Heart Evangelista renews contract with Kapuso network

"There's no complaint at all. Hindi naman siguro ako pipirma ulit ng bagong two-year contract with GMA-7 if I am not happy or content with the projects they are giving me," says Heart Evangelista about signing up anew with GMA-7.

In photo, Heart is flanked by GMA-7 executives Mr. Jimmy Duavit (left) and Atty. Felipe Gozon during the actress' contract signing last July 15.)


Pumirma ulit ng exclusive GMA-7 contract ang isa sa mga sikat na young actresses at celebrity endorsers ngayon na si Heart Evangelista.

Masayang ibinalita ni Heart sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na magaganda ang mga naka-lineup na projects niya, bukod sa mga show na ginagawa niya ngayon sa GMA-7. Wala raw reklamo si Heart dahil maganda ang takbo ng kanyang career.

"There's no complaint at all. Hindi naman siguro ako pipirma ulit ng bagong two-year contract with GMA-7 if I am not happy or content with the projects they are giving me," sabi ni Heart pagkatapos ng contract signing niya last Thursday, July 15.

Dagdag niya, "This goes to show that I trust GMA-7 at Kapuso pa rin tayo. And I look forward to be working with more Kapuso stars in the future."

Unang pumirma ng exclusive GMA-7 contract si Heart noong 2008 pagkatapos niyang mag-decide na iwan ang ABS-CBN kung saan siya unang nakilala.

Naging top-rating ang mga show ni Heart sa GMA-7 tulad ng Codename: Asero, Luna Mystika, Ngayon At Kailanman, Full House, Dear Friend: Edison at Anna, at ang kasalukuyang ginagawa niyang Langit sa Piling Mo. Part din si Heart noon ng SOP na naging Party Pilipinas na ngayon.

LANGIT SA PILING MO. Proud si Heart sa itinatakbo ng latest drama series niyang Langit sa Piling Mo kung saan kapareha niya si Mark Herras. Gumaganda ang istorya nila at kung saan-saan na sila nakakapag-taping ng kanilang series.

"We just came from Cebu and we shot a few episodes doon," banggit ni Heart. "Nakakatuwa ang mga taga-Cebu because they watch our show at kahit saan kami pumunta doon, maraming mga fans na naghihintay sa amin.

"So it was so much fun and we had a blast taping in Cebu. Ang babait ng mga tao doon at sana nga, given the chance, babalik ako doon to do a show. We like to thank the Cebuanos for their warm welcome sa buong cast ng Langit sa Piling Mo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MARK HERRAS. Tungkol naman sa leading man niyang si Mark Herras, very close na raw sila nito at marami na silang napag-uusapan na mga personal na bagay.

"Before naman kasi ng Langit sa Piling Mo, nagkatrabaho na kami ni Mark before sa Luna Mystika. Pero saglit lang ang role niya doon kaya hindi kami masyadong nagkaroon ng time to bond. Unlike dito nga sa Langit sa Piling Mo, we really had so much time to get to know each other. Ngayon nga, we talk about some personal things like our families, our special someones and other things.

"Kung titingnan mo kasi si Mark, you would think na para siyang playboy or maloko sa mga babae. Pero once you get to know him better, iba pala si Mark. He's a serious guy and he's such a gentleman. Hindi siya mapagsamantalang lalake and he's always respectful sa mga co-stars niya. Even ang mga staff ng show namin, kaibigan niya. Kaya masayang kasama si Mark because he's such a fun person to be with and may lalim siya. Hindi siya yung inaakala nating mababaw na tao," saad ni Heart tungkol sa kanyang leading man.

May dapat bang ipagselos ang confirmed na girlfriend ni Mark na si Ynna Asistio dahil nagiging close na sila ni Heart?

"Ay, wala naman dapat," ngiti ni Heart. "Kami ni Ynna, nagkikita kami parati sa Party Pilipinas and siya pa mismo ang nagsasabi na kinikilig siya sa team-up namin ni Mark. Ang cute nga kasi fan daw siya ng Mark-Heart love team.

"Natutuwa ako kay Ynna kasi nga she's not the selosa type at siya rin ang nagkukuwento sa akin ng kung anu-ano about sa kanila ni Mark. And everybody knows naman that I'm also in a relationship kaya yung sa amin ni Mark, hanggang sa show lang 'yon. We have good screen chemistry at nagpapasalamat kami sa mga parating nanonood ng drama series namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


HEART'S LOVELIFE. Tungkol naman sa personal na buhay ni Heart, happy raw siya dahil nababalanse niya ang career at lovelife niya.

Very understanding daw ang nababalitang boyfriend niyang si Ian Dy na nanalong Vice Mayor sa Isabela. Pareho raw silang busy pero they make time para magkasama sila.

"Pareho kaming stressed sa trabaho, but we spend quality time din naman kahit na once a week," sabi ni Heart. "Lalo na kung medyo libre siya sa work niya as vice mayor or kung maluwag ang schedules ko sa taping.

"Kapag magkasama naman kami, we don't talk about work. We are just two simple people lang na nag-uusap tungkol sa buhay-buhay. Ayoko kasing tingnan ako ni Ian bilang artista and I don't want to see him as a politician din naman.

"Nagkakilala kami ni Ian when we were just simple people. Yun ang gusto kong manatili sa amin parati. We're not a celebrity or politician in each other's eyes. Simpleng tao lang kami kapag magkasama kaming dalawa."

Hindi naman daw seloso ang politician-boyfriend ni Heart. Kahit na raw iba-ibang aktor ang nakakatrabaho nito at minsan ay nali-link pa.

"Ian is not like that. Like what I said, he understands my work. Alam niya na noong pumasok ako bilang artista, I will be working with different actors. Part 'yon ng trabaho ko at very supportive siya sa mga ginagawa ko," pahayag ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN