Carla Abellana denies making relationship with Geoff Eigenmann official while in the States

"Ay, wow! Wala, hindi, 'noh!" was the emphatic reaction of the Basahang Ginto heroine when asked about rumors that she finally said yes to Geoff at a theme park in California.


Kakagaling nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann mula U.S. para sa isang show para sa mga Kapuso doon, at habang nandoon daw ay ginawa na nilang opisyal ang kanilang relasyon sa Knotts Berry Farm, isang theme park sa California.

"Ay, wow! Wala, hindi, 'noh!" napabulalas si Carla sa pagtanggi. "Wala po kaming time doon. Diretso kaming trabaho. Yung pahinga lang namin yung sa plane ride and we were asleep the whole time kasi nga diretso po kaming taping pagkadating namin dito.

"Kahit yung papunta dun, kasi gabi at that time so tulog kami, bagsak kami. Ito nga hindi kumain sa eroplano, e, kasi hindi siya magising ng flight attendant kasi tulog na tulog, 'kakapagod," kuwento ni Carla sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Wednesday sa taping ng Sine Novela Presents Basahang Ginto ng GMA-7 sa 19th East Bar sa Alabang.

Sana siya ang gumising para makakain si Geoff.

"Hindi, ayoko, naaawa ako, e, pagod yung tao."

MEETING PINOY SOAP FANS ABROAD. Kahit daw sa U.S., mataas ang ratings ng Basahang Ginto.

"Ay oo, nakakatuwa malakas ang Basahang Ginto doon. Kahit I think mga never nakapunta dito, alam nila. Nakakatuwa, super nakakatuwa.

"Kasi yung Knotts Berry Farm was the place of the show, it was the Kababayan Festival and GMA Pinoy TV was one of the guests so nandun kami to promote Basahang Ginto and ang crowd namin was mostly young adults, teenagers, ganun.

"Alam na alam nila yung show! Mga Fil-Ams na hindi nagta-Tagalog, na hindi marunong mag-Tagalog, nanonood sila.

"And ang nakakatuwa dun, yung iba sa kanila alam nila yung kumpleto — Rosalinda, SRO Cinemaserye Presents Carinderia Queen, The Last Prince, lahat...

"Ang daming Filipinos doon. Nakakatuwa na hindi mo ie-expect na even all the way there people would still watch the show," kuwento pa ni Carla.

MICHAEL DE MESA AS TOUR GUIDE. Kumusta ang pagmi-meet nila ni Geoff with his dad na si Michael de Mesa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na-meet ko po siya when he was here, second time doon. Maganda kasi siyempre iyon na yung bago niyang bahay, dun na siya nakatira, so at least siya yung nagsasabi sa amin na ito yung ano, ganyan. Siya yung nagga-guide sa amin."

Kung ano ang ipagagawa nina Carla at Geoff na bahay in the future kapag mag-asawa na sila?

"Hahaha, hindi! Pero nagkukuwento lang siya yung buhay doon, kung ano yung mga lugar-lugar, siya yung nag-ga-guide sa amin, nagtu-tour sa amin and it was nice na at least nagkita ulit sila, nagsama ulit sila ng daddy niya."

Mina-manage ni Arnold Vegafria ang career ni Carla, kaya naitanong ng PEP kung ano ang comment ni Carla sa issue tungkol kina Arnold, Annette Gozon-Abrogar and Bianca King na alaga rin ni Arnold. Nagkaisyu diumano sina Arnold at Ms. Abrogar tungkol sa pagma-manage ng career ni Bianca. (CLICK HERE for related article.)

"Ay, naku, ano ba 'yan? Parang tatlong araw lang akong nawala ang dami ko nang hindi alam," natatawang reaksyon ni Carla.

"Ah, hindi ko po alam yun pero kasi siyempre Bianca's under contract with ALV, so unless it's about to finish or tapos na, puwede naman yun, walang problema. Pero hindi ko po alam, hindi ko pa kasi siya nakakausap... Basta ayusin lang nila, pag-usapan lang nila... I haven't seen Bianca kasi, hindi ako nakapag-Party Pilipinas nung Linggo.

"I'm not really aware of what happened with Bianca and Tito Arnold pero ang alam ko naman, to my knowledge, bago ako umalis, wala naman silang problema."

May impression na nag-aalisan na ang mga alaga ni Arnold sa kanya, tulad nina Marco Alcaraz at Luis Alandy.

"Hindi naman... in fact si Tito Arnold padami nang padami ang talents... There's over 30 of us, e, 36 o 38 of us under ALV. In fact kakalipat lang ni Gian sa kanya, kakalipat lang ni Kyla sa kanya, kakalipat lang ni Nikki Gil sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya ang tatanungin, wala raw silang problema ng manager. "I love Tito Arnold, my goodness! I owe him a lot, he has done well for me."

NO "TAPAKAN" ISSUE. Miyembro ng Glams ng Party Pilipinas si Carla, along with Bianca, Rhian Ramos, Lovi Poe, Glaiza de Castro at Heart Evangelista.

Kaya tinanong na rin namin si Carla tungkol sa isyu ng tapakan nina Bianca at Heart na naganap daw during one of their rehearsals.

"Yun nga, I've heard of that... kailan ba yun? Magtu-two weeks ago nabalitaan ko 'yan. Sabi ko napakaimposible kasi kasama ko sila. Well, not all the time, but every Sunday for Party Pilipinas, magkasama kami, Thursdays and Saturdays, rehearsals namin, magkakasama kami. So wala akong nakikitang kahit anong alitan sa kanila.

"And yung tapak-tapak isyu, walang nangyaring ganun. Nakikita ko sila all the time, kaya imposible kasi kung hindi ko man makita, malalaman ko yun, isusumbong sa akin ni Heart o ni Bianca... Wala talagang kahit anong tapakan, tulakan whatever, nothing physical."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN