Katrina Halili admits missing being FHM's No. 1 Sexiest Woman

IMAGE 0

"Siyempre, ang plastic ko naman kung hindi ko na-miss, di ba? Siyempre nainggit ako... At saka, natural na reaction yun ng mga tao. Maiinggit ka talaga. Gusto mo, ikaw ang number one!" says Katrina Halili in good humor about not being No. 1 at this year's FHM Sexiest Women list.


Kahit ongoing pa rin ang isinampang kaso ni Katrina Halili laban kay Hayden Kho kaugnay ng paglabas ng sexy video scandal nila, masasabing naka-move on na rin ang sexy actress sa kung anumang emotional pain na naranasan niya dahil sa pangyayaring yun.

Masaya at mas may confidence na ring humarap si Katrina sa mga tao, tulad na lang sa nakaraang FHM's 100 Sexiest Women victory party noong Thursday night, July 15, at the World Trade Center in Pasay City.

Dalawang beses na nag-No. 1 sa FHM Philippines' Sexiest Women si Katrina—2006 and 2007. Pero this year ay No. 6 ang position niya, with Angel Locsin claiming the No. 1 spot again.

How does she feel na hindi na siya ang No. 1?

"Siyempre, ang plastic ko naman kung hindi ko na-miss, di ba? Siyempre nainggit ako. Ang sarap kaya noong nasa harness na ikaw ang center of attraction. Pero okey lang, 'no? Si Angel naman yun at kahit sino pa, okey lang yun dahil yun ang vote ng tao. At saka, natural na reaction yun ng mga tao. Maiinggit ka talaga. Gusto mo, ikaw ang number one!" natatawang sabi ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media na nag-interview sa kanya sa backstage ng WTC after the event.

Pero masaya naman daw siya kung anong puwesto siya nailagay ng mga tao.

NOT THE LAST. A few weeks ago ay rumampa rin si Katrina sa Uncut: The Bench Denim and Underwear Fashion Show sa Araneta Coliseum. Isa si Katrina among the Kapuso stars na pinalakpakan nang husto ng mga manonood.

Parang may nasabi noon si Katrina na yung sa Bench fashion show muna ang last na pagrampa niya nang sexy, pero heto nga't muli siyang rumampa sa FHM. Ano ang dahilan at nagbago ang kanyang isip?

"Ayokong mag-comment!" natawang sabi ni Katrina. "Work, trabaho lang po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang pakiramdam niya kapag rumarampa na siya?

"Masaya...masaya po," sambit niya. "Kasi siyempre, hindi ko naman po makakalimutan ang FHM. Isa ito sa tumulong sa akin. Bukod sa GMA, siyempre ang FHM ang pangalawang nagtiwala sa akin, di ba?

"Binigyan nila ako ng opportunity na mag-cover sa kanila. Kaya happy naman po ako na inimbitahan nila ako ngayon. At happy naman po ako na yung mga manonood, tinatanggap naman po nila ako nang buong puso nila."

Wala ba siyang special someone na inimbitahan para panoorin siya sa gabing yun?

"Wala...wala, busy. Career na lang muna. Tutal naman, bata pa ako," sagot ni Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN