PEP EXCLUSIVE: GMA Films president Annette Gozon Abrogar involved in latest PAMI complaint

GMA Films President Annette Gozon-Abrogar is now the subject of a controversy after receiving a letter of complaint from Philippine Artists Managers Inc. (PAMI).

The details remain unclear, but a source told PEP that it was allegedly set off by her offer to co-manage Bianca King, who's under the wings of talent manager Arnold Vegafria.


Naging headline ngayong araw, July 20, sa entertainment section ng isang tabloid ang diumano'y paghahain ng reklamo sa Philippine Artists Managers Inc. (PAMI) ng talent manager na si Arnold Vegafria laban sa presidente ng GMA Films na si Atty. Annette Gozon-Abrogar.

Hindi tinukoy sa artikulo ng Pilipino Star Ngayon (PSN) kung ano dahilan ng paghahain ng pormal na reklamo ni Arnold laban kay Ms. Annette. Wala raw kasing gustong magsalita tungkol dito. Basta ang sinabi lang sa artikulo na "totoong may formal na reklamo si Arnold kay Ms. Annette."

Ngunit ayon sa isang reliable source na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal), nagsimula ang isyu sa pagitan ng movie producer at talent manager nang alukin diumano ni Ms. Annette ng co-management deal ang alaga ni Arnold na si Bianca King.

Dahil dito, ayon sa aming source, naghain ng pormal na reklamo si Arnold sa PAMI. Tumugon naman daw agad ang PAMI sa reklamo ng kanilang miyembro sa pamamagitan ng pagpapadala ng liham sa GMA Films President. Hindi tinukoy ng aming source kung ano ang nilalaman ng liham.

Upang linawin ang isyu ay kinuha ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang panig ng mga sangkot dito.

Kinumpirma ni Ms. Annette sa PEP na may natanggap nga siyang liham mula sa PAMI, pero hindi ito nagbigay ng anumang detalye tungkol sa nilalaman nito.

Ayon kay Ms. Annette, "premature at baseless" ang ipinadalang liham sa kanya ng PAMI.

"I think they should sort out their internal issues first and get their facts straight before I make any response to them. They are proceeding on wrong information. The letter they sent me is premature and baseless," pahayag ng film producer sa text message na ipinadala niya sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan kaninang hapon.

Dagdag pa ni Ms. Annette, humingi na rin daw ng paumanhin sa kanya ang talent manager, na "hindi raw niya alam" kung ano ang nilalaman ng sulat na ipinadala ng PAMI.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap din ni Karen Pagsolingan si Arnold, na noong mga oras na 'yon ay nasa Los Angeles Airport. Pagdating daw nito sa Manila bukas, July 21, saka pa lang niya makakausap ang pamunuan ng PAMI at maglalabas ng statament.

Kinuha rin ng PEP ang panig ng PAMI sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono sa presidente nitong si June Torrejon-Rufino. Sinabi nito na naipadala na ang letter kay Annette, pero "I cannot speak further." Ayon pa sa kanya, mag-uusap sila ni Arnold pagdating nito mula sa U.S.

Mula naman sa ilan pang reliable sources, may permiso diumano at nabasa ni Arnold ang sulat ng PAMI na ipinadala kay Ms. Annette. Dismayado raw ang PAMI members sa pagtanggi diumano ni Arnold na may full knowledge siya sa sulat na ipinadala ng kanilang organisasyon sa presidente ng GMA Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN