(UPDATED) Indie filmmaker alleges director Gil Portes lifted his idea for Two Funerals

Less than a week after Two Funerals garnered honors at the recent Cinemalaya filmfest, including Best Director for Gil Portes (in photo) and Best Screenplay for Eric Ramos, indie filmmaker Bong Ramos alleges that Portes got the idea for the road picture from a script he, Bong Ramos, submitted to Cinemalaya two years ago. Portes has denied the accusation and scriptwriter Eric Ramos further rebuts on Facebook: "Ang sabi ni Direk [Portes], binasa uli ni Direk Lau


Umiikot ngayon ang isyung "plagiarism" (o pangongopya ng material nang walang angkop na pagbibigay-credit sa source) sa pagitan ng dalawang direktor—ang beteranong si Gil Portes, at ang relatively new director na si Alejandro "Bong" Ramos, na siya ring sumusulat ng ilan niyang pelikula.

Si Direk Gil ay ilang dekada na sa industriya ng pelikulang Pilipino at nakagawa na ng maraming award-winning films tulad ng 'Merika at Andrea, Paano Ba Ang Maging Isang Ina (Nora Aunor), Saranggola (Ricky Davao), Mga Munting Tinig at Homecoming (Alessandra de Rossi), Mulanay (Jaclyn Jose, Gina Alajar, Noni Buencamino), at iba pa.

Si Bong Ramos naman ay direktor ng indie films na Haw Ang (Kalila Aguilos), Butas (Allen Dizon, Gwen Garci), Big Night (Jordan Herrera), Pipo: Ang Batang Pro (Tyrone Perez), at Halik Sa Tubig (Althea Vega, Orlando Sol, Marco Morales). Maliban sa huli'y naipalabas na sa commercial theaters ang mga pelikula niya these past two years.

Siya rin ang co-writer ng In Da Red Corner (Meryll Soriano and Aiza Marquez) na naging finalist sa Cinemalaya 2006, at line producer ng Room Boy ni Polo Ravales, kunsaan nagwagi si Meryll ng kanyang first Cinemalaya Best Actress award noong 2005.

STOLEN IDEA? Kamakailan ay lumabas ang akusasyon na ang isinumiteng entry ni Direk Gil sa 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na Two Funerals ay may pagkakahawig sa original script ni Bong Ramos na Biyaheng Norte.

Ayon kay Direk Bong, isa si Portes sa mga judges ng screening committee ng Cinemalaya noong 2008 kung kailan isinumite niya ang kanyang Biyaheng Norte script, na hindi naman nakapasok sa official list of full-length features para sa naturang film festival that year.

Gayunpaman, balak pa rin daw niyang gawin ang pelikula dahil aniya'y original story niya ito.

Two years later, nagwagi ang Two Funerals sa Cinemalaya 2010. Kabilang sa jury ang experienced filmmaker and scriptwriter na si Jose Javier Reyes, award-winning actor na si Ricky Davao, respected film critic Lito Zulueta, at dalawang banyagang hurado. Nanalo si Portes bilang Best Director sa Directors Showcase category at bukod pa rito ay nagkamit ang pelikula ng apat pang Balanghai trophies—Best Cinematography, Audience Choice award, Special Jury Prize, at Best Screenplay para kay Enrique "Eric" Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bago pa raw ng awards night noong July 18, umabot na sa kaalaman ni Direk Gil na kinukuwento ni Bong Ramos sa kanyang mga kakilala na galing sa Biyaheng Norte ang istorya ng Two Funerals.

PORTES AND ERIC RAMOS REBUT. Earlier this week, mariing pinabulaanan ni Portes ang bintang sa kanya sa Showbiz Mismo, ang radio program ni Jobert Sucaldito sa dzMM. Hindi raw niya maintindihan ang motibo ng nagrereklamo dahil ayon sa kanya'y hindi niya personal na kilala si Bong Ramos.

May nakapagsabi na raw kay Bong Ramos na maghain na lang ng pormal na reklamo sa tamang venue tulad ng Cinemalaya at huwag nang ipagkalat pa ang isyu.

Last Friday, July 23, nagpadala ng mensahe ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Facebook account ni Eric Ramos, ang sumulat ng script ng Two Funerals, upang itanong ang mga sumusunod:

"What's your reaction sa reklamo of Direk Bong Ramos of pangongopya diumano ni Direk Gil of his orig script na Biyaheng Norte for Cinemalaya 2008 supposedly, as he claims? How was this idea of the story started when Direk Gil first talked to you, pls? I hope u can give me your side of the story since this is an issue... Thanks!"

Makalipas ang ilang oras ay sumagot si Eric Ramos sa pamamagitan pa rin ng Facebook:

"The Cinemalaya organizers have told Bong Ramos to file a formal complaint. Hindi naman yata niya ginawa at mas gusto lang niyang mag-whispering campaign sa mga press na madaling maniwala sa sabi-sabi.

"Seriously, as far I'm concerned, this is a non-issue. Nung pinasulat sa akin ni Direk 'yung script last year, ang basic idea lang na binigay sa akin ay may dalawang bangkay na nagkapalit. And I created the story from there, with inputs from Direk. So, bumuo ako ng road movie na magkahalong drama at comedy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong pinagkopyahan na anything. I was working from what I considered to be a very original concept. I didn't know Bong Ramos' script even existed.

"Okey, for the sake of argument na lang, halimbawa nga inisip namin ni Direk na mangopya o kumuha ng inspirasyon sa movie o kuwento ng iba. Kung ang objective namin ay makasali sa Cinemalaya, sa tingin mo pipili kami ng kuwentong ni-reject na ng Cinemalaya? Ang labo, di ba kapatid?

"Di ko nabasa ang Biyaheng Norte. Kung ni-reject ng Cinemalaya, most likely storyline lang yun, not even a script."

Nakausap na rin daw niya ang kanyang director na si Gil Portes tungkol sa isyu.

"Sabi ni Direk, ang similarity lang, it's a road movie na may pamilya yatang bumiyahe from Manila to Ilocos dahil may patay na tatay (I'm not sure, ask Direk). Pagdating dun, may iba palang pamilya yung tatay. At saka maraming elemento ng kabadingan.

"'Yun lang ang similarity, very superficial. WALANG NAGKAPALIT NA BANGKAY! WALANG COMEDY. Eh, di ba 'yan ang mga pangunahing sangkap ng script ng Two Funerals?

"In short, nag-iilusyon si Bong Ramos na kinopya namin ang kuwento niya at inagaw daw namin ang tagumpay niya. Ayaw ko sanang patulan at pag-aksayahan ng panahon, pero ang kapal ng mukha niya!

"'Saka ang sabi nga pala ni Direk, binasa uli ni Direk Laurice Guillen ang Biyaheng Norte, and she found no similarity at all to Two Funerals. So that Bong Ramos should shut up already."

FACEBOOK THREAD. Noong July 23 rin, lumabas ang isa naming artikulo tungkol dito sa isang online tabloid. Na-link namin ito sa wall page ng aming Facebook account. Sa mga panahong ito, nagte-text na kami kay Direk Bong Ramos to get his side of the story.

Maya-maya ay nag-text back na si Direk Bong, at nagpasalamat siya sa naisulat naming report dahil "fair and balanced" daw ito. Matapos niyang sumulat ay nagkaroon na ng thread ang isyung ito mula sa ilang mga concerned friends ng mga taong involved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa na rito si Dennis Evangelista, kaibigan ni Bong Ramos, na isa ring legitimate scriptwriter ng mga pelikula (Paupahan, Marino, Punla, etc.) at siya ring supervising producer ng Sigwa, isa ring Cinemalaya 2010 Directors Showcase entry.

Comment ni Dennis sa naturang thread: "Tanungin ninyo si Direk Mel Chionglo! Judge din siya. Nabasa niya ang script ni Bong at siyempre napanood niya ang pelikula. According to Bong, nag-offer si Direk Gil na bilhin ang material. According to Bong, maraming eksena sa pelikula ay obviously pareho sa script ni Bong..."

Ang sumunod na nag-comment sa thread ay mismong si Eric Ramos.

Tugon niya: "Ayoko sanang pumatol sa issue pero bilang scriptwriter ng Two Funerals, puwersado akong magsalita dahil, in effect, tinatawag akong magnanakaw ng isang taong di ko kilala.

"KSP lang ang Bong Ramos na 'yan, ang dami namang sumakay...

"Disappointed ako sa mga taong basta naniniwala sa sabi-sabi, especially sa mga kaibigan kong naturingan sa movie press. If you didn't like the movie on aesthetic grounds, walang problema sa akin.

"Pero 'yung maniwala kayo na plagiarist ako without asking me, iba na 'yon. So far, si Mell lang ang nag-abala na kunin ang side ko. Thanks, Mell.

"Ang nakakabaliw na postscript dito: If, like Direk Gil, you would bother to watch Araro, ang movie ni Bong Ramos na palabas ngayon sa mga sinehang hadahan sa Recto, you would know kung sino talaga ang plagiarist.

"From what Direk Gil just texted me, Araro is a horrible rip-off of Salome. At sino ang direktor ng Salome? Si Laurice Guillen.

"So those interested in the truth, please find out if any plagiarism occurred and who plagiarized whom," ang matapang na pahayag ni Eric Ramos.

BONG RAMOS REACTS TO FACEBOOK THREAD. Ilang sandali pa ay muling sumagot sa thread si Dennis Evangelista. Sinabi nitong wala pang sariling Facebook account si Bong Ramos kung kaya't ang account niya (Dennis) muna ang ginamit ni Bong upang sagutin ang mga statement ni Eric.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong na-post ang artikulong ito kaninang umaga, hindi pa nakakapagbibigay ng official statement si Bong Ramos. Aniya'y nasa biyahe siya papuntang Cabanatuan dahil may premiere night dito ang pelikula niyang Halik Sa Tubig. "I have answered na sa Facebook via Dennis' account," textback niya sa amin.

Heto ang comment ni Dennis sa thread, bilang tugon sa mga pahayag ni Eric: "I'm sorry, Eric, pero nabasa ni Bong Ramos ang comment mo. He has no Facebook, so to give him chance na mabasa ang side niya dito sa Facebook, eto ang sagot niya. Let the public judge.

"From BONG RAMOS: Eric, hindi rin kita kilala at hindi ikaw ang inaakusahan ko at wala pa akong formal complaint sa Cinemalaya kaya hindi ko alam kung bakit may sagot na si Ms. Laurice Guillen.

"Ang inaakusahan ko ay ang director mo.... Kung sa 'yo galing ang concept ng Two Funerals, maybe mali ako. Pero kung kay Gil Portes galing ang concept, labas ka na sa problema namin.

"Huwag mong laitin ang mga boldie flick na ginawa ko dahil nagsulat ka rin ng mga script na hubaran at kabaklaan, na pinalabas sa mga sine sa Recto na sinasabi mong hadahan. [Ang tinutukoy ni Direk Bong ay ang mga gay indies na ginawa ni Eric, ang Walang Kawala, Heavenly Touch, at I Luv Dreamguyz.]

"Sabi nila, may mga direct to video ka rin na ginawa na hindi mo pinalagay ang pangalan mo. Kung inaakala ng iba na pang-award o matinong pelikula ang ginagawa mo, ipinapalabas pa rin 'yan sa mga sinehan na nilalait mo. Huwag na tayong magpakaipokrito...

"Huwag mong maliitin ang Biyaheng Norte, nasa top 3 siya ni Gil Portes nang mag-judge siya. Kahit i-deny pa niya. Gusto nga niyang bilhin ang script. Itanong mo kaya sa kanya. Baka naman hindi siya magsinungaling sa iyo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Panoorin mo muna ang Araro at padadalhan kita ng dvd ng Salome, para ikaw na ang humusga kung kinopya ko siya. Gusto mo, email ko sa iyo script ng Biyaheng Norte? Para magkaroon ka ng sariling judgment. Maraming salamat," pahayag ni Direk Bong sa naturang social networking site.

BONG RAMOS'S OFFICIAL STATEMENT. Ang pinakahuling statement ni Direk Bong tungkol sa issue: "I never said he's a plagiarist."

Ito ang panimula ng text message na ipinadala niya sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan kaninang alas tres y medya ng hapon.

Aniya pa, "In the first place, I have not yet filed my complaint sa Cinemalaya. My lawyer will watch the film of Tuesday sa U.P. Hindi ko alam kung official na yung statement ni direk Laurice na ikinakalat nila.

"Gil Portes was a member of the the screening committee when I entered Biyaheng Norte sa Cinemalaya 2008. Bakit hindi 'yon ang sabihin niya at aminin sa publiko? He read the script, evaluated, and discussed it with me. He even told me na bibilhin niya ang script kapag di siya pumasok sa top ten.

"Biyaheng Norte is a family drama at black comedy ang treatment, na katulad ng ipinagmamalaki niya sa treatment ng Two Funerals."

At muli, inulit ni Direk Bong: "I never said he is a plagiarist."

Dugtong niya sa kanyang mahabang text message, "Siya lang ang nakakaalam kung nagsisinungaling siya o hindi."

Humiling na by text message ang PEP ng statement mula kay Direk Gil. Bukas ang PEP sa lahat ng panig para sa anupang nais nilang sabihin o idagdag tungkol sa isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN