Paolo Contis and Lian Paz talk about the baptism of their daughter Xonia

"Sabi ko, once na si Xonia could be a part of the entourage, she will be part of the entourage. Lahat naman ng planning ngayon, kasama na siya, e. So, sabi ko nga, hindi natin masasabi, four months siya, mabilis siyang mag-grow, e. Baka next month, maglakad siya, go!" says Paolo Contis when asked if the next event in their family would be his wedding with partner Lian Paz.


Halos hindi magkandaugaga sina Paolo Contis at Lian Paz sa pag-iistima ng kanilang mga bisita na dumating sa binyag ng kanilang anak na si Xonia Aitana kahapon, July 18—mula sa seremonyas sa Christ the King Church sa Greenmeadows hanggang sa reception sa kalapit na Outback restaurant sa Libis, Quezon City.

Mga malalapit na kaibigan nina Paolo at Lian ang tumayong godparents ni Xonia at gayundin ang mga inimbitahan nila sa reception.

Ang mga tumayong ninong ay sina Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Joey de Leon, Michael V, Raymart Santiago, Quezon City Mayor Herbert Bautista, Benjie Paras, Ogie Diaz, Vince de Jesus (co host ni Paolo sa Wipeout), Noli Locsin (dating Ginebra player), Dominic Zapata, Antonio Alfaro, Randy Lao, at Alfred Vargas.

Ang mga ninang naman ay sina Nadia Montenegro, Lilybeth Rasonable, Winnie Hollie Reyes, Marilen Nuñez, Dra. Vicki Belo, Pamela Athena Dy, Lailanie Patricio, Saida Diola, Margene Maranan, Ma. Roxanne Agnes Sanchez, Edlyn Tallada Abuel, at Joyce Bernal.

A BEAUTIFUL DAY. Masayang-masaya sina Paolo at Lian sa naging outcome ng mahalagang araw na yun para sa kanilang anak. Sabi ni Lian, iba ang pakiramdam na nabinyagan na ang anak nila ni Paolo.

"Much blessed ang feeling. Siyempre ngayon, kasali na siya [Xonia] sa ating Christian world. Kaya wala na akong mahihiling pa. Good health na lang siguro at saka, lumaki siyang mabuting anak," pahayag ni Lian sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the reception.

Dagdag ng dating miyembro ng EB Babes, hands-on talaga sila ni Paolo sa lahat ng preparation.

"Si Pao kasi, ayaw niya na akong mag-isa lang ang gagawa. Hindi siya papayag. Kaya kahit busy siya, gagawa talaga siya ng time na kaming dalawa ang aalis para mag-order ng cake, giveaways... Rush nga yun lahat dahil sa kagagawan niya at dahil busy siya."

May plano sina Paolo at Lian na isama na nila si Xonia sa first out-of-town trip nito at the end of the month. Ito ang dahilan kaya nagpasya na silang pabinyagan ang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw naman kasi naming lumayo nang hindi pa binyag si baby," sabi ni Lian. "Yun ang first travel niya. Tapos kami rin ni Pao, matagal na rin kaming hindi nakapag-out-of-town. Naging busy siyempre kami kay baby. Kaya this time, nakapag-relax naman, di ba?"

Thankful din sila ni Paolo na halos lahat ng mga ninong at ninang na kinuha nila ay dumating. Yung iba na hindi na nila ine-expect na darating ay nakarating pa rin.

Ayon kay Paolo, "Maraming-maraming salamat sa lahat ng dumating. Not for anything, especially kay Mayor Herbert, dumating siya on a Sunday, on his day-off, dumating siya. Kay Tito Joey de Leon, kay Kuya Bitoy [Michael V], si Dingdong na galing sa mall show... I mean, maraming may trabaho diyan na tumigil.

"Sa mga hindi namin nabanggit, alam naman nila yun na mahal namin sila kaya sila ang naging bale unang batch. So, thank you. I hope hindi matapos 'to sa binyag, sana magtuloy-tuloy."

Biro naman namin kay Paolo, na aligagang-aligaga sa pag-iistima ng lahat ng bisita, mukhang na-feel niya nang husto at sinusulit ang experience ng pagiging daddy niya.

"Oo naman, siyempre first-time daddy," nakangiti niyang sabi. "Siyempre, lahat hands-on and it's for the experience. At para sa baby mo yun, e. Hindi mo puwedeng itiwala sa iba."

Itinanggi naman ni Paolo nang sabihin naming mas tensiyonado pa siya kesa kay Lian. Aniya, mas magaling lang siyang magdala.

"Bilang madaldal, maano ako sa tao, ayoko ng may isa akong hindi nakakausap. Pero lahat naman sila, sinasabi na, 'Alam na namin 'yan, sanay na kami riyan. Alam namin na busy ka.' Pero nagulat ako pagdating ko, ang daming dumating. Like noong pumunta kami sa Church, tinanong ko sa tao ko, 'Sino nandiyan?' Sabi, 'Sir, wala pa.' Nandoon na kami, wala pa. Tapos, all at once, dumating lahat. Sabay-sabay. Masaya. Very happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANOTHER BABY. Seryosong biro ni Paolo, gusto na niyang sundan nila agad si Xonia at bigyan na ito ng kapatid.

Pero hirit ni Lian, "Siyempre ako, bilang traumatic yung experience ko, hindi muna, di ba? Pero yung isa diyan..." Pagkatapos nito ay tumawa siya.

Sagot naman ni Paolo, "If God will give us blessing, why not? Hindi kami nagpaplano. Walang plano. Kung dumating, e, di dumating. Actually, hindi naman agad-agad din na darating yun."

Ang palaging tanong: kailan nila isusunod ang kasalan?

"We've been open about it," sabi ni Paolo. "Sabi ko, once na si Xonia could be a part of the entourage, she will be part of the entourage. Lahat naman ng planning ngayon, kasama na siya, e. So, sabi ko nga, hindi natin masasabi, four months siya, mabilis siyang mag-grow, e. Baka next month, maglakad siya, go!"

Wala naman daw problema kay Lian kung anuman ang plano ni Paolo.

"Wala naman kaming hindi napagkakasunduan niyan, e," sabi niya.

MARK HERRAS. Kapansin-pansin na ang ilan sa mga bisita nina Paolo at Lian ay may kaugnayan sa kanila in the past, partikular na si Mark Herras na dating boyfriend ni Lian. Kasama naman ni Mark kahapon ang present girlfriend niya na si Ynna Asistio.

Wala na ba talagang ilangan sa kanilang apat, lalo na kina Paolo at Mark?

"'Ika nga namin, wala naman nang lahat yun," sagot ni Paolo. "Lahat ng mga bagay ay pinagdadaanan mo para maging mas matibay ka. Mas maging mature ka. I believe, with everything that has happened to Lian, sa kanila, past is past. It made Lian who she is now."

Naging mahirap ba na lagpasan yung ilang factor?

"Hindi," nakangiting sagot ni Lian.

Pero ayon kay Paolo, "Ako, noong una, siyempre medyo asiwa ako. Pero ulo mo lang ang pasasakitin mo. Pag-aawayan n'yo lang. So, at least ngayon, mas masaya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Lian, "Bilang mas matanda si Paolo kay Mark, kapag nakikita ko si Mark ngayon, parang mas matanda na rin ako sa kanya kahit kasing-age ko lang siya."

Dugtong naman ni Paolo, "Actually, lahat ng mga kapatid-kapatiran ko, bilang kuya niya ako, kahit na mas matanda sila kay Lian, 'Ate, Ate Lian.' Kaya sabi niya, 'Tumanda ako sa 'yo.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN