Francine Prieto accepts descending rank in FHM's Sexiest Women list

"Tinatanong nga nila ko kung memorized ko raw ang mga ranking ko, sabi ko, hindi, e. Basta ang alam ko, ngayon ang pinakamababa. Pababa nang pababa! Pero hindi naman yun ang importante. Ang importante, mapasok ka pa rin sa 100. Magpasalamat ka na may mga supporters at may naniniwala pa rin na sexy ka or tingin sa 'yo sexy ka," says Francine prieto about beiong included again in this year's FHM Sexiest Women list.


Muling rumampa si Francine Prieto sa FHM's 100 Sexiest Women victory party noong Huwebes, July 15, sa World Trade Center. Isa siya sa nakasama pa rin sa listahan ng 100 Sexiest Women ng FHM, although aminado si Francine na bumaba ang ranking niya this year—No. 66.

Pero malaking bagay na sa kabila ng maraming mga baguhan at mas batang artista ngayon, hindi pa rin siya nawawala sa listahan ng FHM. Aware din naman si Francine that she cannot please everybody tulad na lang sa naging pagrampa niya at pagpapakita na malaki na ang ipinayat niya ngayon kumpara sa nakaraang taon.

"Okey lang 'yan," pagkikibit-balikat niya. "Kanya-kanya namang opinion ang mga tao. Puwedeng sabihin na naseseksihan sila sa 'yo o hindi. Wala namang problema yun. Opinion nila yun, e. Walang problema. Kumbaga, kinuha ka nila rito, pumayag ka, e, di gawin mo."

Ayon kay Francine, malaki talaga ang pasasalamat niya sa FHM dahil isa ito sa nakatulong sa career niya lalo na noong nagsisimula pa lang siyang magpa-sexy.

"Kaya nga kahit anong hingin nila, parang hindi ka talaga makatanggi kasi ang laki ng naitulong nila sa career ko noong nag-start ako noong 2003," banggit ng aktres sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ano ang pakiramdam niya nang rumampa siya ngayon sa kabila ng halos taon-taon din naman yata niyang pagrampa sa FHM?

"Ang last kong pagrampa noong binigyan kami ng award for Sexiest Women for the Decade. Early this year lang yun. Nasabi ko, 'Wow, decade na talaga!' Tapos, 'eto na naman, 100 Sexiest naman. Tinatanong nga nila ko kung memorized ko raw ang mga ranking ko, sabi ko, hindi, e. Basta ang alam ko, ngayon ang pinakamababa. Pababa nang pababa!" natatawa niyang sabi.

"Pero hindi naman yun ang importante," patuloy ni Francine. "Ang importante, mapasok ka pa rin sa 100. Magpasalamat ka na may mga supporters at may naniniwala pa rin na sexy ka or tingin sa 'yo sexy ka."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap ba niya ang "pababa nang pababa" niyang ranking?

"Alam n'yo, walang problema. Si Angelina Jolie nga, nagpa-flactuate din ang rating niya sa FHM. Minsan ang bababa niya, tapos minsan biglang tataas. E, Angelina Jolie na yun, ha. So, lalo naman tayo rito."

RADIO HOST. Adjusted at nag-e-enjoy naman si Francine ngayon sa kanyang newfound career, ang pagiging radio host kasama si Bobby Yan.

"Oo naman, nakapag-adjust na ako. Nag-e-enjoy ako, pero siyempre, gusto ko pa rin sa TV, sa movies. May mga offer naman sa akin. Like nag-Maalaala Mo Kaya ako at na-excite ako kasi ngayon lang ulit ako nag-guest. Nakapag-guest na ako noon kaso bata pa lang ako noon."

Ang sinasabing MMK episode ni Francine ay ang ipinalabas last Saturday, July 17, kung saan gumanap sila ni Sid Lucero bilang mag-asawang masahista.

Natutuwa naman daw siya na kahit paano ay nabibigyan siya ngayon ng opportunity sa ABS-CBN.

"Siyempre, sabi ko nga, pagkatapos ng ulan, rainbow naman ang dumating. Natutuwa ako na merong nagbibigay sa akin ng project. Siyempre, kung nasaan ang opportunity, doon ka pupunta.

"At saka, basta ang importante, wala kang sasagasaang tao. Kung saan ka nanggaling dati, kung sino ang mga taong tumulong sa 'yo, huwag mo silang kakalimutan. Kailangan magpasalamat ka pa rin sa kanila. Kung hindi dahil sa kanila, wala ka ngayon kung nasaan ka," saad ni Francine.

BOBBY YAN. Hindi nakaligtas sa paningin namin na ilang minuto bago magsimula ang FHM event ay nakita namin sa backstage si Bobby Yan. Madalas din naming makita sa pictures ng ilang events na magkasama sila ng kapatid ng namayapang si Rico Yan.

"Nandiyan siya kanina. Dinalhan niya ako ng pagkain," sagot ni Francine nang tanungin namin kung ano ang ginagawa ni Bobby sa FHM event.

Sila na ba o nanliligaw pa lang ang co-host niya sa kanilang radio show?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Bobby ay...wala...palagi kong nakakasama. Okey naman kami. Parang nagko-compliment siguro ang personality ko sa personality niya kaya naman siguro effective rin sa radio. Tapos sa personal, parang gano'n din," sagot ni Francine.

Sila na ba?

"Ay, hindi pa kami!" nakangiti niyang sagot.

Pero inspired siya ngayon?

"Inspired ako kasi happy ako sa mga blessing na dumarating sa akin. So, siyempre, bakit pa ako hindi magiging masaya? Tapos yun nga, parang ang dami kong taong nagmamahal. Mga kaibigan ko. So, do'n ako natutuwa."

Dagdag niya, "With Bobby, siguro, dapat siya na lang ang tanungin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN