Jaya plays intrigued, nosy neighbor in Kaya ng Powers

The Soul Diva dreams of having a concert with Regine Velasquez and Lani Misalucha: "I would love for that to happen. Of course, most producers... I'm just being honest... most producers will consider Lani and Regine only, pero kayang-kaya ko rin namang pumasok diyan. So go tayong tatlo... go go go!"


Dahil very close friends at maituturing na BFF (best friends forever) sina Jaya at Regine Velasquez, tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jaya kung hindi ba siya naiinip sa pagpapakasal nina Regine at Ogie Alcasid?

"They will get there! Alam ko namang may inaayos sila, alam ko ang plano nila, malapit na 'yan, malapit na 'yan," sabi ni Jaya nang makausap namin sa presscon ng Kaya ng Powers, na nag-pilot telecast kagabi, July 24, sa GMA-7.

Ano ba ang plano ng dalawa?

"Ayoko nga! Baka hindi ko na siya maging BFF kapag sinabi ko," tawa ni Jaya.

"Masaya, masaya ang buhay niya ngayon, masaya ang lovelife nila, at ako nama'y natutuwa at naging kaparte ako nung simula so alam kong doon din ang tungo niyan."

SNOOPY NEIGHBOR. Sa Kaya ng Powers, ang role ni Jaya ay si Hilda, isang "echuserang frog na kapitbahay nina Rufa Mae na gusto ko talagang malaman kung ano ba 'yang mga pangyayari sa loob. Ang feeling ko lang kasi bago pa lang ito, pero feeling ko lang may dahilan kung bakit galit na galit ako sa kanila."

Pero hindi naman daw siya all-out na kontrabida sa bagong sitcom-fantaserye na ito ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Joey Marquez at Rufa Mae Quinto, kasama sina Rhian Ramos, Elmo Magalona at Sheena Halili. Tuwing Sabado na napapanood ito pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

"Slight kontrabidang frog, hindi naman bad, oo, hindi naman ako bad na bad, ayoko namang ma-hate ng tao from being Barang [sa Diva]. Echusera lang, parang laging may PMS [pre-menstrual syndrome]," at muling napatawa ang Soul Diva.

Nasa sitcom-fantaserye rin sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, Alyssa Alano, Diego, Elija Alejo at Dang Cruz.

NOT ALL ABOUT MONEY. Isa sa mga loyalista ng Kapuso network si Jaya.

What if may offer ang Singko na malaking-malaki? Enough ba iyon para umalis si Jaya sa GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kausapin ko si Ma'am Wilma [Galvante]," pagbibiro niya. "Kung ako? Alam mo, mahirap sagutin 'yan kasi yung ginagawa ko sa ngayon, wala akong problema, e. Pera-pera na lang ba 'to?

"So kung ako nama'y nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, gugustuhin ko bang lumipat at sirain ang kung anong meron ako ngayon?

"O lilipat ako dahil wala namang nangyayari sa akin? Kung walang nangyayari sa akin mabilis pa siguro sa alas-kuwatro, kung may mag-o-offer, go! Kaya lang, wala namang problema, e.

"From All-Star K na nag-last ng six years or seven years, SOP was twelve years for me, and Party Pilipinas is bago, the sitcom. Diva was parang long-running na siya, e. Puwede nga lang matatapos ng December para Christmas presentation," muling tumatawang sinabi ni Jaya.

NEW ALBUM. More on acting na siya, ayaw na ba niyang mag-concert?

"Gusto kong mag-concert pero album muna, na isang matindi para ano... Dalawa na 'yan e, yung Cool Change 'tsaka yung Real Love Stories. But I'm not quite satisfied with the result, but maganda yung album, pero hindi na-push so that's why I moved to another label.

"It has nothing to do with anyone but basta gusto ko lang iangat pa yung sa recording."

Naghahanap pa sila ng mga bagong kanta kaya malamang next year ma-release ang bagong album ni Jaya from a record label na ayaw muna niyang i-reveal.

"Hindi ko pa masabi kung anong label, baka pagalitan ako, e, kasi sila mismo nagsabi sa akin na huwag muna."

Isa pang ninanais ni Jaya ay isang concert na silang tatlo nina Regine at Lani Misalucha ang magkakasama. Sa tingin niya ay hindi iyon imposible.

"Hindi! Walang imposible basta sa Araneta, sa Music Museum... basta sa music, walang imposible. I would love for that to happen. Of course, most producers... I'm just being honest... most producers will consider Lani and Regine only, pero kayang-kaya ko rin namang pumasok diyan. So go tayong tatlo... go go go!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon na dati ng concert na pinagsama-sama sina Regine, Lani, Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla at Pops Fernandez.

"Actually lahat 'yan Power of Two, e. E, nag-Power of Two ako, 'tapos sabi ko sa manager ko, 'Bakit hindi ako kasali diyan?' Sabi niya, 'Gusto mo ba?' Sabi ko, 'Okay lang kung hindi, pero nag-Power of Two din ako, e.' Sabi ko, 'Baka hindi lang ano, hindi lang nila naisip na itanong ako...'"

FAMILY LIFE. Dalawa na ang anak nina Jaya at ang asawang si Gary Gotidoc, sina Sabriya at Dylan. Tama na raw sa kanila ang dalawang anak.

"Tama na! I have a stepson who's 14, poging-pogi! I have a four-year-old daughter who sings, and a one-year-old boy."

Umaawit na ang daugher niya?

"Plang! Good luck! Kunyari sasabihin niya, 'Is that Tita Regine?' Sasabihin ko, 'Yeah!' 'She's diva?' Sasabihin ko, 'Oo!' Ayun na bibirit na, kakanta na! Award 'kako, award! Hahaha! Good luck!"

Gusto na raw ng anak na mag-showbiz. "Gusto niya, ako ayoko," sabi ni Jaya. "Huwag muna, aral muna, aral, aral... Pagkatapos puwede na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN