Dingdong Dantes on screen chemistry with Marian Rivera: "Isa 'yan sa mga bagay na masasabi kong priceless."

"You know, working with her is always a good thing. Actually, the best thing... Siyempre, there are other plans also. But the most important thing is we have to enjoy what we have now and make the most out of it," says Dingdong Dantes about working again with girlfriend Marian Rivera.

Photo shows Dingdong and Marian with Xonia Aitana, daughter of Paolo Contis and Lian Paz. Dingdong is one of the godparents of Xonia whose baptism was held last Sunday


Isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Dingdong Dantes sa showbiz ang kapwa niya Kapuso actor na si Paolo Contis. Kaya naman hindi na nakapagtatakang kunin ni Paolo si Dingdong bilang isa sa mga ninong ng anak nila ni Lian Paz na si Xonia Aitana.

Dumalo si Dingdong, kasama ang girlfriend niyang si Marian Rivera, sa binyag ni Xonia noong Linggo, July 18, sa Chirst The King Church sa Greenmeadows, hanggang sa reception sa Outback restaurant sa may Libis, Quezon City.

"Siyempre naman, hindi pa lang pinapanganak [si Xonia], naka-block off na 'to. Kahit na anong araw pa matapat ang binyag," saad ni Dingdong sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa reception.

Ano ang mensahe niya para sa bagong inaanak na si Xonia?

"Ang message ko sa kanya, hindi lang para sa araw na ito kung hindi hanggang sa lumaki siya, na kikilalanin niya ako bilang tao na parati niyang puwedeng mapuntahan at maasahan at mahal namin siya," pahayag ng aktor.

NOT ENVIOUS OF PAOLO. Hindi ba naiinggit si Dingdong kay Paolo na may baby na ngayon?

"Hindi...ayoko namang haluan ng ganoon," nakangiting sagot nito. "Kapag sa isang masayang bagay, dapat ay masaya ka sa taong nagse-celebrate. Siyempre, magandang tanawin siya at magandang inspirasyon siya. At siyempre, bukod sa ganoong salita, mas maganda yung suporta ka all the way. Pero siyempre, napapaisip ka, pero masaya ako na lahat ng plano nila ay natutupad."

Naiisip rin ba niya kung ano ang magiging hitsura ng mga anak nila ni Marian kapag nagkatuluyan sila?

"Minsan... Pero siyempre, nasa imagination ko na lang yun!" natatawang sagot ng matinee idol.

Matatagalan pa ba o malapit na yung araw na magsisimula na silang bumuo ng sarili nilang pamilya?

"Well, then again, ayokong pangunahan," sabi ni Dingdong. "I just have to, you know, take it kung saan kami nanggagaling. Sa ngayon, we have an objective and we have to stick to that. Sa ngayon, yun ang iniisip namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENDLESS LOVE. Hindi maitatangging masaya ngayon sina Dingdong at Marian dahil bukod sa kanilang maayos na relasyon ay pumapalo sa ratings ang kanilang ika-apat na telenovela sa GMA-7, ang Endless Love. Minsan pang napatunayan ang kakaibang lakas ng tambalan nila pagdating sa ratings.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Well, ang nagdadala talaga ay yung kagandahan ng istorya. Kung paano i-interpret ang mga character, regardless kung on- and off-screen, e, magkasundo kami [ni Marian], yun talaga ang importante. Ang nakakapag-deliver kami, kahit na sa personal na buhay, e, parang ganoon din kami!" natawa niyang sabi.

Mas nararamdaman na raw ng mga manonood ngayon kung ano ang meron sila off-cam?

"Ganoon?" balik-tanong ng aktor. "Well, maybe, isa 'yan sa mga bagay na masasabi kong priceless. It's something na hindi naman namin pinilit. It's something na nandiyan dahil sa maraming taon ng magandang samahan. It's something that is very valuable at maaaring yun ang nakikita nila."

May nakikita ba silang pagbabago sa isa't isa sa pagtatrabaho nila ngayong magkasama uli sila?

"Meron. Siyempre, mas masarap talagang magtrabaho. We support each other more sa maraming bagay," sagot ni Dingdong.

Posible kayang magkaroon sila ng pang-limang serye kahit sinasabing last na talaga nila ang Endless Love?

"Hindi natin alam, pero I hope," sambit niya. "You know, working with her is always a good thing. Actually, the best thing... Siyempre, there are other plans also. But the most important thing is we have to enjoy what we have now and make the most out of it."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN