PEP EXCLUSIVE: Lani Misalucha stars in her own drama anthology on TV5

"Siyempre, noong una may takot ako. But then again, I'm always willing to do something that I haven't done before, especially when I know that I think I can actually do it, why not? It's never too late," says Lani Misalucha about starring in her own drama anthology.


Hanggang katapusan pa ng July mananatili rito sa Pilipinas ang tinaguriang Asia's Nightingale na si Lani Misalucha para tapusin ang iba niyang commitments, partikular na ang shows niya sa TV5.

Pero hindi maiwasang magtaka ng iba kung bakit narito sa Pilipinas ang world-class singer-performer gayong nabalita namang may trabaho siya sa Las Vegas bilang singer sa casino hotels doon.

Upang linawin ang mga isyung ito ay minabuti ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kausapin si Lani sa taping ng showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi last Saturday, July 17.

Ano ba ang rason ng kanyang pagbabalik sa Pilipinas?

"Gagawin ko kasi yung birthday ni MVP [Manny V. Pangilinan of TV5], yung kay Boss. No'ng nalaman nila na nandito na nga ako, 'eto, pinag-appear na nila ako sa TV5. Tapos na yung birthday niya last week, no'ng Wednesday [July 14]. So, the whole time na nandito ako, sa P.O.5 ako lalabas. Maliban dito, 'eto nga, lumabas ako sa Paparazzi. Tapos I'm doing Talentadong Pinoy, tapos yung series nga," pagbabalita ni Lani.

LANI IN A DRAMA ANTHOLOGY. Ang tinutukoy na series ni Lani ay ang 5-Star Specials sa TV5, isang drama anthology na may limang episodes. Lumabas na rito sina Maricel Soriano, Ruffa Gutierrez, at ang pinaka-latest ay si JC de Vera.

Handa na ba siyang umarte?

"Well, first time kong gagawin ito sa TV, though ang alam kong acting ay sa teatro. Saka luka-luka naman ako, so this is something exciting for me," sagot ni Lani, na gumanap bilang Sita sa musical play na Rama at Sita noong 1999.

Saan ba nangyari ang negosasyon ng pagbabalik niya sa telebisyon? Sa Las Vegas ba o dito na sa Pinas?


"Yun nga, e, habang nandoon ako sa Amerika, nandito sila. Ang nangyari talaga, yung gagawin ko lang ay yung kay Boss [MVP]. Pero nalaman nilang darating ako. E, yung mga kasama doon sa show, involved din naman dito sa TV5. Alam mo, sa totoo lang, sa pag-arte, hindi naman ako sa ano...maarte lang talaga ako. Yun lang yun. So, gagawin na namin ito," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang makapag-comment si Lani sa tanong namin kung bakit hindi siya sumubok na umarte nong nasa GMA-7 siya. Matatandaang naging bahagi si Lani ng musical-variety show na SOP at nag-host din siya ng talk show na Celebrity Turns with Michael V (as Junie Lee).

Baka naman tinanggihan niya ang offer noon dahil gusto niyang mag-concentrate sa singing?

"Wala!" diin niya.

Ayon kay Noel Ferrer, creative consultant ng TV5, gusto nilang subukin ang iba pang talents ni Lani gaya ng acting kaya nila inalok itong lumabas sa 5-Star Specials. Maliban kay Noel, ang naging tulay ng negosasyon para sa drama anthology niya ay ang fashion designer Maxi Cinco at si Direk Joey Reyes, na siya rin ang magdidirehe ng limang episodes ni Lani.

"Kaya nga kakailanganin ng someone like me ang isang gaya ni Direk Joey Reyes, lalo na first time kong gagawin ito," sabi ni Lani. "He's a master and an expert kaya kailangan ko siya. No'ng nalaman kong si Joey ang magdidirek, ninerbiyos ako at excited ako. Pero hindi mo talaga maiaalis yung nerbiyos. My gosh!"

Hindi nga raw makapaniwala si Lani na bibigyan siya ng isang show na siya ang bida.

"Ang akala ko nga, I'm just going to appear as one of the sidekicks or supporting," banggit ng Asia's Nightingale. "Pero prior to flying here, they told me na... Actually, ang kausap, yung husband ko, na they're going to do a story around me. 'Are you sure? How is that gonna happen?' Kasi first of all, hindi naman mahaba yung pag-i-stay namin dito. How are they gonna do that? Are they sure they want me to do this? E, oo nga daw. Sige, okay."

Dagdag niya, "Siyempre, noong una may takot ako. But then again, I'm always willing to do something that I haven't done before, especially when I know that I think I can actually do it, why not? It's never too late."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STINT IN VEGAS. Kumusta naman ang kanyang career sa Las Vegas?

"Okey naman, tapos na ako sa Hilton. Yun ang huli ko, Hilton," sagot ni Lani.

With Society of Seven (SOS)?

"No, hindi. Ako na lang ito," sabi niya. "No'ng nag-open kami last 2009, dalawa kasi kami noon, e. Ang ano no'n, dalawa kaming nagpi-perform. The other performer was a male black singer. Dalawa kaming nag-open. Yung show was Voices. And then, after April, June, July, August...after four months, he has to do something else that is why I was left to do the whole show, an hour and 20 minutes na puro kanta, sayaw. Alam mo naman, the usual Vegas show na there's always a variety of everything—there's a comedy side of the show, dancing and singing... Kulang na nga lang magic!

"Although yung first two months kong ginawa... Kasi September [2009], ako na ang nag-takeover mag-isa, talagang nerbiyos na nerbiyos ako. Sabi mo nga, nag-SOS ako. Ilang performers kami, pito sila, tapos ako. Meron somehow na naging comfortable ako dahil marami kami, may mga kasama ako. Di ba, nag-Ballys kami then lumipat kami sa Flamingo. Tapos biglang no'ng nag-Hilton ako, dalawa na lang kami, bigla akong parang, 'Shucks, dalawa na lang kami!'

"All of sudden, na-pressure ako dahil sabi ng producer, 'We have to give you the whole show.' Ning, parang, 'Shucks, kakayanin ko ba ito?' Although alam mong kakayanin, pero hindi mo talaga maaalis yung fear and anxiety na siyempre, Filipino ako, na hindi naman ako fluent mag-Ingles. Sabi ko nga doon sa producer, 'I don't have any problem in performing. I've been performing for so long. But I just wanna let you know that I've been comfortable performing for my fellow Filipinos. I didn't see any problem with that.' Sabi ko, 'Mga Amerikano ito. I really don't know how am I gonna go about it.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero salamat sa Panginoon, nasanay ako. Sa first month ko, September, October, talagang nerbiyos na nerbiyos ako. But as I went along, I'm telling you, hawak ko na ang audience sa kamay ko," kuwento ni Lani.

Bakit siya umalis sa Society of Seven? May intriga ba? May issue?


"Alam mo, hindi ako magsisinungaling sa iyo, may nangyaring gano'n. Meron, meron," pag-amin niya.

Umiling si Lani sa tanong namin kung pera ba ang dahilan ng pagkalas niya sa grupo o inggit.

"Parang ano lang naman 'yan na pag ang artist kumbaga, lumipat ng ibang network, siyempre hindi mawawala yung gano'n," pagtatapat niya.

RECESSION. Siyempre, hindi maiwasang mag-speculate ang ibang tao na kaya siya bumabalik sa Pilipinas ay dahil mahina na ang raket sa Vegas, lalo ngayong may recession pa rin doon. Ano ang masasabi ni Lani rito?

"Para sabihin ko sa iyo, talagang mahina sa Vegas," pag-amin naman ng singer. "Kung may recession sa Amerika, talagang meron. You guys are better off here, I'm telling you. And one of the most affected cities is Vegas. Isa 'yan talaga when it comes to housing, bagsak! Employment, bagsak!"

Naapektuhan ba sila ng recession?

"Oo naman. Everybody. Ang daming nawalan ng trabaho. Natigil din kami sa trabaho no'n. Kailangan mo lang talagang... Gaya no'ng nasa SOS pa kami, sabi ko, 'Huwag muna tayong lumabas.' That was 2007. Gusto ng producer namin na mag-open kami. Sabi ko, 'Huwag muna.'

"No'ng 2008, talagang sobra, matindi. Nandoon yung ang daming walang trabaho, ang daming walang bahay. Hanggang ngayon, ang dami pa ring nawawalan ng bahay. So, kailangan mo lang talagang pag-isipan nang husto. Like yung mag-o-open ng show, mahirap yun."

Pagbalik daw ni Lani sa U.S. ay wala pa siyang naka-schedule na kakantahang hotel. Pero may dalawang casino hotels ang nag-o-offer para doon siya pumuwesto. Ipinaliwanag niya sa PEP na ang sistema ng pagsu-show sa Vegas ay hindi ang mga casino hotel ang nagpu-produce kundi mayroong producer at nakikipagsanib na lang ang hotel owners.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit hindi na lang sila manatili sa Pilipinas dahil sigurado namang mabibigyan siya ng regular shows dito?

"I know. Pero doon nag-aaral yung mga bata. Gusto ko munang patapusin yung dalawang anak ko. Dalawa silang babae. Lalo na yung high school ko, gusto ko siyang patapusin doon. Maganda naman ang eskuwelahan niya. Walang bayad, public school, but very, very good.

"Tapos may gagawin akong TV show doon sa Vegas na parang talk show. Para siyang mala-Jimmy Kimmel, yun ang peg namin na we're going to interview local performers sa Vegas. Ipi-feature namin ang Vegas, like this particular hotel or restaurants or performer or comedian. Maraming puwedeng i-feature doon," banggit ni Lani.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN