Baptism of Paolo Contis and Lian Paz's daughter is a star-studded affair

Xonia Aitana, the daughter of actor Paolo Contis and dancer Lian Paz was baptized earlier this afternoon, July 18, at the Christ the King church in Greenmeadows, Quezon City. The event was attended by their closest friends in and out of showbiz.


Ginanap kaninang bandang alas-kuwatro ng hapon, July 18, ang binyag ng anak nina Paolo Contis at Lian Paz na si Xonia Aitana sa Christ the King Church sa Greenmeadows, Quezon City.

Ang ilan sa mga dumating na mga ninong at ninang ay sina Dingdong Dantes, Mayor Herbert Bautista, Joey de Leon, Michael V, Alfred Vargas, Benjie Paras, Diana Zubiri, Nadia Montenegro, Vince de Jesus, Ogie Diaz, at ang GMA-7 executive na si Lilybeth Rasonable. Bagamat hindi kasama sa listahan ng mga godparents, namataan din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa loob ng simbahan sina Marian Rivera at Ynna Asistio.

Pagkatapos ng binyagan ay dumiretso ang lahat sa Outback restaurant sa may Libis, Quezon City para sa reception. Doon na sumunod ang isa pang ninong ni Xonia na si Raymart Santiago, kasama ang anak na si Santino. Galing si Raymart mula sa guesting niya sa Showbiz Central, kung saan sumalang sila ng misis niyang si Claudine Barretto sa "Don't Lie To Me" segment.

Doon na rin sa reception sumunod sina Mark Herras at Jay Aquitania.

THE PREPARATION. Kahapon, July 17, ay ipinalabas sa Startalk ang panayam kina Paolo at Lian kung saan ibinahagi nila ang preparation na ginawa nila para sa binyag ni Xonia.

Parang isang kasalan ang ginawang paghahanda nina Paolo at Lian para sa binyag ng kanilang anak. Ang invitation, na may Swarovski crystal, ay regalo ng isa sa mga ninong ni Xonia na si Raymart Santiago.

Ang isusuot namang mga damit ni Xonia ay in-order pa raw ni Paolo sa U.S. sa pamamagitan ng online shopping. Iba raw ang suot ni Xonia sa binyag at sa iba rin sa reception.

Ayon kay Paolo, hindi niya ipinaalam kay Lian ang pag-order niya ng damit sa U.S.

Kuwento ni Paolo, "Hindi alam ni Lian yun. Basta na lang may dumarating. Kasi, sabi ko, gusto ko na ternong-terno. Nagkataon na nakita ko yun sa online na terno. May nakita rin ako na pang-reception."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang cake naman na ipinagawa ni Paolo ay may meaning for him.

"Medyo malaki yun, medyo 6 ft. ang cake, e. Flamingo yung cake na may buhat na baby. Kasi, di ba, sa alamat yun, yung mga galing kay God. Si Xonia yung nakahiga ro'n sa flamingo."

Bukod sa mga bonggang preparasyon ni Paolo, may special gift din daw siya for Xonia—isang pares na diamond-studded earrings.

"Gusto ko maganda yung earrings niya. Kaya noong nagpunta kami sa isang shop, 'Gusto ko 'yan. Pagawan natin si Xonia.' It's not naman big or ano. Kumbaga, kung ano ang tama sa size ni Xonia. Tama naman. Bagay sa kanya, e. Hanggang sa paglaki na niya 'yun."

Katuwiran pa ni Paolo, "Ini-spoil ko si baby hangga't wala pa siyang isip. Kapag may isip na yun, saka ko na siya iistriktuhan."

Fourteen pairs ang mga ninong at ninang ni Xonia. Ito raw ang mga taong malalapit at pinagkakatiwalaan nina Paolo at Lian.

WHAT ABOUT THE WEDDING? After ng binyag ni Xonia, posible kayang ang kasal na nina Paolo at Lian ang susunod?

"That would be two to three years. Yun, e, kung hindi pa siya buntis! Kung masundan ulit, kailangan ring bearer rin!" natatawang sabi ni Paolo.

Gusto kasi ni Paolo na kapag ikinasal sila ni Lian ay nakakalakad na si Xonia para ito ang maging flower girl nila.

Gusto na rin daw ni Lian na magbalik-showbiz, pero ayaw na ni Paolo na magsayaw siya.

"Ayaw na lang niya na bumalik ako sa EB Babes siyempre. Bilang ayaw na niya akong magsayaw," sabi ni Lian.

Ipinaliwanag naman ni Paolo kung bakit ayaw na niyang magsayaw ang ina ng anak. Aniya, "Sabi ko nga, ang pagsasayaw naman, puwede naman niyang gawin on a special occasion. Occasion-occasion na lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN