JC de Vera on past relationship with Rhian Ramos: "Isang magandang learning experience na hindi mo na babalikan."

"Whatever na ginawa ko to reach this point, ano yun, hard work talaga yun. Kumbaga, ito lang siguro yung bunga ng pinagtatrabahuhan ko pagdating sa acting. Tapos, yun nga, yung paglipat naman sa Five, leap of faith 'yan. Parang hindi ko alam kung saan ako mapupunta. Kung ikakalaglag ko ba 'to or ikasisikat ko ba 'to, hindi ko alam talaga, e," says JC de Vera.


Malaking bagay para kay JC de Vera na maging leading man ni Judy Ann Santos. Alam daw kasi niya na hindi naman lahat ng mga young actor would be able to experience kung paano maging leading man ng tinaguriang young superstar.

Yun nga ang naging pahiwatig ni JC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa prescon ng pelikulang Hating Magkapatid noong Huwebes, July 15,sa City Best restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Ang Hating Magkapatid ay mula sa Viva Films at ipapalabas na sa mga sinehan sa July 21.

"Very memorable talaga. Parang bihira mong makakatrabaho yung mga katulad niya, e. Parang yung status ko sa showbiz, hindi pa talaga pasok sa level nila Juday. Pero nabigyan ako ng chance na mag-level up at maka-partner si Juday. For me, very happy ako at grateful na nabigyan ng opportunity," saad ni JC.

Sabi pa niya, "Di ba, hindi lahat ng mga nakasabay ko, hindi nila makaka-partner si Juday? Kaya sabi ko sa nanay ko, 'Alam mo, Ma, kahit sinong nakasabay ko sa showbiz, hindi nila makaka-partner si Juday. Kahit sabihin mong tumanda na silang lahat, hindi nila makaka-partner si Juday.'"

Mas humanga pa raw si JC kay Judy Ann dahil kahit buntis ito noong nagsu-shooting sila ay napaka-cool lang daw nito.

"Ano siya, e, malikot pa nga siya. Very energetic, very professional, noisy. Masayahing tao siya, e. Kaya imbes na mabigat yung shoot namin, napapagaan dahil sa kanila ni Sarah," kuwento ng young actor.


PRINCE OF TV5. Itona ang pakilala kay JC kahit sa pag-introduce sa kanya during the press conference. Kaya tanong namin sa kanya, sino para sa kanya ang King ng TV5?

"Hindi ko po alam, e," sagot niya. "Kasi, kapag sinabing 'king' po yata, matanda na. Ewan ko lang, hindi ko po siya ine-embrace, e."

Malaking impact ba sa kanya to be tagged as "Prince of TV5"?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking impact in a way na natsa-challenge ako sa ginagawa ko. Kasi, para sa akin naman, pagdating sa work, hindi naman talaga ako para sa fame. Hindi naman ako nagtatrabaho para ma-reach ko ang level of Prince of TV5. Nagkataon lang din siguro na nauna ako sa TV5 na lumipat. Good timing din na hinahantay lang nila yung makakuha sila ng matinee type na artist. Nakatsamba lang ako at nauna ko," nakangiti niyang sabi.

Mas masaya ba siya ngayon being a Kapatid?

"Mas masaya ako ngayon talaga," sagot ni JC. "Hindi dahil marami akong projects. Parang mas feeling secured ako ngayon compared noong nasa kabilang network ako [GMA-7]. And, di ba, for seven years, minahal ko ang acting, minahal ko ang trabaho ko. Tapos, di ba, minsan nakakalungkot lang din kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, walang bumabalik sa 'yo? Parang ganoon.

"So, mas fulfilled ako ngayon. Whatever na ginawa ko to reach this point, ano yun, hard work talaga yun. Kumbaga, ito lang siguro yung bunga ng pinagtatrabahuhan ko pagdating sa acting. Tapos, yun nga, yung paglipat naman sa Five, leap of faith 'yan. Parang hindi ko alam kung saan ako mapupunta. Kung ikakalaglag ko ba 'to or ikasisikat ko ba 'to, hindi ko alam talaga, e."

Pero nararamdaman ba niyang mas sikat siya ngayon?

"In terms of exposure, talagang wala namang nanonood... May nanonood, pero kung iko-compare mo sa big networks, ang laki ng difference talaga. Pero masasabi ko ngayon, umaangat siya. So, patay sila, parang ganoon. Umaangat. Yung percentage ng viewers namin, lumalaki. In a span of seven months, lumaki siya ng ganoon kabili

"So, di ba, para sa akin, very fulfilling siya kasi naging part ako noon. Yun nga lang, ang sa akin talaga, hindi ko iniisip yung fame kung ano ang puwesto ko sa Five. Mas secured ako. Meaning, pagdating sa suweldo, mas secured ako," saad ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SECURING HIS FUTURE. As early as now, sine-secure na nga ni JC ang kanyang future. May mga investment na raw siya ngayon.

Aniya, "Nag-i-start na akong magpagawa ng house. Nakakuha na ako ng lot. Sa may QC, sa may Commonwealth area lang. So, yun nga, kailangan kong maging secured financially rin kasi. Yun ang importante.

"Nakuha ko sa TV5. Yung three-years guaranteed contract na hindi basta-basta puwedeng ibigay kahit kanino. Pero sa akin, hindi pumapasok sa utak ko na, oo, may kontrata ko, ako ang bida rito. Mas secured ako kasi, in a way, nagsusuporta ka sa family mo. Malaking percentage sa money ko na kino-contribute ko.

"Important sa akin ang future. So, yung pasok ng projects sa akin ngayon, very fast. In terms of movies din and TV shows, ang bilis ng pasok. So, very happy ako sa mga nangyari. Kung anuman ang label sa akin sa TV5, parang wala naman akong ano ro'n, hindi naman pumapasok sa ulo ko yun."

RHIAN RAMOS. Kung sa career ay fully loaded siya dahil sa sunud-sunod na projects, sa lovelife naman ay "zero" raw siya.

"Wala, e. Hindi na siya maisingit," sabi ni JC.

Biro naman namin sa kanya, parang hindi kapani-paniwala na hindi niya kayang magsingit ng lovelife.

Paliwanag naman ng 24-year-old actor, "Ngayon, ngayon lang talaga na mas naging important ang work ko. Kasi nga, mas lumaki 'yung mga responsibilities ko. Hindi lang para sa sarili ko kung hindi pati sa family. Maraming nangyayari rin kasi sa family. So, siyempre, medyo crisis ka. Ang daming nangyayari, so medyo nagso-shoulder ako ng malaking percentage sa kanila."

Tuluyan na nga bang "na-erase" ang chapter ng buhay niya with former leading lady Rhian Ramos?

"Oo," sagot ni JC. "Naka-focus ako ngayon sa trabaho talaga at kung paano ko hahasain ang sarili ko para mag-improve pa lalo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Never ba talagang nag-cross ang path nila?

"Wala...wala..."

Kung magkikita sila, magpapansinan naman ba sila?

"Siguro... Kapag sinabi ng isip ko na mag-hi ka, e, di magha-hi ako. Kapag hindi ko feel talagang mamansin, bakit naman hindi rin? Parang tao ka lang din. Hindi naman ako plastic, di ba?" sabi niya.

Sa naging past relationships niya, yung sa kanila ba ni Rhian ang "pangit" ang kinalabasan?

"Hindi naman sa nagiging bitter ka. Pero minsan kasi, dumarating sa point ang tao na natututo ka sa mga experiences mo at nagma-mature ka. So, noong time na sa amin, yun ang time na nagma-mature na ako. Kasi nga, ang daming nangyayari sa buhay ko. Ang daming problema. Crisis, ang dami rin.

"So, parang ang sa akin, nagma-mature ako, naggo-grow ako as a person. Tapos, parang, di ba, nawala, nasayang? So, yung sa akin, kung anuman ang nangyari sa amin, i-set aside na lang natin at gawin na lang nating isang magandang learning experience na alam mo na ang gagawin mo, hindi mo na babalikan."

Kung may choice pala siya, hindi na niya babalikan yung chapter na yun with Rhian?

"Siguro hindi na. Yung klase ng pinagsamahan namin, hindi na," sabi ni JC.

Ipinaalala namin kay JC kung gaano siya ka-in love during that time. It was the time na ginagawa pa nila ang kanilang primetime series sa GMA-7 na La Lola. Yun lang ang pagkakataon na nakita namin siyang ganoon ka-open at ka-expressive sa napi-feel niya.

"Yes, noon n'yo lang ako nakitang ganoon ka-open," pag-amin naman niya. "Siguro hindi naman sa ayaw nang balikan pa. Pero para sa akin, mas maraming magagandang bagay na mangyayari pa kesa ma-stuck ka pa sa ganoong komplikasyon. So, huwag na, mas ano pa, e... Kung sa babae lang, mas marami pa akong makikita kung maghahanap talaga ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang mas gusto na niyang susunod na makarelasyon, taga-showbiz o non-showbiz?

"Parehong may disadvantages, e. Mahirap pumili," sabi ni JC. "If ever na magkakaroon lang ako ulit, ayoko ng babaeng hihilahin ako pababa. Gusto ko, sasabay siya sa akin pataas. Kung hindi siya sasabay pataas, hihilahin niya ako paitaas."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN