Janvier Daily shows depth as an actor in Andres Bonifacio biopic

Sexy actor Janvier Daily plays Procopio Bonifacio in the Cinemalaya entry Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio. "Napaka-challenging ng role, as Procopio Bonifacio, wala akong nakikitang rason para hindi ko tanggapin at gawin ang pelikula," he says about the role.


Bukod sa ramp modeling ay nabibigyan ng magagandang breaks sa indie projects ang actor-model na si Janvier Daily. Sa ongoing Cinemalaya 2010 ay may partisipasyon siya sa Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio, bilang si Procopio Bonifacio na nilitis at pinatay kasama ang kapatid at Supremo ng Katipunan noong 1897.

Masaya si Janvier sa pagkakataong makapagtrabaho para sa isang pelikulang indie, mula sa respetadong direktor na si Mario O'Hara.

"Unang-una, napaka-challenging ng role, as Procopio Bonifacio, wala akong nakikitang rason para hindi ko tanggapin at gawin ang pelikula. Si Mario O'Hara din kasi ang direktor, so ayos lang," sabi ni Janvier nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ang isang screening ng Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Hinggil sa naging preparasyon ni Janvier para sa role, aniya, "Typical. Binasa ko yung script, ipinasok ko yung sarili ko, as Procopio."

Sa maraming aktor na nai-recommend para sa nasabing role, masuwerte si Janvier na siya ang napili ni Direk Mario O'Hara na gumanap sa papel ng kapatid ni Andres Bonifacio, na ginampanan ni Alfred Vargas.

"Napanood yata niya ako dun sa Bayaw," banggit ng baguhang aktor, referring to another indie project na ipinalabas last year. "Bago kami mag-first shoot, or two days before kami mag-shoot, nag-reading kami. Nagpunta ako sa bahay niya, tapos ipinabasa niya yung script."

Sa unang pelikulang ginawa ni Janvier, ang Roxxxanee, ay isang baguhang direktor (Jun Lana) ang nakatrabaho niya, gayundin sa ikalawa niyang pagbibida, ang Bayaw (Monti Parungao). This time, isang multi-awarded filmmaker naman, tulad ni Mario O'Hara, ang naging direktor niya.

"Bow ako kay direk Mario. Ang gaang katrabaho. Hindi ako nate-tense. Lagi niya akong sinasabihan na, 'Relax ka lang...'" papuri niya sa direktor.

Sa mga mahihirap na eksena sa pelikula, tulad ng incarceration at execution scenes nila ni Alfred bilang Andres Bonifacio, nasubukan ang kakayahan ni Janvier sa mas seryoso at malalim na pag-atake sa kanyang papel. Many who have seen Ang Paglilitis ni Andres Bonifacio said the 25-year old actor-model delivered fairly well.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamat naman," sabi naman ni Janvier.

ON NUDITY AND GAYS. Sa dalawa niyang naunang pelikula'y mas malalaki ang papel na ginampanan ni Janvier, pero ang mga ito'y parehong gay-themed at nag-require sa modelong aktor na magpa-sexy. Wala raw kaso kay Janvier ang mga nauna niyang portrayals.

"Magaganda naman yung script," rason pa niya. "Sa Bayaw, nag-frontal [nudity] ako. Meron sa CR, na naliligo ako; sa hideout [with Paolo Rivero]... Mabilis lang, hindi masyadong naipakita."

Hindi nagsasalita nang tapos si Janvier, as far as doing nude exposure in films is concerned.

"Depende din sa material, at mga katrabaho," pagtukoy niya.

Ano naman ang masasabi niya sa mga usap-usapan, linking him to both non-showbiz gays and gay actors?

"Wala naman kasi talaga," pagtutol ni Janvier. "Di naman sa ayoko sa gays, marami po akong kaibigan na gays."

In fact, when Janvier debuted in theater, bilang si Dodong ng musical play na Zsa Zsa Zaturnnah (Ze Musikal), he played a role that endeared him to the gays.

Sa una niyang pelikulang Roxxxanne, malaking bentahe ng pelikula ang ginawang pagpapa-seksi ni Janvier, na naging object of fantasy ng kanyang kaibigan who turned out to be a latent homosexual (played by Jay Aquitania). Kinunan siya nito ng (supposedly) nude video sa cell phone, na ikinagalit ni Janvier. Isang commentary ukol sa negatibong epekto ng modernong teknolohiya ang mensahe ng nasabing indie feature.

STUDIES AND FAMILY LIFE. On these, wala naman daw regrets si Janvier. If anything, ang nahinto niyang pag-aaral ang gusto niyang balikan at tapusin.

"'Pag okey na siguro [ang trabaho at kita]," pasubali niya.

Janvier was 22 years old nang magsimula sa local show business. Nakatuntong siya sa unang taon sa kolehiyo, taking up Hotel and Restaurant Management, sa University of Baguio. Sa Baguio City siya unang nadiskubre para sa pagmu-modelo at pag-aartista.

Likas na mahiyain at hindi palaimik si Janvier. Pero open naman sa pagbanggit ng tungkol sa kanyang pamilya. Totoong pangalang Janvier Daily ang ginagamit niya. May dugong Irish daw ang kanyang lolo (one-fourth).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero yung mama at papa ko, parehong Pinoy," sabi rin ni Janvier. "Okey naman, pito kaming magkakapatid, pang-anim ako. Wala na akong [father]. Magkasama kami ni Mama ngayon."

Ayon din kay Janvier, siya ang sumusuporta sa mother niya, sa tulong ng iba pa niyang kapatid. Well-off daw naman ang iba.

"Tulungan...yung iba, like yung ate ko, nasa Cairo, Egypt. Nakatira naman kami ni Mama ngayon sa bahay ng kuya ko sa Cavite," banggit niya.

Mahalaga rin para kay Janvier na supportive sa pag-aartista niya ang kanyang ina at mga kapatid.

"Masaya, siyempre. Importante yun," sabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN