Arron Villaflor says playing a gay role is a challenge

"Hindi lang kasi sa drama yung umiikot dito sa industriya," says 20-year-old actor Arron Villaflor about accepting a gay role in the movie Mamarazzi.


Isang gay role ang ginagampanan ng Giggerboys member na si Arron Villaflor sa comedy film ng Regal Entertainment na Mamarazzi. Magiging love interest niya rito ang kapwa niya Kapamilya actor na si Xian Lim.

Para sa 20-year-old na aktor, tinanggap niya ang pagiging bakla sa pelikula dahil, "Para naman sa akin, hindi lang naman kasi drama yung umiikot dito sa industriya na ito, e. 'Tsaka para naman, ma-try ko na rin yung ibang role."

Itinuturing din ni Arron na isang challenge ang character na kanyang gagampanan.

"Masaya, napaka-challenging para sa akin. Sa akin naman, kung okay naman sa akin yung role, tatanggapin ko naman yun, e, basta kailangan lang paghandaan," dagdag na paglalarawan niya sa interbyu sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo. (CLICK HERE to read related article.)

Bukod sa role, natutuwa si Arron dahil makakasama niya rin sa pelikula ang dalawang sikat na komedyante na sina Eugene Domingo at John "Sweet" Lapus.

Ayon sa binatang aktor, napakahusay ng dalawa na magbitaw ng kani-kanilang mga linya.

"Ang talino nilang dalawa, kasi may mga times na, alam mo 'yon, all of a sudden may [adlib] kahit wala doon sa script, nag-a-add sila ng mga palamuti. Ang galing. Minsan umo-oo na lang si Direk Joel Lamangan, 'Sige, kahit anong gawin ninyo.' Tinutulungan din ako ni Sir John Lapus [sa pag-arte]," paglalahad ni Arron

OTHER GIGGERBOYS MEMBERS. Hindi nakapunta si Arron sa premiere night ng Cinco, para ipakita ang kanyang suporta sa mga kamiyembro sa Giggerboys na sina Sam Concepcion, Robi Domingo, at AJ Perez.

Isang patunay ito na walang inggitang nagaganap sa pagitan ng mga miyembro ng Giggerboys kahit pa ang ilan sa kanila ay mas madalas na nabibigyan ng proyekto.

"Wala naman sa amin 'yon," sabi ni Arron. "Sa amin naman, suportahan. Wala naman sa amin, ipinagdadasal lang namin na sana maging solid kami, at saka, yun na rin, walang inggitan. At kung may problema man, magsabihan na lang within the group."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN