Alyssa Alano admits having been courted by married men and DOM

"Gusto ko po naman siyempre yung bata-bata. Ayoko naman din po ng sobrang bata. Gusto ko rin po yung mas matanda siya sa akin. Pero ayoko naman po yung sobra namang tanda, huwag naman po yung ganun, di ba?" says comedienne Alyssa Alano about her age preference when it comes to suitors.


Sexy comedienne Alyssa Alano stars in her second sitcom on GMA-7, Kaya ng Powers. Her first was Lagot Ka, Isusumbong Kita with Joey Marquez, na kasama rin sa cast ng Kaya ng Powers.

Ano ang kaibahan ng role niya sa Lagot Ka... dito sa Kaya ng Powers?

"Kasi ito po, medyo parang fantaserye. Ako po dito, inimbento ako ni Bearwin [Meily] na namamatay lagi, na nabubuhay rin naman lagi kasi hindi niya ma-perfect yung pagkaimbento sa akin. So minsan nagiging one-fourth cow ako dito, minsan one-fourth cat. Yung ano lang naman, yung boses, yung kilos ko, hindi yung 'itsura.

"Ang pagka-imbento niya sa akin parang manika, kaya lang yung kilos ko, kasi hindi nga niya ma-perfect, so minsan ugaling-pusa, ugaling-baka, ganun," paglalarawan ni Alyssa sa kanyang role nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Kaya ng Powers kahapon, July 21, sa 17th floor ng GMA Network Center.

Hindi siya nahirapan sa role niya?

"Hindi po," sagot niya. "Actually, exciting nga po yung mga ganun. At least yung palagi kang maraming matututunan. Pangalawa po, e, yung mga kasama ko dito, e, mga beterano."

Bukod kay Joey, kasama rin ni Alyssa sa Kaya ng Powers sina Rufa Mae Quinto, Rhian Ramos, Sheena Halili, Elmo Magalona, Jaya, Enzo Pineda, at Rocco Nacino.

Paano niya pinag-aralan ang kilos ng mga hayop?

"A, tinuturuan naman po ako ni Direk [Uro dela Cruz]."

Regular ding napapanood si Alyssa sa Startalk kung saan nabibigyan siya ng pagkakataon na mag-host. Alin ang mas gusto niya—ang paghu-host o pagpapatawa?

"Pareho po kasing masaya," sabi niya. "Sa Startalk po kasi, sobrang... Di ba, ang mga kasama ko po dun sina Nanay Lolit [Solis], sina Tito Joey [de Leon], sina Tito Butch [Francisco]. Kaya sobrang natututo po akong humarap sa mga tao, magsalita nang maayos. So, gusto ko po 'yon kasi marami po akong nagagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero gusto ko rin po itong sitcom na ito kasi parang nae-enjoy mo lang yung mga ginagawa mo. So, parang nakakabata lang kasi ano, kikay-kikay lang. So, 'yon."

Na-miss niya ang gumawa ng sitcom?

"Opo, na-miss ko po, sobra!" bulalas niya.

NOT INCLUDED IN THE LIST. This year ay hindi nakasama si Alyssa sa listahan ng Sexiest Women ng FHM. Ano ang naging reaksiyon niya rito?

"Hindi na po kasi ako nag-pose nung nakaraan. So, tinatanggal na yata nila yung mga hindi nagpu-pose dun, di ba?"

Sa pagkakaalam ng PEP ay may mga nakapasok sa FHM Sexiest Women kahit pa nagpu-pose para sa naturang men's magazine, gaya nina Marian Rivera (No. 3) at Regine Velasquez (No. 7).

Bakit hindi na siya nag-pose? In-offer-an ba siya ulit?

"Oo, kaya lang ang taba ko po kasi noon, e. 'Tsaka na lang po siguro."

Pero hindi naman siya against sa sexy pictorials?

"A, wala po, wala po, wala! Kasi ang FHM naman po kasi parang artistic, parang ano siya, class. So, wala pong problema sa akin. Talagang umayaw lang ako kasi ang taba ko po nun. Last year lang, sa calendar po 'yon, e, for calendar. So, medyo ano, so next time na lang po siguro ulit," paliwanag niya.

Bakit ba siya tumaba?

"E, ang sarap pong kumain, e. Kakakain ng cake, ng chocolates!" natatawang sabi ni Alyssa.

Pero ngayon ay maganda na ulit ang katawan ni Alyssa dahil nagda-diet na raw siya.

LOVE & SUITORS. Nang tanungin naman tungkol sa kanyang lovelife, sinabi ni Alyssa na ayaw muna niyang umibig.

"Siguro mga three years pa po or two years from now na lang," aniya.

Huli raw siyang nagkaroon ng karelasyon apat na taon na ang nakararaan.

Pero may nanliligaw ba sa kanya ngayon?

"Meron po."

Non-showbiz?

"May non-showbiz, may taga showbiz," sagot ni Alyssa. "Sino? Huwag na lang po, secret na po!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binata?

"Opo, binata."

Inamin ni Alyssa, naranasan na niyang maligawan ng lalaking hiwalay sa asawa at ng mga DOM.

"A, dati po, marami!" sabi niya.

Paano niya na-handle ang mga ito?

"Hindi ko na lang po ini-entertain. Mga sa paligid ko, opo, e, may mga nag-aano. Pinapasabi sa akin, pinaparating, may mga gifts na pinapadala, mga ganun. Kaya lang, talagang hindi ko po ini-entertain kasi natatakot po ako. Mamaya, may asawa pala 'yon, e, di ano... 'Tsaka gusto ko po naman siyempre yung bata-bata. Ayoko naman din po ng sobrang bata. Gusto ko rin po yung mas matanda siya sa akin Pero ayoko naman po yung sobra namang tanda, huwag naman po yung ganun, di ba?"

TV 5. Napag-alaman din namin mula kay Alyssa na may offer pala ang TV5 sa kanya.

"Ay, may show po ako dati dun, yung Wow Mali!. Tapos, meron po ako dapat na bagong show kasama ko rin po si Tito Joey [de Leon], kaya lang nahihiya naman po ako sa GMA dahil may bago pong show dito sa GMA, ito nga pong Kaya ng Powers, kaya hindi ko na po tinanggap, hindi na po."

Natapos ang stint ni Alyssa sa Wow Mali! last month.

"Wala naman po akong kontrata dun e, wala po," banggit ni Alyssa. "Dahil lang po kay Tito Joey talaga. Dapat magkaka-contract na ngayon lahat kaya lang, hindi po pupuwede. Siyempre, priority ko pa rin po ang GMA."

Sa House or Not, na kapalit ng Wow Mali!, dapat mapapasama si Alyssa.

"Si Tito Joey pa rin po yun. Masarap po sana kasi kasama ko na naman si Tito Joey, e. Ang sarap-sarap kasama ni Tito Joey, kaya lang po kasi hindi naman po yata... Kasi halos magkasabay po kasi ng airing sigurado 'yon, e, kasabay ng Kaya ng Powers. So, nahihiya po ako sa GMA. Halos magkatapat kaya nakakahiya. 'Tsaka priority ko po talaga ang GMA siyempre, dito po ako nagmula talaga, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Talent ng GMA Artist Center si Alyssa. Paano siya napayagan na lumabas sa Wow Mali! ng TV5?

"Noong una po kasi hindi naman po talaga pinagbabawal, di ba? Kailan na lang po. So, nung ipinagbawal na, dun na po ako...sumunod na ako," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN