni Zoren.

Hindi naman daw naghahanap ng kapatid ang mga anak nina Zoren at Carmina. Happy naman sila sa company ng isa't isa.

"Like si Cassandra, she's taking up voice lessons," banggit ni Zoren. "Kasi pini-prepare ko 'yan just in case gusto niyang mag-artista. Gusto ko na mayroon siyang talent. Ayoko yung idea na nag-artista lang dahil anak ng artista. Ayokong sabihin ng mga tao na, 'Kaya lang nag-artista 'yan kasi anak ng artista, wala naman talent.' Ayokong makarinig ng ganoon kaya ngayon pa lang, pini-prepare ko na.

"Actually, kinukuha na si Cassandra nina Kris Aquino to be in a movie with Star Cinema. Gusto rin ni Cathy [Garcia Molina], pero kami na rin ang tumanggi. Ayaw namin na maging abrupt ang pagpasok niya sa showbiz. Ayoko naman ng ganoon. Gusto ko naman ay may preparation. Gusto ko pang turuan 'yan kung paano maging matatas sa Tagalog. Ayoko nung pa-slang-slang na salita. Umaarte ka lang tapos may naririnig ka na slang English.

"Sinanay ko lang sila magsalita sa English kasi mahirap i-master ang English dahil sa rules ng grammar. Pero ang gusto kong mangyari sa kanila ay matuto ng Tagalog. Inuna ko lang ang English kasi mas mahirap itong matutunan. E, ang Tagalog, nakakaintindi naman sila. Pero kailangan bago sila mag-showbiz, kailangan matatas na silang mag-Tagalog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about Maverick, ano naman ang preparation ni Zoren for him?

"Si Mavs naman, naglalaro ng tennis. Umabot na siya ng finals sa isang tournament. Nasa Top 20 among young tennis players. Ako rin ang nagti-train sa kanya. Kaya mahirap magkaroon ng anak kasi tutok kami sa mga activities ng dalawang bata. Kung may bagong baby, may bagong aalagaan. So, mahirap tumutok sa tennis ni Maverick.

"Sa tennis, ako ang coach ni Maverick. Sa singing naman ni Cassandra, si Carmina naman ang guide niya kasi mas may boses naman si Carmina compared to me. Si Carmina ang nag-aalaga kay Cass. So, kung mag-aanak kami, magiging hilaw ang preparation namin para sa dalawang bata. Kaya di namin kino-consider to have kids," wika ni Zoren.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN